Birthday
Nilaro ni Jack sa kanyang kanang-kamay ang sumbrero niya. Ipinaikot-ikot niya iyon at matamang tumingin sa mukha ni Belphegor na nakangiti. Kakaiba ang ngiti na iyon dahil sa kabila ng mga pasa at galos sa katawan nito ay makikita doon ang tagumpay.
"Hindi kita maintindihan, Belphegor. Nasa iyo na ang lahat ng pagkakataon upang patayin ang exorcist-priest, pero hindi mo ginawa. Bakit hindi mo siya pinatay?" ang naiintriga niyang tanong.
Pasimpleng tumingin sa kanya ng makahulugan si Belphegor at saka napasuklay sa magulo nitong pulang-buhok.
"Kapag pinatay ko ang exorcist-priest na iyon, wala nang magtuturo para maging mas malakas pa ang anak ko. Siya ang susi para mapalabas ni Grimm ang kanyang demon form at napatunayan ko na iyon. Mas malakas ng di hamak ang kanyang demon form kay Gaunt at medyo nakakagulat ng bahagya ang tungkol sa bagay na iyon. Sa umpisa pa lang kasi, si Grimm na ang mas mahina sa kanilang dalawa. Pero mukhang mali tayong lahat ng akala..." ang wika ni Belphegor.
Napangiti ng matipid si Jack dahil sa kanyang narinig.
"Very nice..." ang natutuwa niyang sambit.
Napatitig siya sa sumbrerong nilalaro niya sa kanyang kamay. Naalala niya ang batang si Grimm noon. Ginawa nito ang sumbrero na iyon para sa kanya. Nasunog kasi ang buhok niya nang minsang hamunin niya sa laban ang isa sa Prince of Hell na si Mammon. Natalo siya sa labang iyon at pinagtripan nitong sunugin ang kanyang buhok para gawin siyang katatawanan sa lahat. Pero, ginawan ni Grimm ng paraan para hindi siya maging tuluyang katawa-tawa... Mas lumuwang ang kanyang pagkakangiti ng maalala niya ang bagay na iyon. Tumayo na siya sa kanyang kinauupuan.
"Saan ka pupunta?" ang sita sa kanya ni Belphegor.
"Babalik ako sa mundo ng mga tao. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta doon. Magliliwaliw na lang siguro muna ako sa kung saang tabi-tabi na aking mapupuntahan." ang makahulugan niyang wika.
Napataas ng kanang kilay si Belphegor.
"Sa tingin ko, mas magiging maganda nga kung magliliwaliw ka na muna sa mundo ng mga tao. Doon ka na muna." ang go signal niya.
Isinuot ni Jack ang hawak niyang sumbrero at saka inayos iyon.
"Very nice..." ang tangi na lang niyang wika.
Pasimple na lang siyang kumaway kay Kristoff na walang emosyong nakikinig sa kanilang mga usapan. Tumalikod na siya at tuluyang naglakad paalis.
Samantala... Mariing ikinuyom ni Grimm ang kanyang mga kamao habang nakatitig siya kay Clemen na nakahiga at walang-malay. Puno ng benda ang katawan nito. Nagamot na ito ni Duke at sinabi nito sa kanila na wala silang dapat na ipag-alala dahil wala namang malalang pinsala ang katawan nito. Nasa tabi nito si Rusty at nagbabantay sa tiyuhin. Pinalitan nito kanina ang Kuya Gaunt niya.
"Pasensiya ka na Rusty... Hindi ko nagawang protektahan si Father Clemen laban sa aking ama. Siya pa nga ang nagprotekta sa akin eh. Wala man lang akong nagawa, mahina pa talaga ako..." ang hinging paumanhin niya.
Nakakaunawa namang tumingin si Rusty kay Grimm. Kitang-kita niya ang pagkabigo sa mukha nito. Medyo nawawala na ang mga bakas ng pinsala sa katawan nito. Mamaya pa ito uuwi kapag hindi na halata sa katawan nito ang matinding pinagdaanang laban.
"Hindi mo kailangang humingi ng pasensiya, malakas ang nakalaban niyo ni Tito Clemen. Isang Prince of Hell. Isa pa, hindi papayag si Tito na ikaw ang promotekta sa kanya, dahil ikaw ang estudiyante niya. Siya ang dapat na nagtatanggol sa'yo. Ganoon siya."
BINABASA MO ANG
ESCAPE FROM HELL BOOK 2
FantasyContinuation ng story ni Grimm... Sa pagharap nilang magkapatid sa kanilang ama na si Belphegor, nalaman nila ang isang katotohanan. Hawak nito si Kristoff, ang anak ng Kuya Gaunt niya kay Kristine at nagbigay ito ng hamon sa kanilang magkapatid na...