Chapter 17 - The Greenhouse

2 0 0
                                    

Tatlong linggo na ang nakalipas simula nung umalis si Zeke sa Russia at nung kinulit ako ng jowa niyang hilaw.  Ang gaan-gaan ng loob ko pagpasok sa station, knowing that Zeke isn't around, pero pagdating ko sa station ay ang tahimik-tahimik uli nila. Alam ko na kung bakit. Malamang nakabalik na ang gago.


"Where the hell were you?" ito agad ang bungad niya sa akin.


"Sa bahay?." Sagot ko.


"You should be here before eight in the morning!" sabi niya.


At pagtingin ko sa wall clock ay 7:30 palang ng umaga.


"Ang advance naman ata ng relo niyo, Sir." pagpepelosopa ko.


"Advance" sabi ni Sir Kevin.


"Pfffffffffftt" habang yung iba naman ay pinipigilan ang kanilang pagtawa habang umiinom ng kape sa kanilang mga mesa.


"Ehem." he clear his throat.  "I've heard you've talked to Nametha?" tanong niya.


"Ayh Oo.  Hindi niya binanggit sa'yo ang sinabi niya sa akin?" hamon ko.


"No." sagot niya habang seryosong nakatitig sa akin.


"Layuan daw kita. Mga five meters away at dun na daw ako iassign sa Arachnid Station." Sagot ko na may halong kasinungalingan.


"What?! She's not your boss. I am your boss! You will leave this station if I say so.!" galit na naman siya. HAHAH!


"Mam Fionaaa!!" sigaw ni Jimbo pagpasok niya sa station at agad naman tinakpan ang bibig niya nung nakita niyang nasa loob pala si Zeke.


"What's the problem?" seryosong tanong ni Zeke.


Hala ka Jimbo! Bad mood pa naman si Zeke ngayon dahil sa akin!  Baka jumbagin ka nito!


"S-sir... The...." nauutal si Jimbo at hindi niya alam kung saan siya magsimula.


"The what?" Zeke.


"Ang halaman sa Greenhouse na nasa aquaponics ay unti-unting namamatay." pagtatapos ni Jimbo.


"WHAT?!" ito agad ang naging reaksyon ni Zeke at dali-daling lumabas papuntang Greenhouse habang nakasunod din kaming lahat.


Kung kahapon  ay dalawa lang ang namatay pero ngayon ay kalahati na ang nasa aquaponics ang namatay.


"Did you check the water?!" tanong ni Zeke habang nakatayo sa harap ng namatayan na mga halaman.


"Yes, sir. Ang sabi pa po ng tubero ay pwede daw mainom ng tao ang tubig kaya imposibleng ang tubig ang sanhi nito." sagot naman ni Jimbo.

My MentorWhere stories live. Discover now