Chapter 18

1.4K 82 1
                                    

Tonight is the night. The most awaited moment have finally come. Ashley was standing at the corner alone. Yes, she was alone. She don't have a date. Wala sana siyang planong umattend but her friends called and told her to come.

Nagsisimula na ang ball at nagsasaya na ang lahat. Pero heto siya ngayon, napakahungkag ng pakiramdam niya. Isang linggo na ang nakakaraan nung huling makita niya si Dean at hanggang ngayon hindi niya alam kung bakit tila yata nagbago ito ng pakikitungo sa kanya.

Kahapon nakita niya itong napatingin pa gawi niya pero hindi kagaya ng nakagawian na nitong ginagawa na lumalapit agad kapag nakikita siya. Ni isang matipid na ngiti hindi nito ginawa. She was wondering if hadn't noticed her or he ignored her.

Napabungtong-hininga siya. Nasanay na din siyang lagi itong nasa paligid niya at walang ginawa kundi ang dumiga na hindi niya lang sineseryoso. Pero ngayon, hinahanap-hanap niya ang presensya nito.

Napatingin siya sa paligid ng magkaingay ang mga tao. Mukhang siya lang ang hindi nag-i-enjoy sa kasiyahan. Mukhang mahaba-habang gabi ang titiisin niya nito. Tatayo na sana siya para pumunta sa malapit na comfort room ng pigilin siya ng boses ni Alyssa.

"Whaat the hell are you doing here? Alam mo bang kanina ka pa namin hinihintay? Sumakit na ang mga leeg namin katitingin kung dumating ka na ba, iyon pala nandito ka lang. And seriously Ash? Nandito ka pa talaga sa sulok?"

Wala na siyang nagawa ng hilahin na siya nito papunta sa pwesto ng iba pa nilang kaibigan. Hindi niya man lang nagawang magprotesta dito.

Grabe talaga ang bibig ng babaeng ito. Dinaig pa si Karen. Mas tama yatang ito na lang ang sumali sa school paper club ng school.

Nagkakatuwaan sila ng lumapit sa kanila sila Miguel at Lorraine. Nang pumailanlang ang malamyos na tugtog sa grand hall nagkanya-kanyang punta sa gitna ang magkakapares at nagsayaw.

Dahil sa siya lang ang walang date, malamang siya lang din ang naiwan sa table nila. Marami namang nagkalakas ng loob para isayaw siya subalit tinanggihan niya lang ang mga imbitasyon ng mga ito. Wala siya sa mood para makipag-sayaw sa kung sino-sinong lalake.

Kaysa sa mag mukhang tanga siya dun sa kauupo at hintaying makabalik ang mga kaibigan niya ipinasya niya na lang na tumayo at maglakad-lakad hanggang sa humantong siya sa bandang madilim kung saan may kalayuan sa mga tao.

Hayst.. Dapat talaga hindi na lang ako pumunta dito eh. I feel so alone.

Nakatingala siya sa kalangitan at pinagmamasdan ang kagandahan ng gabi. Napakaganda ng mga bituin sa langit. Bata pa lang siya gustong gusto niya ng pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan. Mayroon itong something na kahit ang lungkot niya, mapagmasdan niya lang ang mga ito, gumagaan na ang pakiramdam niya.

Nakakapagtakang hindi na ganon ang epekto nito sa kanya. Nagagandahan pa naman siya sa mga bituin, iyon nga lang parang may kulang. Hindi niya lang matukoy kung ano iyon.

Napalingon siya sa kabilang bahagi ng kanyang kinauupuan ng makarinig siya ng mahihinang pag-uusap. May kadiliman man hindi siya maaaring magkamali. Sigurdo siyang si Dean ang lalakeng iyon, at kasama nito si Trixie.

Anong ginagawa nila dito? Di ba dapat nasa loob sila at nagsasayaw?

Biglang may gumihit na kirot sa kanyang dibdib ng mapagtanto ang posibleng dahilan. Gustong mapagsolo ng dalawa. Oo nga pala, si Trixie ang madalas niyang nakikitang kasama ni Dean sa nakalipas na buong linggo.

Daig pa ang tinarakan ng punyal ang dibdib niya ng makita ang mga itong naghahalikan. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Hindi niya na nakayanan ang nakikita kaya umalis siya.

Taming Miss Ice Princess's Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon