Chapter 11

1.7K 116 1
                                    

Alas nueve na ng gabi ng makauwi si Ashley sa kanilang bahay. Ilang beses siyang tinawagan ng kaniyang ama subalit hindi niya ito sinagot. She turned her phone off.

"Where the hell have you been?!"

Dumagundong sa kabahayan ang galit na boses ng kaniyang ama. Kagaya ng inaasahan niya galit ito dahil hindi niya ito sinunod na umuwi ng maaga kagaya ng bilin nito kanina.

Binigyan niya lang ito ng blangkong tingin saka nagkibit balikat lang. Lalagpasan niya na sana ito para umakyat sa kaniyang silid ng magsalita itong muli.

"Didn't I told you to come home early awhile ago, Ashley?"

Isang pagak na tawa ang kaniyang pinakawalan. Kaya mas lalo pa yatang nayamot ang kaniyang ama.

"Didn't I told you too, my presence won't affect your visitor wether I'm here or not?"

Ginaya niya ang tono ng pananalita ng kaniyang ama. Kaya naman may pakiramdam siyang mas lalo pang nadagdagan ang galit nito sa kaniya. At alam niya kung gaano itong nagtitimping hindi siya masaktan nito ng oras na iyon.

"Nakakahiya kanina. Dahil sa ginawa mo nag hintay sa wala ang bisita natin."

"I don't care less about your visitor. I don't even know him after all. Or should I say her and not him."

"Ashley!"

"I'm tired. So, if you'll excuse me, I'll go ahead."

Walang lingon likod niya itong tinalikuran at agarang dumeretcho sa kaniyang silid. 

Pabagsak siyang naupo sa gilid ng kama. Parang biglang sumakit ang ulo niya sa munting kumprontasiyon nilang mag-ama. Simula ng mamatay ang mama niya, hindi niya na ito muli pang natawag na papa. Dahil para sa kaniya matagal ng patay ang kaniyang ama. 

Wala akong pakialam sa kung sino man ang naging bisita niya. Kung nandito man ako ngayon, hindi dahil gusto kong makasama siya kundi dahil iyon ang kagustuhan ng mama. 

Hinilot-hilot niya ang kaniyang sintido habang sinasabi niya iyon sa kaniyang sarili.

Kinabukasan maaga siyang-nag ayos para pumasok. Isa pa ayaw niyang makita ang kaniyang ama baka magkaroon pa ng part two ang nangyari kagabi sa pagitan nilang dalawa.

Ilang hakbang na lang siya sa may pinto ng tawagin siya ng katulong nila. Napilitan tuloy siyang tumigil para lingunin ito.

"Señorita Ashley, pinapasabi po ni Sir na sabay daw po kayong mag-aalmusal. Pakihintay na lang daw po siya at bababa na rin po siya."

Iyon na nga ba ang sinasabi niya eh. Talagang inihabilin pa sa katulong kaya lang hindi niya rin ito susundin kayaga kahapon.

"I'm in a hurry. Sa school na lang ako kakain ng breakfast. Kailangan kong pumasok ng maaga ngayon. Sige."

Nagmamadaling umalis ng bahay si Ashley baka kasi maabutan pa siya ng kaniyang ama at kung saan na naman mapunta ang usapan nila.

Ang totoo niyan wala naman talagang importante sa araw na ito. Gusto niya lang talagang takasan ang muling paghaharap nila ng kaniyang papa. Napapitlag si Ashley ng may bumusinang sasakyan sa tabi niya.

Sira ulo ito ah.. Ang lawak-lawak ng daan talagang dito pa sa tabi ko. At kung makabusina akala mo naman ito ang may ari ng kalsada.

Hindi niya na lang ito pinansin at tuloyan na siyang pumasok sa main gate ng school nila.

Naglibot-libot lang siya sa buong campus. Dahil wala namang klase kaysa naman maburo siya sa pagkabagot sa loob ng classroom nila. Hanggang sa may makatawag sa pansin niya.

Taming Miss Ice Princess's Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now