Chapter 7

1.9K 112 7
                                    

Nagising si Ashley dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa salaming pinto ng terrace ng kanyang kwarto.

Kinapa niya ang alarm clock na nakapatong sa may bed side table niya. Alas diyes na ng umaga ayon sa alarm clock niya.

Ito ang unang beses na nagising siya ng ganitong oras. Inabot na siya ng tanghali sa higaan. Dali-dali niyang inayos ang kanyang hinigaan and took a quick warm shower.

Bumaba siya after makapag-ayos. Nasa puno na siya ng hagdan ng batiin siya ng isang maid na nagpupunas ng mga gamit.

"Good morning po Senorita."

"Morning."

"Nakahanda na po ang inyong agahan. Saan po namin dadalhin?"

"Sa dining na lang ako kakain. Thanks."

Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain ng dumulog sa kaibayong upuan ang kanyang ama.

"Good morning. Tinanghali ka yata ng gising hija."

"Napagod lang ho ako kahapon."

Inubos niya lang ang natitirang pagkain sa kaniyang plato saka nag excuse at umalis na.

Laging ganoon ang eksena sa pagitan nilang mag-ama simula ng dumating siya ng Pilipinas at tumira sa poder nito.

Galit siya rito. Magka-ganoon pa man ama niya pa rin ito kaya civil pa rin kung pakitunguhan niya ito. Alam niya ring nasasaktan ito sa kalamigang ipinapakita niya rito.

Kung siya ang masusunod mas gusto niyang manatili sa London o kaya naman sa America total nanduon naman ang tita niya. Kung hindi dahil sa kahilingan ng kaniyang ina never siyang pipisan sa bahay ng ama.

Walang sino mang anak ang gugustuhing makasama araw-araw ang taong naging dahilan ng pagdurusa ng kanilang ina hanggang sa tuluyan na itong igupo ng karamdaman.

Akala niya abala lang sa mga negosyo ang kanyang ama kaya bihira sila nitong dalawin. Dati noong sa New York pa sila naka base ng mommy niya ay naiintindihan niya pa ito dahil talaga namang malayo.

Pero noong lumipat sila sa London, wala namang ipinag-bago. Minsan lang silang dalawin nito. Naisip niya tuloy na mas mahalaga pa rito ang negosyo kaysa sa kanilang mag-ina.

That was three years ago when she saw her mother crying. Pero everytime na tatangkain niyang mag tanong lagi lang nitong sinasabi na walang problema at maayos ang lahat.

Sino ba ang hindi magtataka? Iisipin mo bang maayos ang lahat at wala itong problemang dinadala kung nakikita mo itong lihim na umiiyak? That's bullshit!

Bawat pagkukulang ng kaniyang ama ay pinupunan ng kanyang ina. Oo, marahil sa materyal na bagay wala na siyang mahihiling pa.

Ano pang silbi noon kung hindi naman nila kasama ng ina ang kaniyang ama? Hindi niya kailangan ng mamahaling bagay. Kahit wala, basta andoon ang kaniyang ama at buo sila.

Bawat okasyong wala ito, may idinadahilan ang ina. Kaya nasanay na rin siya na wala ang presensiya ng kaniyang ama.

Kahit hindi aminin ng kaniyang mommy at pilit nitong igiit na ayos lang ang lahat.

She knew deep down inside, she was hiding something to her. Siguro may babae na ang kaniyang papa at may kahati na sila sa buhay nito.

Wala ng ibang paliwanag doon. Hindi siya batang paslit na mauuto sa mga dahilan nito.

Ilang buwan na rin pala mula ng pumanaw ang kanyang ina. Hindi niya napigilang maiyak at alalahin ang huling eksena kasama ang kanyang mommy.

Kagagaling niya lang sa school noon dahil may inayos silang ilang requirements. Kailangan nilang ipasa yon dahil vacation na. Nadatnan niya ang kanyang ina na nakahandusay sa sala.

"Mommy! Mom!"

Nang hindi ito sumagot nag panic na siya. Dali-dali siyang lumapit dito at nag sisigaw ng tulong.

"Help! Help!"

"Miss Ashley, ano po yon?"

"Jean, my mom.. Tulungan mo akong buhatin siya dadalhin natin siya sa hospital."

Kahit na labin-limang taong gulang pa lang siya mature na siya kung mag-isip.

Iyon na maharil ang epekto sa kaniya ng lumalaking hindi kasama ang ama sa mga nakalipas na mga taon.

Tatlong araw lang. After three days na pagkaka-confine ng ina sa isang hospital binawian din ito ng buhay.

Para siyang baliw na nagsisigaw at bumabalahaw ng iyak. Hindi niya matanggap na wala ang mommy niya.

Kung wala siguro si Jean, wala ng mangyayari sa kanya ng mga oras na yon. Ito ang nag-ayos ng lahat dahil hindi siya makausap.

Galit na galit siya sa papa niya. Bakit nagawa nitong pabayaan sila? Nag long distance naman siya at sinabing nasa ospital ang mama niya subalit hindi ito dumating.

Pangalawang araw na ng burol ng dumating ito. Sa buong durasyon ng lamay ng kanyang ina hanggang sa maihatid ito sa huling hantungan ni hindi niya ito kinausap.

Bakit pa? Hindi naman sila dito mahalaga di ba? Nagawa nitong tikisin silang mag-ina.

Sana hindi na lang ito dumating. Mas mabuti pa ang ganoon. Dumating nga ito subalit ang mommy niya naman na nawala.

Noon nila ito kailangan, hindi ngayon. Noong mga panahon na masigla pa ang ina at buhay pa.

Walang araw na hindi siya umiiyak pagkatapos mailibing ang kanyang ina. Gumigising siya sa umaga na mugto ang mga mata at natutulog na pangalan nito ang tinatawag.

Pakiramdam niya kagaya siya ng isang robot na walang emosyon. Sa sobrang kalungkutang nararamdaman tila nasaid na din ang ibang damdamin.

At kumikilos lang dahil kailangan. Mukha na rin siyang zombie dahil ang putla-putla na niya. Malaki rin ang ihinulog ng katawan niya.

Dahil sa wala na ang mommy niya kailangan niyang sumama sa papa niya sa Pilipinas. But she don't want to. She hated her father.

But then again wala siyang magagawa dahil kailangan. Even if it's against her will. Iyon ang huling habilin ng mommy niya. And she promised to her mom.

Hinding-hindi niya ito bibiguin kahit kapalit pa nito ang araw-araw niyang makikita at makakasama ang ama.

Maliit na sakripisiyo lang naman iyon sa parte niya kumpara sa sakit na naranasan ng kaniyang ina na dulot ng kaniyang ama.

Bumalik sa kasalukuyan ang pag-iisip niya ng maramdaman niyang may tumulong mainit na likido sa kanyang pisngi.

Pinahid niya lang ito. Hindi niya maiwasang maiyak kapag naaalala niya ang kaniyang mommy.

"I miss you mom. I wish you were here. I miss you terribly."

Padapa siyang nahiga sa kaniyang kama. Ang hirap mag kunwaring matatag at okay lang lahat gayong wala siyang ibang gustong gawin kundi ang sumigaw.

Pero alam niyang kahit mamaos pa siya sa kasisigaw wala ding magbabago. Hindi na babalik ang mommy niya.

Kasabay ng pagkawala ng kanyang ina ang paglimot niya sa isa pang masakit na ala-ala.

Mga ala-alang ayaw na niyang balikan pa. Isa iyon sa dahilan kung bakit siya sumamang imuwi kasama ng ama dito sa Pilipinas.

Nakatulogan na niya ang pag-iyak habang hawak-hawak ang picture nilang mag-ina.

Taming Miss Ice Princess's Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now