CHAPTER 5: LIBRARY

4 0 0
                                    

CHAPTER 5: LIBRARY

**Afternoon Class**

♥BLUE's POV♥

*kriiiiiiing~

Hmmm. Kinapa ko naman ang phone ko.

*kriiiiing~

Aish. Minulat ko na yung mga mata ko.

Ah. Andito pa pala ako sa school. Anong oras na ba to?

*kriiing~

Sino ba tumatawag? >_<

Kinuha ko yung bag ko sa side table ng bed na to. Kinuha ko na yung phone ko.

*kriiiing~

Tiningnan ko naman. Unregistered number.

Sino naman to?

Slide.

Click.

"Hello!"

Agh! >_<

Nilayo ko naman sa tenga ang phone. Niloudspeak ko na lang para di ako mabenge.

"Pambihirang buhay to! Asan ka ba ? Kanina pa kita hinahanap! Alam mo bang gutom na gutom na ako! Ha! "

" tsk. Sabi mo kanina di tayo sabay. Asan ka ba?"

"Nasa library. "

"Wow. Bagong buhay tol? Kelan ka pa nagla-library?"

"Heh! Pumunta ka na dito, dahil nagugutom na ako. BILIS!"

**toot-toot-toot***

Galing...

Ayun binaba nya na. Bakit ba hindi nya na lang sya kumain mag-isa? Pambihira!

Bumangon na ako at kinuha ang bag. Sabay labas ng kwarto.

Teka? Sinigawan ba ako at inuutusan ng lokong yun?

Ay na! Mamaya yun! Kakatayin ko sya ng buhay! Grr.

"Kamusta? Nakapagpahinga ka ba ng mabuti?"- nurse 1. sya yung kanina na parang wala ng bukas kong makangiti.

Diritso lang ako lumabas na parang di ko sya narinig.

Asan ba ang library dito?

♥GRAY's POV♥

Ang tagal talaga ng babaeng yun kahit kailan!

Alam nyo ba kung asan ako ngayon? Nasa library lang naman! Alam nyo kung bakit? Ganito...

*FLASHBACKS*

Naglalakad ako ngayon sa hallway, hinahanap ko yung dora ko na kambal, kung saan nagsusuot.

Bigla naman may lumapit sakin na tatlong girls.

"Hi. Bago ka ba dito?"

"Ah yea." Saka ako nagsmile. Ang gaganda ng mga babae dito ah. Hahaha. Ayos!

"Ah talaga? Nakapaglibot ka na ba dito?" Girl 2

"Ah wala pa naman." Awkward. sobrang nakadikit na kasi sila sakin e.

Bigla naman may apat na girls yung lumapit samin.

"Excuse me. Padaan kami ha."- Girl na kakarating lang. Parang leader nung apat na mga clown.

Ang kakapal ng make-up pero maganda naman sila.

"Can we have your name?"

"No. Can we have your number?"

"No fullname please, so that we can add you sa facebook. Right girls?"

"How about join us, sa lunch ngayon?

Ahh. Did I tell you na dumami na sila? Ganito ba yung mga girls dito? Kung ganito to, ang dami kong magiging girlfriends dito. Bwahahahaha!

Pero. Nagugutom na ako. Grabe dumami pa ata sila ng dumami, patay na.

Naku, nag-away-away na yung iba.;) psh

Mamaya ko nalang sila e-entertain.

Dahan-dahan akong yumuko kasi nagkukumpulan na sila sa pwesto ko, saka dahan dahan akong umatras at saka tumakbo.

Pero napansin ako nung isa, kaya binilisan ko ang takbo.

*END OF FLASHBACK*

The next thing I know, andito na ako sa library habang yung girls nasa labas, hinahanap ako. Psh.

2nd day of class pa lang nga ngayon pero ganto na, anu pa kaya sa mga susunod.

Umupo na muna ako.

Titiiit- (message)

May nagtext.

I open my phone.

'Di ako sasabay sayo kumain, may pasok na kami. '

-Kambal

Tss. Pano naman ako makakain nito? Pambihira!

"Excuse me. Pwede po makidaan?"

Inangat ko yung ulo ko. Its a beautiful girl!

"Ah.. yeah sure. "

Tumayo naman ako at nag-offer ng daanan sa kanya. Saka sya ngumiti tapos may hinanap na libro sa taas na cabinet.

Kaya lang... hindi nya maabot.

Sa pagkakatingin ko, 1st year student pa lang ang batang to, dahil sa uniform nya. Hmm?

Mukha na syang dalaga. Pero ang cute nya. Napasmile naman ako.

Nang bigla na lang nyang tinalon yung cabinet kung san nakalagay yung book na inaabot nya kasi hindi nya makuha.

At ng...

"Aahh~"

kinabig ko sya palapit sakin dahil nahulog yung mga libro sa pwesto nya.

And then...

*slap

O.o?

♥PRINCESS's Pov♥

My gosh! My gosh! Bastos talaga!

Tiningnan ko yung kamay ko namumula pa.

I repent. I repent. Ba't ba ako nanampal? Eh kasi naman sya eh! Ba't naman kasi ganun kalapit ang mukha?

Waaaaah~ mukha pa namang adik yun.

Isusumbong ko sya kay Daddy at kuya. Eeew. My body. Nahawakan na ng kung sino lang lalaki.

Eh nakapreserve pa naman to sa magiging husband ko lang! Aaaaah~!

I text my leader.

To ate Shaira...

'Ate pray for me, may nasampal po akong lalaki, i will tell you later. Huhuhu T^T'

Send....

Ang aakit ng kamay ko... sorry dun sa lalaki. Kasi naman eh!

****END OF CHAPTER 5****

The Guarded HeartWhere stories live. Discover now