Chapter 20 - Dancing Queen

3 0 0
                                    


Pinag-uusapan ngayon sa buong opisina ang tungkol sa nalalapit na Masquerade Ball. Ang okasyon na ito ay para lamang sa mga investors, matataas na posisyon na empleyado ng company, at para sa mga posibleng investors. Ito ay nagaganap isang beses sa isang taon. Ang pinakaaabangan ng lahat ay kung sino yung mga bagong investors ng kompanya at kung sino ang mapalad na mapiling best in gown and suit of the night.  Kaya naman silang lahat ay hindi magpapahuli sa kani-kanilang mga suot.  At pagkatapos ng ball ay may Sports Festival na magaganap.


"Excited na ako sa ishushuot ni Mam Nametha!" patiling sigaw ni Nadhia.


"Ako, excited ako sa magiging partner ni Sir Aaron sa ball. Sino na naman kayang artista'ng chix ang dadalhin niya?" kwento din ni Jimbo.


"Ayh oo! Lasht year dinala niya yung Missh Universh." dagdag pa ni Nadhia.


WOOOOOOOOWWW


HANEP DIN PALA ITONG MGA CHICKS NI AARON?!


AYH! Wala na naman akong pag-asa nito!


"Kinakabahan ako sa taong mananalo para utusan tayong lahat dito." Kwento ni Mam Fiona.


"May ganun?!" singit ko.


"Meron." Sabi ni Sir Kevin.


"Ayh Oo!. Last year ang nanalo ay yung pinsan ni Sir Aaron na si sir Philip. Ang saya nun! May Sports Fest tapos binaliktad niya lahat. Kunyare, kung sino yung may mga matataas na posisyon ay sila ang magbibigay ng mga kape at pagkain every 30 minutes sa mga empleyado nila.  At every 30 minutes ay dapat may group hug nung katulad sa movie na trolls." Kwento ni Jimbo.


"As in?! Walang exempted jan?" tanong ko.


"Wala" sagot ni Sir Kevin.


"Kahit si Sir Zeke! Pikon na Pikon nga siya sa kaibigan niya. Kasi mabubwesit siya sa alarm every 30 minutes." Sabi ni Jimbo.


"At nakakatawa pa yung alarm! Kasi boshesh ni shir Philip ang ginawang alarm na may shabing, KAINAN NA o di kaya GROUP HUG MGA BESHIES!" dagdag ni Nadhia.


"HAHAHAH! As in?!! Nako! Exciting yan!" sabi ko.


Sana si Philip ang manalo uli para naman mayakap ko every 30 minutes si ZEKE o di kaya si Aaron!!


*Door opened*


"Okay bye." Sabi agad ni Jimbo.


At nagsibalikan agad silang lahat sa trabaho dahil pumasok si Zeke sa station.


I wonder kung sino ang magiging partner niya?


Pero I'm sure na si Nametha.

My Mentorحيث تعيش القصص. اكتشف الآن