Chapter 2 - A day to waste

11 0 0
                                    

Tanghali na pero wala pa rin akong makitang Youtan.  Huhuh! Rare nga siya! Ang hirap naman nito!  At dahil napagod ako sa kakalakad, naisip kong magpahinga muna at kumain ng tanghalian.

[Couzy!] nagtxt ang lukaret kong pinsan.

[Zup. Slr. Ngayon lang ako nakapagpahinga at kumakain ako ng tanghalian ngayon. Storbo ka.  Alam mo ba yun?] reply ko.

[Wow.  Seryoso ang bata.  Sure ko nasa bundok ka na ngayon.  Balita ko may mangkukulam sa lugar na yan.  Ingat beshy!]

Bastos!!!!!

[Bwesit ka tal---------]

"What the heck?!" 

KYAAAAAAAAAAAAAAHHHH!

Hindi na ako nakapagreply kay Kithana kasi I JUST SAW THE FLOWER! It's just right in front of me. ANG GALING KO!!!!!!!!!!!!

First day palang ay tapos na agad ako?? ANG SAYA NAMAN!  Ibig sabihin may oras na ako para makapaglibot sa island!. AYh teka! Output muna bago maglibot. Kyaaahh!

Calm down Kerztein.  Yung objectives sagutin mo na!

------------------------------///---------------------------------

I am now heading to Salagdoong Resort.  Yung mga participants na may planong mag overnight kung nasan man sila ngayon ay sa tent sila matutulog.  Kaso maaga natapos yung sa akin kaya dito ako sa resort matutulog. OLRYT!

Matapos kong magrelax ng konti sa kwarto ko ay naisipan kong magswimming.

Brrrrrrrrrrrrrr! ANG LAMIG NG TUBIG! Kaso hindi ko pa masisilayan ang ganda ng tubig kasi gabi na.  Wala masyadong tao kasi pina-exclusive ng DENR ang resort.  ANG BONGGA.

Kasalukuyang mag-isa ako sa  cottage habang gumagawa ng initial output ko matapos kong magsawsaw sa tubig.  Katapat ng cottage ay ang dagat.

*Calling Kithana....

"Insan! Feel na feel ko na talaga ang Environment Center!  Feel ko next week ay di na ako makakasama sa palawan." kwento ko kay Kithana sa phone.

"Feelingera.  At bakit? Buntis ka na?"

"Gaga! Hindi! Kasi magsisimula na akong magtarbaho dun.  Bihira lang ang makapasok sa Center, Kit!  Ang Environment Center------"

"-----Is the best Center in the whole world! Universe! Galaxy!  Ano pa?" inunahan ako ni Kit.

"Hindi lang best. Best na Best Center in the entire world!" sabi ko with actions pa.  

"Pffft." 

Syet.  May tumawa sa likod ko.

Paglingon ko ay may lalaking nahuli ko pang nagsmirk. SYET. ANG GWAPO!. ABS NA ABS BESH! Nakaupo siya habang nagbabasa ng libro. Kyaaaaaaaaaaahhh! I might loose my virginity tonight. CHEKA LANG!

"Kit, may shufo. Sandali." bulong ko sa phone.

(Shufo- gwapo in gay language)

"Go! Sunggaban mo na!" sabi niya.

Hinarap ko yung lalaking tumawa sa'kin kanina na nakaupo malapit sa cottage na inuupan ko.

"May issue ka ba sa'kin?" pagtataray ko.

"Me? Nah.." pagdeny niya.

"Fine." tapos tinalikuran ko na siya.

My MentorWhere stories live. Discover now