Chapter 21 - Masquerade Ball (Part 2)

5 0 0
                                    


Kerztein's POV



"Boba! Gaga! Tanga!! Sa lahat ba naman na okasyon bakit ngayon pa ako nagpakatanga?!"


Kasalukuyang palakad-lakad ako sa labas ng function hall ng El Palacio. Medyo malayo na ako sa hall at dinala ako ng aking mga binti dito sa pool side.


Napagod ako sa kakatakbo at idagdag pa natin yung bigat ng gown ko at ang taas ng mga heels ko. LECHE.


Naisipan kong umupo muna sa pool chaise lounge para magpahinga. Hinubad ko ang dalawang heels ko habang isa-isang pinaikot ang mga ankles ko.


"Aisshh!" sambit ko. Tinanggal ko rin ang maskara ko dahil nararamdaman ko ang pawis sa mukha ko..


"Huhuh. Alam na ba kaya ni Zeke? Huuuuuuu..!"


Para na akong baliw na kinakausap anag sarili ko.


"Are you okay, Miss?"


Napalingon agad ako sa taong nagtanong.


"Ahh. Yes, S-sir" nauutal kong sabi.


Oh. He's a man wearing a black suit habang may bitbit na wine glass sa kaliwang kamay niya.


"Ahh! You're the girl on red, who's everybody's talking about" sabi niya.


"Yeah, I guess s----- Shit!" agad kong tinakpan ang bibig ko.


"Excuse me?"napatanong siya sa sinabi ko.


Hindi ko suot yung maskara!! ANG TANGA TALAGA!!


Too late for me to realize that I am not wearing my mask.


Kaya kung may ilalaki pa itong mga mata ko ay kanina ko pa sana ginawa.


"Not you. I'm sorry! Aish! My mask!" dali-dali kong hinanap ang maskara kahit alam kong useless na!


"You don't have to wear that." sabi niya.


"Yeah but I'm not supposed to be here, that's why I'm wearing this." paliwanag ko habang abala sa paglagay ng maskara sa mukha ko at itinali sa likuran gamit ang ribbon na nakakonekta sa mask.


"Why? With that pretty face of yours, I don't see any reasons why you shouldn't be here." compliment niya.


Awwee. Ang sarap pakinggan.  Wala na akong ibang narinig sa araw na ito kung di puro kagandahan tungkol sa akin.


"Salamat.  Pero empleyado lang ako sa EC at pinakiusapan ko lang si Sir Aaron na dalhin ako dito to meet celebrities and I did not expect that he will make me his date tonight.  And my direct boss doesn't know that I'm here." paliwanag ko.  Since nakita na niya ang mukha ko at siguro naman ay isa siya sa mga investors na hindi magpapakita sa EC kaya okay lang siguro.

My MentorWhere stories live. Discover now