The Occultist
"Kamusta na ang braso mo?" ang untag ni Victor kay Crane.
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ng kanyang kausap. Nalaman niya kay Canary ang nangyaring pag-atake sa guild kung saan nag-aaral ang kapatid nito. Kung dati ay iritable at galit sa kanya si Crane, ngayon ay hindi na... Napilayan ito sa pakikipaglaban mula sa mga occultist na sumugod.
"Mabuti-buti na. Salamat sa gamot na dinala mo kahit na ang sama ng lasa. Malaki ang naitulong noon para gumaling ang iba ko pang pinsala sa katawan."
"Si Sir Duke ang may gawa ng gamot na iyan kaya sigurado ang bisa. Pero maiba ako, kamusta naman iyong nangyaring pag-atake sa guild niyo?"
"Sa totoo lang, hindi matatawag na pag-atake iyon. Isa lamang iyong pagbibigay ng babala para paghandaan ang mga occultist. Naghahamon sila ng matinding laban. Marami silang sumugod nang araw na iyon at kung ginusto nila ay magagawa nilang wasakin ang buo naming guild. Isa pa, hindi sila pumatay kahit na kaya nilang gawin iyon. Isang napakalaking insulto..." halata sa boses ni Crane ang matinding inis at galit.
Kitang-kita nga ni Victor ang matinding pagkuyom ng mga kamao ng kasama niya.
"Siya nga pala, iyong mga sumugod sa guild niyo na occultist... May kasama ba silang werdong demon na may suot na pointed na sumbrero at gumagamit siya ng mga kutsilyo?" ang pasimple niyang tanong.
Ilang sandaling nag-isip si Crane at inalala ang mga nangyari...
"Hindi... Wala silang kasama na werdong demon pero..." sinadya niyang ibinitin ang sunod na sasabihin.
"Ano?" ang na-curious na tanong naman ni Victor.
Ilang sandaling tumingin sa kanyang mukha si Crane.
"Iyong leader ng mga occultist na sumugod... Malupit siya at nakakatakot. Ang katawan niya, tadtad ng dark pentagram na tattoo... Kabaliktaran iyon ni Sir Constantine na tadtad ang katawan ng mga holy-symbols na ginawang pentagram." ang maikli niyang kuwento.
Napaisip bigla si Victor pero... Hindi niya kilala ang taong tinutukoy ni Crane.
"Ano ang kakayahan ng lalaking iyon?" ang tanong pa niya.
Napailing-iling si Crane, kitang-kita sa mga mata nito ang matinding galit at inis.
"Nanood lang siya sa ginawang pagsugod ng mga kasama niya. Iyong mga mata niya, kitang-kita ko ang pangmamaliit niya sa amin. Alam mo iyong tipo na para lang kaming mga langgam na kayang-kaya niyang tirisin? Nakakainis talaga ang ginawa niyang paghahamon sa atin..." ang pakli pa ni Crane.
Napamulsa naman si Victor sa kanyang shorts. Napangiti siya at napatingala sa langit...
"Ang leader ng mga occultist na iyan... Gusto ko siyang makaharap sa laban." ang natuwa niyang pakli.
Isang mahinang tawa ang kumawala kay Crane at makahulugang tumingin sa kasama niya.
"Sige, harapin mo siya sa laban at iganti mo kami." ang pakli niya.
Mataman namang nakikinig si Canary sa usapan ng dalawang lalaki. Nabuntung-hininga siya ng malalim. Kung kanina ay nag-aalala siya sa kalagayan ng Kuya niya, ngayon ay naiinis siya. Sugsugan ba naman sa laban si Victor? Napairap siya ng palihim sa dalawa, na-o-Op siya sa usapan pero wala din naman siyang balak na makisali dahil wala siyang alam sa topic.
"Ang mga lalaki talaga." ang wika na lang niya sa kanyang isipan.
Samantala... Panay ang ginagawang pagdidikdik ni Grimm sa sangkap na ihahalo ni Duke sa isang potion na ginagawa nito. Nandito siya ngayon sa guild at kasama niya sina Kief at Duke sa laboratory. Kaninang umaga lang ay naglagay na sila ng shield sa buong paligid ng eskuwelahan.
BINABASA MO ANG
ESCAPE FROM HELL BOOK 2
FantasyContinuation ng story ni Grimm... Sa pagharap nilang magkapatid sa kanilang ama na si Belphegor, nalaman nila ang isang katotohanan. Hawak nito si Kristoff, ang anak ng Kuya Gaunt niya kay Kristine at nagbigay ito ng hamon sa kanilang magkapatid na...