Chapter 8

1.8K 115 11
                                    

Subsob sa kanyang ginagawa si Ashley. Nasa library siya para doon na taposin ang research niya. Malapit na siyang matapos ng maramdaman niyang may umupo sa kaharap niyang upuan.

Hindi niya na lang ito pinansin at itinuloy ang kanyang ginagawa hanggang sa matapos siya. Kaya lang medyo naiilang na din siya sa tinging ibinibigay nito sa kanya.

Hindi niya man ito direktang nakikita, pero ramdam niya naman ang mga tingin nito.

"May problema ba?"

Hindi na siya nakatiis pang sabihin yon. Ayaw niya sa lahat ay iyong tinitingnan siya.

"Hi!"

Napataas ang kilay niya sa sagot nito. Nakangiti pa kasi ito sa kanya.

"Hilig mo na ba talaga ang tumitig ng ibang tao?"

"Not really."

Mahina itong tumawa gayon pa man naiirita siya. Ang kagaya nito ang tipong hindi sanay na hindi makuha ang gusto.

May mga naririnig siyang mahihinang bulungan sa malapit na mesa. Iyong iba kinikilig. Ano bang problema ng mga ito.

Tumayo na lang siya at nagsimulang mag lakad palabas. Malapit na din naman ang time niya kaya tama lang para sa next class niya.

Hindi pa man siya nakakalayo sa library napansin niya ng nakasunod din ito sa kanya. Ano ba ang gusto nitong mangyari?

"Stop following me, will you?!"

"Huh? Who told you, I'm following you? I happen to be going towards the same direction.."

Nakakabwisit ang naka plaster na ngisi sa mukha nito kaya lalong nakakapag init ng bumbunan ni Ashley.

"Yeah right."

Ipinagkibit balikat niya na lang ang sinibi nito sa kanya baka nga nagkataon lang talaga na doon din ang daan nito.

Kailangan niya ng magmadali or else mali-late na siya. At iyon ang pinaka ayaw niya.

Nakahinga siya ng maluwag ng pagdating niya wala pa silang teacher.

Tutok na tutok siya sa pinapaliwag ng teacher nila ng dumating ito at mag simulang mag discuss. Kailangan niyang maging attentive sa klase nito kung ayaw niyang bumagsak.

Hirap pa naman siya sa pag intindi ng mga talasalitaan. Naa-amaze pa rin talaga siya kapag nalalaman niya na may mas malalalim pang salitang ginagamit sa mga salita.

Kahit ang totoo niyan nababagot siya sa Filipino subject. Sumasakit ang ulo niya sa kaiintindi ng mga vocabulary words. Pero no choice siya kundi ang makinig dahil ang grade niya din naman ang magsa-suffer. Isa pa, grade concious siya.

Finally natapos din sila at uwian na. Naglalakad na siya pauwi at nasa tapat na siya ng auditorium ng maalala niya na pinapadaan nga pala siya doon ni Lorraine.

Hindi niya alam kung bakit kailangan pa siyang papuntahin doon. Nang maka-pasok na siya umupo siya sa may sulok, kung saan hindi siya mapapansin ng iba.

Nakakahiya kung madidistract ang mga ito sa pag-iinsayo dahil lang sa pagdating niya. Tumango lang siya bilang pagbati kay Lorraine ng mapatingin ito sa gawi niya.

Hindi niya maitatangging sobrang engrossed siya sa panunuod ng practice ng drama club. Mukhang lahat nalang yatang kasali sa cast magagaling umarte.

Natapos na sila Lorraine, kaya yong mga kasali sa next scene ang sasalang. Kaya lang mukhang may problema kaya hindi pa makapagsimula.

"Bakit, anong problema at hindi pa sila nagsisimula?"

"Iyong dapat na naka-assign sa piano hindi na makakasali dahil nagkaroon ng pilay yong kamay, naaksidente."

"Ah okay."

Naiinip na din siya doon. Hanggang kailan ba ng mga ito balak tumunganga na lang doon? Umiinit na din ang pwet niya kauupo kaya tumayo na din siya.

"Okay. Dahil wala ang aming pianist, sino ang marunong sa inyong mag-piano? Sige na please kailangan lang talaga namin."

Lahat sila napatingin sa nagsalita. Ito daw yong tumatayong director ng play ayon kay Lorraine.

Sa tingin niya ganoon na ito ka-desperadang makakuha ng kapalit sa tutugtog ng piano dahil pati silang mga nanunuod lang tinatanong na nito.

Kaya lang mukhang malas talaga dahil ni wala man lang sumagot sa tanong ng matanda. Walang marunong.

Muli siyang napatingin sa matandang mukhang hapong-hapo na. Kung titingnan para na nitong pasan ang mundo. Laglag ang mga balikat nito.

"Ahm, excuse me po. Ako po, marunong."

Lahat yata ng nasa loob sa kaniya napatutok ang tingin ng mga ito. Naawa lang siya sa matanda mukha kasing haggard na ito. Maliban sa walang marunong kaya siya na lang.

"Talaga hija? Naku, salamat naman kung ganoon."

Matapos nitong ipaliwanag ang kanyang gagawin at ibigay ang mga piraso ng papel na tutugtogin pumuwesto na silang lahat para makapag simula na.

Deja vu!

Unang pagtipa niya palang ng nota ramdam niya ng nawala na siya kasalukuyan. Pakiramdam niya, siya ba lang mag-isa ang nasa loob ng auditorium. Nagkaroon na siya ng sariling mundo.

Ang lungkot ng piyesang tinutugyog niya. Nakakadala ang damdaming bumabalot doon. Damang dama niya ang bawat notang tinutugtog niya.

Bigla siyang napakurap ng makarinig siya ng palakpakan. Natapos na pala sila,ni hindi niya man lang namalayan. Masiyado siyang nadala sa emosyon ng kanta.

Hanggang sa natapos ang practice. Kinungratulate sila ng director sa mahusay nilang ginawa. Palabas na sila ni Lorraine ng tawagin sila ng matandang director.

"Bago ang lahat gusto kitang pasalamatan. Kung hindi sayo hija baka hindi na kami nakausad sa practice. Thank you so much."

"Your welcome ma'am."

"You know what, hija? I'm very impressed. Napakahusay mong tumugtog ng piano. Kung hindi ko lang alam na practice iyong kanina, iisipin kong nasa isa akong piano concert."

"Thanks ma'am."

Bakit ba may pakiramdam siyang magtatagal pa ang usaping ito. Mabuti na lang may natanggap itong tawag kaya nagmamadali rin sila nitong iniwan ni Lorraine.

Nakahinga siya ng maluwag dahil doon. Ayaw niyang mag paliwanag, nakaka-pagod. Hindi siya ang tipo ng tao na pala-salita.

Taming Miss Ice Princess's Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now