Let's get it on!
Panay ang tingin sa paligid ng grupo nila Grimm, bukod sa napakaluwang ng grand x arena ay napakaraming tao ang naroon. Mga exorcist na nagmula sa iba't-ibang guild. Mahahalata dahil sa mga suot na uniform. Nakapagpalista na sila kanina at mamaya pa naman ang unang bahagi ng paligsahan kaya naman naisipan nilang maglibot-libot na muna. May mga nagtitinda ng kung ano-ano sa paligid, sinasamantala din ng mga negosyante ang event. Sa buong sandali ay walang ginawa si Victor kundi ang titigan si Iron-mask. Bilib na bilib siya dahil ayaw talagang magtanggal ng maskara ng lalaki. Halata ngang mabigat at hindi basta-basta ang suot nitong maskara sa mukha. Dahil nakatuon ang buo niyang atensyon dito ay may nakabunggo siya.
"Ano ba?!" ang angil ng taong nabangga niya.
Tumingin siya dito at bahagya siyang nagulat nang makita nito si Crane-ang masungit na kuya ni Canary.
"Naku, Kuya! Pasensiya ka na, hindi ko sinasadya." ang hinging paumanhin niya.
Napatingin ang mga kasama nito sa kanya ng masama pero nagpunta din sa kanyang likuran ang tropa niya. Isa namang matalim na tingin ang ipinukol sa kanya ni Crane.
"Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na huwag na huwag mo akong tatawaging kuya dahil hindi naman kita kapatid?" ang masungit pa nitong wika.
Isang alanganing ngiti ang namutawi sa labi ni Victor at napakamot sa kanyang ulo.
"Pasensiya ka na, Kuya. Lalaban ka rin pala dito? Hindi ko alam, exorcist ka din?" ang nagtataka pa niyang tanong.
Medyo nagulat siya nang duruin siya ni Crane. Halata ang matinding galit sa mga mata nito.
"Pinilit kong maging exorcist upang ibangon ang aming dangal. Gusto kong patunayan sa lahat na hindi duwag ang aming angkan. Patutunayan ko iyon sa gaganaping laban. Kahit na tutol ang pamilya ko na maging exorcist ako, pinilit ko pa rin. Magharap tayong dalawa sa laban." ang hamon kaagad nito.
Hindi lingid kay Crane ang tunay na pagkatao ni Victor kaya naman kumukulo ang dugo niya dito... Dahil sa nakaraang pangyayari kung bakit siya nabubully, tinatawag siyang duwag ng lahat. Pero, hindi siya duwag.. At ang ginawa ng Lolo niya noon, hindi matatawag na kaduwagan. Isa namang kampanteng ngiti ang namutawi sa labi ni Victor. Dinuro niya pabalik si Crane.
"Tinatanggap ko ang hamon mo. Magkita tayong dalawa sa laban, basta ba galingan niyo ng team mo." ang wika niya.
Nagreact naman ang isa sa kasamahan ni Crane.
"Aba, mayabang kang baguhan ka ah? Baka kayo ng team mo ang dapat galingan ang laban. Pang number seven lang ang guild niyo. Kami, nasa pangalawa ang rank."
Magsasalita pa sana si Victor pero hinawakan ni Grimm ang kanang-balikat ng kanyang kaibigan para awatin. Nasapo naman ni Kief ang kanyang noo at bahagyang napailing.
"Tama na iyan, Victor. Magkakaalaman na lang sa laban." ang mahinahon niyang pakli.
Isang makahulugang ngisi ang namutawi sa labi ni Victor at saka pasimpleng hinawi ang kanyang bangs sa mukha.
"Magkaalaman na nga sa laban." ang pakli na lang din niya.
Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi ni Crane. Inilahad niya ang kanan niyang kamay kay Victor. Gusto niyang gamitin ang pagkakataong ito upang labanan ang demon na tumalo sa Lolo niya. Hindi para gumanti kundi para ibangon ang nawalang dangal ng kanilang angkan.
BINABASA MO ANG
ESCAPE FROM HELL BOOK 2
FantasyContinuation ng story ni Grimm... Sa pagharap nilang magkapatid sa kanilang ama na si Belphegor, nalaman nila ang isang katotohanan. Hawak nito si Kristoff, ang anak ng Kuya Gaunt niya kay Kristine at nagbigay ito ng hamon sa kanilang magkapatid na...