Chapter 22 - Dukot Gang

6 0 0
                                    

Kerztein's POV

Nasan ako?

Bakit ang dilim?

Bakit parang tumatakbo?

Ayh Syet! Dinukot nga pala ako!

Agad-agad kong dinilat ang aking mga mata nung natandaan kong may kumuha sa akin.

"Gago! Ang sabi ko, naiiba yung damit niya sa lahat ng nasa loob! Hindi ko sinabi na kasali siya, GAGO!" sigaw nung isang mama' sa isang mama'.

Kaya ipinikit ko ng konti ang aking mga mata para di nila mahalata na gising na ako.

"Nagtanong ako uli sa'yo kung kulay pula. Ang sabi mo Oo!" sagot naman nung isang lalaki.

"Ang tanong mo, ay kung yung damit ba niya ay kulay pula dun sa sinabi kong naiibang damit sa lahat.  Syempre kulay pula nga yung damit niya kaya sabi ko OO! TANGA!!!" sabi uli nung isang lalaki sabay batok.

IBIG SABIHIN HINDI SANA AKO KASALI NA DUKOT-DUKOT NA ITO?!

ANG SAKLAP!!

Bakit ba kasi kulay pula at naiiba itong damit ko sa lahat! Aisshh! Lintek na Aaron!

"Pssst Hoy! Magsitigil nga kayo! Kayo ang unang ihuhulog ko sa gitna ng dagat, ANO?!" sigaw naman nung driver.

Sa dagat?! Ihuhulog ako?! LUUUUUUUUUHHHH BAKIT?!!



---------------------------------------------------

Third Person's POV

"Damn it. I can't find her." sabi ni Aaron at sinubukan niyang tawagan si Kerztein pero unattended ang phone nito dahil sa sinakyan nitong van na napaka-close na kahit signal ng cellphone ay hindi makapasok.

"Have you reached her?" tanong ni Zeke.

"Kung nakontak ko na edi sana hindi na ako tumatawag ngayon." pagpepelosopo ni Aaron.

"Just tell me her name and I'll contact my people to find her." suggestion ni Zeke kay Aaron.

"I think she's fine." sagot naman nito.

"Hey! Have you seen the CCTV?! Glaze Connan anak ng top Investor natin na si Michard Connan ay nakidnap kasama ng kadate mo Aaron!." kwento ni Philip sa dalawa.

"What?!" sabay tanong ng dalawa at agad tumakbo papunta sa security department.

---------------------------------------------------

Kerztein's POV

Ramdam kong huminto na ang sasakyan at rinig ko ang mga daloy ng tubig sa dagat.

BAKA NASA PACIFIC OCEAN NA KAMI!

O baka ipakain ako sa isang dragon sa ilalim ng dagat! Nung katulad ng nasa PERCY JACKSON!

Nooooooooooo!!!!

I KENNOT!!

I still have to fulfill my mission as a human before I die!

GO TO THE WORLD AND MULTIPLY!

Nung marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng van kasabay ng pagbaba ng mga lalaki ay idinilat ko ang aking mata.

At doon ko lang nalaman na dalawa pala kami sa loob at nakatali din siya tulad ko.

"Pssstttt." tawag ko dun sa babae na umiiyak lang habang nakayuko.

My MentorWhere stories live. Discover now