CHAPTER 13: FLASHBACK

2 0 0
                                    


CHAPTER 13: FLASHBACK

♥PRINCESS's POV♥

"Kuya, thursday po ngayon at may cell meeting kami with Ate Shaira. Baka po 7 na ako makauwi."

Sabi ko kay kuya habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria.

"Ok. Susunduin na lang kita." Habang kumakain sya.

"Haha. Wag na po kuya, kasi kikiligin na naman ang mga kacellmate ko dahil sayo. Hihi"

pagbibiro ko sa kanya.

"Ang gwapo kasi ng kuya mo eh." Sabi nya saka nagsmile sakin.

"Lumakas ata ang hangin."

Pag aarte ko sa kanya.

"Hahaha. Bakit hindi ba?" Sabi nya tumingin sakin ng kumakain.

"hihihi, Syempre gwapo kuya, mana ako sa iyo. Maganda." Sabay ngiti ko sa kanya.

Sang ayon na lang tayo, minsan lang yan magsabi ng mga ganyan. Hehe.

" Sige sunduin mo ako mamaya. Ha?"

"Very good. Kelan pala ang cellgroup mo?" Tuloy nya sa pagkain.

"Kahapon pa po. Pero after class po may ifa-follow up ako mamaya, may nashare-an po kasi ako na tatlong girls dun sa kabilang department. Kaya ivi-verify ko lang po sa salvation." Kumain na rin ako.

"Wow. Astig ang Princess namin ah. Galingan mo para mas lalong maging masaya si Lord. Ok?"

"Yes kuya! Coz I am a Princess of God and Ambassador of Christ!"

"Amen!"

Tapos nag apir kaming dalawa.

We dont mind those girls na nakapalibot samin na kanina pa kami pinag-uusapan at kilig na kilig kay kuya.

At yung mga lalaki din na kanina pang titig na titig sakin.

Iba na talaga basta anak ng Lord. Bumaba ang glory nya. Thats why to God be the glory. :)

"Kuya, itatanong ko lang po, sya pa rin ba ang crush mo?"-tanong ko.

"Sino? Si Ate Chao?"-sabi nya.

"Opo. Hehe, may iba pa po ba?"-

"Yeah. Why?"

"Ahh, pagnakatapos ka ba sa pag-aaral at stable na ang job mo, pag wala pang boyfriend si Ate Chao, liligawan mo po ba sya?"

"Hmm. Let the Lord's will be done. Hindi naman porket crush mo, sya na. Si Lord pa rin ang may alam kong sino yung nararapat para satin."

"Ahh."

"Pero kung will nga ng Lord, diba? Well i hope so."-sabi nya saka nagshrug.

"Ayiiiieee~ Si kuya o, namumula. Hahaha!"

"Haha. Ikaw talaga. Magdisciple muna tayo, marami pa tayong ginagawa at gagawin. Wag muna yan ang isipin natin. Kusa lang naman yang darating, sa tamang panahon."-sabi nya na pinapangaralan na naman ako.

Nagnod lang ako with a bigsmile.

(A/n: ehem! Ginalingan ko rin sa expossure. You know the character of Art is so idial talaga. Kaya kung sya lang din ang may crush sa author. I will said 'amen!' Sa sinabi nyang 'i hope so.' Hahahaha! Disciple pa more!)

"Ano oras po ang pasok mo?"

"After this may 1pm akong pasok. Ikaw palibrary?"

"Hindi po muna ngayon. Sa clinic na lang po muna ako."

The Guarded HeartWhere stories live. Discover now