Chapter 23 - Aftermath

4 0 0
                                    


Kinabukasan, sa opisina ay nakalat ang balita tungkol sa kadate ni Aaron na tinatagong si Kerztein sa tunay na pagkatao. Kaya mas lalong kinabahan si Tein.  Tinago nga pala ng EC  ang tungkol sa dukutan kagabi dahil baka makasira sa image ng kumpanya para sa posibleng investors.  At dahil hindi tinanggal ni Kerztein ang mask niya kagabi kaya wala pa rin'g nakakaalam tungkol sa pagkatao niya maliban kina Aaron at Glaze.


"Tein! May chika ako!" ito agad ang bungad ni Nadhia kay Tein pagpasok niya sa station.


"Ano naman ba yan?" tanong ni Tein habang abala sa pagtimpla ng kape.


"Narinig ko sha driver ng cart na ang ganda daw nung partner ni Shir Aaron kagabi! Kyaaaahhh! At tsaka yung gown niya, ang ganda rin gawa ni Michael Cinco! Kalat na kalat sa buong social media yung itshura nung girl!" kwento ni Nadhia.


"S-social m-media ba ka'mo????" kabadong tanong ni Tein.


"Yesh. It'sh all over peshbuk at twitcher."


"ALL OVER FACEBOOK AT TWITTER?!!!!!!!!" dahil sa balitang narinig ni Tein ay aksidenteng nahulog niya ang paper cup na siyang dahilan para masayang ang laman nitong kape.


"Oy, Tein?! Okay ka lang?!" tanong ni Nadhia sa kaibigan.


"Sometimes?" bobang sagot ni Tein.


"Anong shometimesh?! Ang kasho, puro naka-mashk yung girl. Kaya di mahulaan kung shino."


Nung malaman ni Kerztein na hindi kasali yung mukha niya ay saka pa siya nakahinga ng maayos.


"M-maganda ba talaga?" nahihiyang tanong ni Tein.


"Oo. Let'sh search her." agad nilabas ni Nadhia ang Huawei Nova 3i niyang phone.


Agad-agad nagtwitter si Nadhia at tiningnan ang photos ni Aaron kasama yung kadate niya.


"Woaaaaaaaaaahhh. She really looksh good and her gown is sho beautiful. Shayang di ko makita ang mukha niya." disamayadong sabi ni Nadhia.


"Nako. Pag nakita mo yung mukha niya baka ikabigla mo pa." bara ni Tein habang nililinis ang natapon na kape.


"Hah? Di naman shiguro. Hindi kaya pumipili ng panget na kadate shi Shir." Sabi ni Nadhia.


"Telege?" pagpapacute ni Tein.


"Ayh. May nabalitaan din pala ako na may shugat siya sa may pulsho niya kasi tinulungan niya yung waiter sha mga nabashag na wine glassh." kwento pa nito kay Tein.


"Shit." Sambit ni Tein.


"Ang bait niya noh?" komento pa ni Nadhia.


"Tsss." Inirapan lang siya ni Kerztein dahil naalala niya kasi ang totoong dahilan kung bakit nabasag yung mga glasses.

My MentorWhere stories live. Discover now