24. Inside the Closet

2.2K 111 13
                                    


                   Inside the Closet

"Oh, kamusta ang pagpunta mo sa bahay ng anak mo?" ang untag ni Dusty kay Ivo.

Habang nakikita niya ngayon ang kaibigan ay parang naalala niya ang panahon kung saan magkasama pa sila at lumalaban sa napakaraming demons noong panahon ng dark ages. Masayang mahirap ang panahong iyon. Napakamot sa kanyang ulo si Ivo at saka alanganing napangiti sa kanyang kausap. Kasalukuyan siyang umiinom ng kape habang kumakain sila ng pandesal na dala niya, personal na ginawa pa ni Grimm para sa kanya. Pabaon daw sa kanyang pag-alis... Mabuti nga at hindi sinabi ng binatilyo na huwag na siyang bumalik. Napangiti siya sa isiping iyon.

"Ayon, medyo masama pa rin ang loob sa akin ng anak ni Belphegor dahil sa pagkatay ko sa laga niyang baboy noon. Ha ha ha ha ha, hindi talaga niya nakalimutan. At itong anak ko namang si Andy, pinalayas kaagad ako. Alam mo iyong parang wala man lang siyang amor sa akin? Natatakot kasi siyang madulas ako at malaman ng bata ang sekreto nila... Hay naku!"

"Eh may pagkadaldalero ka naman kasi. Hayaan mo na."

Napapaypay sa hangin si Ivo dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan.

"Tsk! Siya nga pala, kamusta na si Duke? May asawa na ba siya at ilan na ang apo mo sa kanya?"

Napainom ng maraming kape si Dusty bago siya magsalita.

"Hay naku! Hanggang ngayon, nag-aaral pa rin ang tarantado sa guild. Hindi siya makagraduate dahil kung ano-anong kalokohan ang ginagawa niya. Binata pa rin naman siya at hindi pa nag-aasawa. Pero salamat naman dahil sa wakas eh may babae ding nagkamali sa kanya kahit na papaano. Kaya hindi na rin ako mag-aalala na tatanda siyang binata."

Natawa ng mahina si Ivo sa kanyang narinig.

"May nagkamali din naman palang dalaga sa kanya kahit na paano. Maganda iyan." itinaas niya ang mug niya para sa pagto-toast.

At iyon na nga, pinagbangga nila ang kanilang mga tasa at saka nagtawanan. Samantala... Bahagyang nasorpresa si Grimm nang mabungaran niya sa labas ng school si Kief kasama si Sir Neil. Medyo matagal-tagal din niyang hindi nakita ang dalawa.

"Kamusta?" ang bungad kaagad ni Grimm sa dalawa.

Nanatili namang tahimik lang ang mga kaibigan ni Grimm.

"Ayos lang, Grimm. Nandito kami kasi kailangan namin ng tulong niyo ni Victor..." ang umpisa kaagad ni Neil.

"Tungkol saan?"

Isang alanganing ngiti ang namutawi sa labi ni Neil at saka siya napahinga ng marahas. Pasimple siyang napakamot sa kanyang noo. Hindi kasama ng mga binatilyo si Rusty dahil ang Tita Alice nito ang kasabay nito ngayon sa pag-uwi.

"Maupo tayo doon sa waiting shed. Medyo mahaba-haba kasi ang istoryang ikukuwento ko para maipaliwanag ang lahat..."

Nauna nang naglakad si Neil papunta doon sa waiting shed at napasunod silang lahat. Bago ito magsalita ay binati muna ni Grimm si Kief.

"Kuya Kief, ang tagal mo na ring hindi nagpupunta sa bakery ah?"

Isang alanganing ngiti ang namutawi sa labi ng binata.

"Pasensiya ka na, busy kasi ako eh. Alam mo na, sa guild..." ang simple niyang sagot.

Pero ang totoo niyan, umiiwas muna siyang magpunta sa bakery nila Grimm dahil natatakot siyang madulas. Lagot siya sa pamilya nito kapag nagkataon. Palihim siyang napalunok dahil doon.

"Bueno, mga bata... Magkukuwento na ako at isang babala lang... Hindi pang-fairy tale ang kuwentong ito."

Natawa ng mahina si Victor sa sinabi ni Neil.

ESCAPE FROM HELL BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon