Chapter 2

3K 123 5
                                    

It was a cloudy day of Friday. As usual nasa may ilalim naman ng malaking puno si Ashley at nakasandal while she was waiting for Lorraine.

Hindi sila nakapanabay mag lunch ni Lorraine dahil ipinatawag silang mga kasali sa play para sa meeting kaya nag lunch syang mag-isa.

Umalis muna sya saglit upang bumili ng maiinom nya total mukang matatagalan pa naman bago dumating si Lorraine.

Pag balik ni Ashley nakita nyang nandun na si Lorraine kaso hindi ito nag-iisa dahil nandun din si Trixie.

"Di ba sinabi ko ng wag na wag mo akong kakalabanin hah?! Sunisubukan mo ba talaga ako?!"

"Si Ma'am Espinosa ang may gusto na ako ang gumanap sa role na ito. At isa pa kung nakuha ko man ito iyon ay dahil pinag sikapan at pinag hirapan ko din naman iyon"

"Are you kidding me? Look at yourself? Sa tingin mo ba bagay sayo yon? Your such a loser Miss nakasalamin."

"Ano bang kasalanan ko sayo at galit na galit ka sakin?"

"Hindi mo alam?!! Dahil masyado kang ambisosya! You're pathetic!"

Napaka maldita talaga ng babaeng to. Si Lorraine naman gaya ng dati nakayuko na naman. Mukhang maiiyak na. Akala nya pa naman lalaban na ito hindi pa rin pala.

Lihim lang syang nakasandal sa likod ng isang punong may kalakihan at nakikinig.

Hindi nya na nagawang makalapit ng tuluyan at magpakita baka lalo pang mag kagulo at masabihan pa syang pakialamera.

Gustuhin nya mang ipagtanggol si Lorraine laban kay Trixie hindi nya na lang ginawa. As long as hindi ni Trixie sinaktan ng pisikal si Lorraine, iyon ang mahalaga.

Hindi ugaling makinig ni Ashley sa usapan ng iba pero sa pagkakataong yon ginawa nya. Hindi nya naman kasi sinasadyang marinig eh. Akala nya kasi in good terms na ang dalawa.

Hinayaan nya lang ang mga ito. Hindi naman nag-lipat sandali at lumayas na din sa wakas si Trixie pag-katapos ng napaka raming pinakawalang insulto at anu-ano pang masasakit na salita kay Lorraine.

Pinalipas nya muna ang ilang minuto bago sya lumabas sa pinagkukublihan nyang puno.

Nakayuko si Lorraine at hindi mo na kailangan pang manghula kung anong ginagawa nito, dahil obvious namang umiiyak ito. Dahan-dahan syang lumapit para iabot ang panyo.

"Hindi naman masamang lumaban at ipagtanggol ang sarili mo kung minsan. Basta ba alam mong ikaw ang nasa tamang katwiran"

Mahina nyang sabi at marahang inilapag ang bote ng mineral na binili nya.

"Hindi ko kaya. Mga bata pa lang kami mainit na talaga angdugo nya sakin"

"Pero bakit?"

"Dahil sanay syang siya lagi ang center of attraction. She was very popular back then, at kahit naman magpa hanggang ngayon. Lagi syang nananalo sa mga beauty contest mula grade school hanggang ngayon. At lahat ng gusto nya nakukuha nya."

"Attention seeker huh! Ang mabuti pa huwag mo na lang syang pansinin. Iwasan mo na lang sya. Makukunsumi ka lang sa kanya. Baka dumami pa wrinkles mo sayang ang fes mo teh"

Dahil sa sinabing yon ni Ashley hindi napigilang tumawa ni Lorraine. Good mood na ulit ito at parang nakalimutan na kung anong nangyari kanina.

"Mukhang ganon na nga ang dapat kung gawin. Ash thanks hah kahit pano gumaan ang pakiramdam ko."

Isang oras din silang nag kwentuhan ni Lorraine hanggang sa maisipan na nilang umuwi.

Nasa bahay na si Ashley pero nasa isip nya pa rin yong mga pinag-usapan nila ni Lorraine kanina.

Nakakalungkot lang isipin na may mga taong hindi pa makontento sa kung anong meron sila at sa mga biyayang tinatamasa nila sa buhay.

Ikinasisiya nila na may nasasaktan silang iba kahit pa isang inosente basta makuha lang ang gusto nila.

Naisip lang ni Ashley kung bakit hindi na lang ipaubaya ni Trixie yong role sa play kay Lorraine. Kung tutuusin hindi naman na kawalan sa kanya yon. Hindi ba ito napapagod?

Masyado ng nasisilaw sa kasikatan the fact na sa school campus pa lang yon paano pa kaya kung maging isang artista pa ito? Siguradong marami ang maaapakan nito.

Taming Miss Ice Princess's Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon