Chapter 3

2.4K 125 8
                                    

After class sa Library agad si Ashley dumiretso at doon nag babad para mag-aral. Masyado pang maaga para umuwi. Si Lorraine naman nagpapractice ng play.

Tapos na syang mag-aral sa dapat araling mga subjects kaya itinabi na nya ang mga aklat at isinilid sa bag nya. Kumuha sya ng isang aklat sa hanay ng book shelf para mag basa ng dumating si Lorraine.

"Hey, Ash! Sabi na nga ba at nandito ka lang. Galing ako sa tambayan wala ka."

"Tapos na ang practice nyo?"

"Oo. Tara, may practice game ang Basketball team, nuod tayo."

"Ha? Ahhmm sure."

Gusto nya sanang tumanggi kaya lang napansin nyang excited ito kaya nagpahinuhod na lang sya dito.

Pag dating nila sa gym ang dami ng tao para manuod. May mga babaeng hindi magkamayaw sa pagchicheer. Mukhang kanina pa nag simula ang game. Buti na lang may na pwestohan pa sila.

Napatingin na lang sya kay Lorraine ng makisabay itong mag cheer sa iba. Hala! Parang sinapian ng kung ano ito. Biglang nawala ang pagiging mahiyain at mahinhin.

Ano bang meron sa larong ito?

Saka nya inilibot ang tingin sa mga manlalaro at sinundan ng tingin ang tinitingnan ni Lorraine.

Aba, kaya pala excited sya kaninang pumunta dito para manuod. May dahilan naman pala kung bakit.

Naka pangalumbaba lang sya sa may bleacher. Isa pa nabibingi na talaga sya sa mga katabi nya. Walang ginawa kundi ang sumigaw.

Hindi ba sumasakit ang mga lalamunan ng mga ito? Kung maka tili naman ang mga ito parang wala ng bukas. Noise pollution na ang ginagawa nila. Makaalis na nga lang baka mabasag pa eardrums ko.

Kaya nagpaalam muna sya kay Lorraine na bibili ng maiinom sa may canteen.

Hindi agad sya bumalik sa may court kahit nakabili na sya ng tubig at nakainom na. Hindi nya masabi kay Lorraine na hindi sya mahilig manuod ng Basketball.

Nagpalipas muna sya ng oras sa labas. At nang sa tingin nya ay malapit ng matapos ang game saka pa lang sya bumalik sa loob.

Tapos na pala ang laro. Mas pabor yon sa kanya atleast hindi na sya magtatagal pa dun sa loob sa panunuod.

Hinanap nya nalang si Lorraine kung nasaan ng bahagi ng court napadpad. Wala na kasi ito sa dating kinauupuan nila kanina.

Ilang minuto din syang nagpaikot-ikot para hanapin si Lorraine. Nakakahilo na din. Maliban kasi sa matao mainit pa.

Nang sa wakas ay matagpuan nya ito malapit sa locker ng Basketball team at kausap iyong lalakeng tinitingnan nya kanina.

Balak nya na sanang umalis at hayaan na lang ito sa moment nito. Ititext nya na lang na mauna na sya ng malingunan sya nito at kawayan na lumapit, and so, she did.

"Ash, meet Melvin and his best friend Dean. And guys, this is my friend, Ashley"

Hindi sya interesadong makipag kilala subalit inabot nya pa rin ang nakaumang na palad para makipag hand shake alang-alang kay Lorraine.

"Glad to meet you"

Parehas nitong sabi sa kanya. Palangiti si Melvin. Kahit ata ang mata nakangiti rin. Halatang mabait ito. No wonder kung bakit ganon na lang ang ikinikilos ni Lorraine.

Parehas may itsura ang dalawa kaya lang mas lamang si Dean dahil obvious na gwapo at mas matangkad pa. At ang ngiti nito iyong tipong tatalon na ang puso mo sa kilig. Kaya pala maraming tumitili dito kanina. Pero hindi ang kagaya nya ang basta mahuhumaling dito.

"Same here"

Matipid na sagot ni Ashley sa dalawang lalake. Hindi man lang kababakasan ng interes.

"Ash, nag-aaya si Melvin na mag merienda muna bago umuwi"

"Ah ganon ba? Kung ganon mauna na ako sainyo."

"Teka, hindi ka sasama?"

Halata ang pagkagulat sa mukha ng mga ito.

"Sige na Ashley sumama ka na ihahatid ka na lang namin after natin mag merienda, promise"

Sabi ni Melvin. Nakita nya namang sincere ito kaya lang hindi sya kumportable na sumama sa mga ito.

"Sorry guys. May gagawin pa kasi ako. Next time perhaps. Sige, I'll go ahead. See you on Monday, Lorraine."

At nagmamadali na syang umalis sa gym para umuwi. Hindi sya interesado sa kalahi ni Adan. Nandito sya para mag-aral, hindi para magpa-cute.

Bago sya umuwi dumaan pa muna sya sa Bookstore para bumili ng ilang aklat.

Taming Miss Ice Princess's Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now