34. FIRE

1.8K 107 11
                                    


             FIRE

Kunot-noong napatingin si John kay Victor na kanina pa nakaharap sa salamin. Nakasuot na ito ng uniform para sa school at dala na rin nito ang sling bag at ilang libro.

"Hindi ka ba papasok?" ang hindi niya nakatiis na wika.

Sa halip na sagutin ang kanyang tanong ay mataman siyang tiningnan ni Victor. Inaayos nito ang consealer sa bahagi ng mukha na may pasa. Ang kaibigan nitong si Canary ang nagbigay noon...

"Kuya John, pantay na ba? Hindi na ba halata ang pasa sa kaliwa kong mata?" sa halip ay tanong ni Victor.

Hinding-hindi talaga siya lalabas hangga't may pasa ang guwapo niyang mukha. Mabuti na lang at iniligtas siya ni Canary, binigyan siya nito ng consealer. Napangiti siya ng maalala niya ang dalaga, mamaya lang ay dadalawin niya ito at bibigyan ng tanim niyang stripe roses... Napakamot naman sa kanyang ulo si John.

"Utang na loob, Victor! Hindi naman gaanong malala iyang pasa mo eh. Halos hindi naman halata. Huwag ka na ngang umarte diyan at pareho na tayong male-late sa pagpasok. Tara na!" ang yamot na yaya ni John.

Pumapasok siya sa guild bilang assistant ni Sir Edward.

"Heto na nga, papasok na!" ang napailing na pakli ni Victor.

Tahimik lang na nanonood si Orphen sa dalawa habang prente siyang umiinom ng kape at kumakain ng pandesal. Huminga siya ng malalim at saka binuklat ang nakatuping diyaryo sa mesa para magbasa. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa ginawa ng dakilang si Ivo Valkenstein...

"Saltek talaga ang isang iyon." ang hindi niya napigilang usal.

Napainom siya ng kape. Sa ngayon ay wala pa naman siyang natatanggap na misyon. Titingnan daw mamaya ng Kuya John niya kung may makukuha itong trabaho.

Samantala... Panay ang buklat ni Gaunt sa mga libro ni Father Clemen. Buong-gabi na siyang nagbabasa at hanggang ngayon ay wala pa siyang tulog. Napatingin siya sa spell na ibinigay sa kanya ni Ivo... Hindi niya akalain na napakahirap at napakakomplikado noon. Nasa loob siya ng aklatan ng simbahan. Narinig niya ang pag-ingit ng pinto. Bumukas iyon at iniluwa si Father Clemen na may dalang tray na may lamang mainit na kape at mga pandesal na napapalamanan ng scrambled egg na may maraming cheese na medyo natutunaw-tunaw na sa init. Inilapag nito sa mesa ang dala ngunit itinuloy lang niya ang ginagawa niyang pagbabasa. Matinding pag-aaral ang kanyang kailangan, lalo pa at wala siyang alam sa mga holy-symbols.

"Hindi ka na natulog. Magmula nang dumating ka galing kina Sir Dusty eh nandito ka na at nagbabasa ng mga aklat. Hindi ka na rin kumain ng hapunan, kagabi. Sa palagay ko, hindi naman masama kung ihihinto mo ang ginagawa mo para kumain ng almusal at hindi rin naman masama kung matutulog ka para ipahinga mo ang katawan mo, lalo na ang utak mong bugbog na." ang sita ni Clemen kay Gaunt.

Itinigil ni Gaunt ang ginagawang pagbabasa at saka napatingin kay Clemen.

"Kailangan kong magpursige para sa anak ko." ang maikli niyang sagot.

Akma sana niyang itutuloy ang ginagawa pero muling nagsalita ang kasama niya.

"Walang saysay ang pagpupursige mo kung hindi mo naman gaanong naiintindihan ang bagay na gusto mong pag-aralan. Puwede kitang tulungan diyan sa problema mo. Pero, matuto ka munang sumunod sa akin kung gusto mong turuan kita ng mga nalalaman ko."

Ilang sandaling napatanga si Gaunt at napatitig kay Father Clemen. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Napalunok siya at napakurap.

"Kung ganoon, ano ba ang dapat kong gawin?" ang wika na lang niya.

ESCAPE FROM HELL BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon