Chapter 6

1.8K 119 5
                                    

Nag-inat si Ashley dahil nangawit  siya sa pagdu-drawing sa sketch pad niya. Kahit saan siya mag punta lagi siyang may dalang sketch pad. Hobby niya na kasi ang gumuhit ng kahit na ano.

Maliban sa kanyang namayapang ina ay wala ng iba pang nakakaalam na marunong siyang mag drawing.

Ayon sa kanyang wrist watch ng tingnan niya ito ay may fifteen minutes after five na ng hapon. Kaya hindi malayong nakakaramdam na siya ng mangangalay.

Masyado siyang nalibang sa pag-i-sketch kaya hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras.

Oras na para umuwi kaya naman pagkatapos ayusin ang mga gamit at isilid sa bag lumabas na siya ng Library.

Hindi pa man nagtatagal sa pagkakatayo si Ashley sa may waiting shed para mag-abang ng masasakyang taxi pauwi ng bumuhos ang ulan.

Ayos lang sana kung simpleng ulan kaya lang masyado yatang malakas. She forgot to bring her umbrella with her.

Aishh..I should remind myself to bring an umbrella always wherever I'll go.

Dahil sa walang magagawa hihintayin niya na lang na tumila ang ulan dahil wala siyang choice at mas lalong wala siyang balak na makipag balyahan ng katawan sa mga kapwa niya pasahero upang makasakay.

Matagal-tagal na ding sandali siyang nakatayo doon pero wala pa ring dumadaang taxi. Kung meron man may sakay na ito.

At ang ulan ay patuloy pa rin sa malakas na pag buhos. Hindi na yata ito mauubos at wala ng balak tumila pa.

Kahit sabihin pang sanay siya sa lamig, nilalamig pa rin siya dahil bukod sa malakas na buhos ng ulan, malakas din ang ihip ng hangin.

I wanna go home. Please lang, sana may dumaan ng taxi.

Umatras siya ng konti dahil may ilan pa ang mga sumilong kaya nagsiksikan na sila doon. Konti na lang maaari na silang magkapalitan ng mukha sa isat-isa.

A brand new Ferrari passed by where she was waiting for a cab para muli lang ding bumalik sa may tapat nila.

"Hey!"

Rinig niya sa kung saan. Pero sure siyang malapit lang iyon sa kanilang kinatatayuan.

"Sakay na!"

Isa siguro sa mga kasama niyang naghihintay doon ang tinutukoy nito. Kaysa makiusisa kagaya ng iba mas minabuti niyang huwag na lang pansinin.

Nagugutom na rin siya. Nakalimutan niya kasing kumain ng lunch dahil tinamad siyang pumunta sa canteen.

Dahil sa nakayuko siya kaya hindi niya napansin ang isang lalaking nakapayong at nakatayo sa tapat niya.

"Miss Ashley, sumakay na po kayo."

Isang may katandaan ng lalake ang nabungaran niya pag angat niya ng kanyang mukha. Sinabi nitong Ashley, siya ba ang tinutukoy nito?

Pero hindi niya naman ito kilala kaya naisip din niya agad na baka hindi siya at baka kapangalan niya lang.

"Ma'am"

"Ako po ba?"

Hindi na siya nakatiis na hindi magtanong sa dito kasi pa kanya din kasi ito nakatingin.

"Opo."

Confusion was written all over her face. Siya nga ang kinakausap nito at pinapasakay. Paanong kilala siya nito? Gayong sure na man siyang ngayon niya lang ito nakita.

"No, thanks."

Hindi niya ugaling sumakay nalang ng basta gayong hindi niya naman kilala ang taong nag-aalok sa kanya.

Kahit pa ba mukha naman itong mabait. Maraming manloloko sa mundo na hindi kahinahinala ang itsura.

"Hop in! Mahihirapan ka ng makakuha ng masasakyan sa lakas ng ulan. At marami na ding bahang lugar ngayon. Not unless, gusto mong mag palipas ng gabi rito o kaya lusungin ang baha."

Napatingin siya sa nag-salita mula sa nakabukas na bintana ng sasakyan. Natatandaan niya ang mukha nito.

If she wasn't mistaken, kaibigan ito nung lalakeng nanliligaw kay Lorraine. Ito rin iyong kasamang ipinakilala sa kanila noong may practice game ang Basketball team.

"Bakit?"

"Come on. Get in. Look, masyado na tayong nakakaabala sa ibang motorista, kaya sumakay ka na."

Napataas ang kilay niya sa sinabi nito. Inaakala ba nitong magtatatalon siya sa tuwa dahil nag-aalok itong isakay siya nito?

"Sige na Miss, makisakay ka na kay pogi."

Sabi ng ilan sa mga gaya niyang nag-aabang ng sasakyan. Aba, ipagtulakan ba siya ng mga ito. Gusto lang yata ng mga itong mabawasan ang kakompitensya nila sa pag-abang ng masasakyan pauwi.

Gusto niya pa sanang mag protesta pero talagang nilalamig na siya at idagdag pang nagugutom na din siya. Kaya sumakay na din siya.

"Seven na, gusto mo bang kumain muna bago ka namin ihatid sainyo?"

Dean asked her habang tinatahak nila ang kahabaan ng Katipunan. Simula kaninang sumakay siya ngayon pa lang ito nag tangkang basagin ang katahimikan.

Well, that would be fine with her. Hindi niya kailangang mag salita at pakitunguhan ito.

"No, thanks. Don't bother. Sa bahay na lang ako kakain. Manong, pwede po bang pakibilisan?"

"Opo ma'am."

Halos inabot din sila ng more or less thirty minutes bago nakarating sa tapat ng bahay nila. May ilang bahagi kasi ng mga kalsadang baha na.

Hindi pa man tuluyang nakakahinto ang kotse ay binuksan niya na ang pinto sa gawi niya para bumaba.

"Thanks for the lift."

Pagkatapos magpasalamat tumalikod na siya at pumasok sa gate ng bahay nila. Pakiramdam niya pagod na pagod siya.

Taming Miss Ice Princess's Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now