12. Black-sand Exorcist II

2.2K 129 7
                                    


                                     Black-sand Exorcist II

Napatingala si Rodel sa kisame habang nakatingin siya sa maliit na bote na may lamang langis. Sinapo niya ang kanyang noo. Napatingin siya sa kanyang mga kasama na kagaya niya ay hindi rin makatulog.

"Sa palagay niyo, ano na kaya ang ginagawa nina Grimm at Victor kasama sina Father Clemen at Sir Orphen?" tanong niya.

Ngumiti ng matipid si Mikee.

"Malamang, nakikipag-umbagan?" wika niya.

Hindi niya kailangang bantayan si Grimm sa ngayon dahil alam niyang may tutulong dito sa oras na magipit ito. Mas kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang mga kaibigan nito para mailayo sila sa panganib. Nasa bahay sila ng pinsan ni Rodel na si Gina. Nagdadalang-tao ito at nightshift ang asawa sa trabaho kaya pinakiusapan si Rodel na samahan ito. At pinakiusapan din sila na sumama... Nagkasundo silang lahat dahil medyo bored sila, naudlot kasi iyong aswang hunting nila dahil hindi kumpleto ang kanilang grupo. Wala sina Grimm at Victor.

"Pagdating ng dalawang iyon, pagkukuwentuhin ko sila sa kanilang ginawa. Gusto kong malaman kung sino-sino ang mga nakalaban nila at kung ano ang mga nangyari." wika ni Rey.

"Tama ka diyan, gusto ko ring malaman kung sino o ano ang kanilang mga hinarap. Siguradong malalakas ang mga iyon dahil hindi tayo pinasama nina Father Clemen at Sir Orphen." si Salve.

Marami pa silang napag-usapan tungkol kina Grimm at Victor at lahat sila ay excited malaman ang adventures ng mga ito. Sana lang ay okay ang dalawa pagbalik. Samantala... Amaze na napatitig si Rusty sa mukha ng Tita Alice niya ng bigla nitong kunin ang librong binabasa niya.

"Bakit Tita, may problema ba?"

Isang pilyang ngiti ang namutawi sa labi ni Alice habang nakatingin siya sa kanyang pamangkin.

"May gusto lang akong itanong sa'yo, Rusty..."

"Ano iyon?"

"Kung saka-sakali bang mag-asawa ulit ang Papa mo, okay lang sa'yo?"

"Oo naman." mabilis na sagot ni Rusty.

"Talaga?" ang di makapaniwalang wika ni Alice.

"Eh kung kaligayahan niya iyon, eh masaya na rin ako. Tsaka ang maganda noon, magkakaroon na ako ng kapatid. Kaya okay lang sa akin. Bakit, may nililigawan na ba si Papa?"

Nagkibit-balikat si Alice. Hindi pa siya sigurado sa hinala niya. Pero kasi... Mahilig sa babaing kulot ang buhok ang Kuya Constantine niya.

"Hindi ko pa alam eh. Ewan ko doon sa Papa mo. Bigla ko lang naisip kasi, noong isang araw nagsa-sour grape siya at masyadong siyang bitter. Pinakialaman ba naman kami ni John? Kaya ang sabi ko sa kanya, maghanap siya ng sarili niyang love-life."

"Sinabi mo iyon kay Papa, Tita? Maghanap siya ng sarili niyang love-life?"

"Oo, galit ka?"

"Hindi, gusto ko nga ang sinabi mo sa kanya eh."

Samantala... Napakamot sa kanyang ilong si Constantine at saka siya biglang napabahing.

"Buwisit! Pinag-uusapan ako ah?! Wrong-timing naman!" pakli niya.

Nakiramdam siyang maigi sa kanyang paligid na nababalutan ng makapal na puting mist. Hindi pa rin lumilitaw ang kalaban niyang demon na gawa sa nag-aapoy na putik ang katawan. Alam niyang nasa paligid lang niya ito at naghihintay ng pagkakataon na sugurin siya. Isang napakainit na likido ang biglang nahulog mula sa kanyang ulunan. Muntik na siyang tamaan pero kasunod noon ang pagbuhos sa buo niyang katawan ng nag-aapoy na putik.

ESCAPE FROM HELL BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon