Chapter 1: Change

18.1K 322 31
                                    

Chapter 1 

**Change**

When you change yourself, there are only TWO reasons. Whether you are INLOVE, or you are in PAIN.

"What happened?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni mommy.

With her help, here I am now at my bed.

"Mommy, break na po kami." Lalo akong naiyak.

Niyakap naman nya ako at hinaplos-haplos yung buhok ko. Wala syang kahit na anong sinabi. Patuloy lang sya sa pagyakap at paghaplos sa buhok ko na parang hinahayaan na iiyak ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Sana nga ganun na lang.

Nung wala na kong luhang mailabas at puro hikbi nalang ang nagagawa ko, inihiga ako ni mommy sa kama. "Take a rest now, baby." Tears escaped from her eyes na mukhang kanina nya pa pinipigilang tumulo.

"Kasama sa buhay pag-ibig ang masaktan." Inayos nya yung kumot ko atsaka hinalikan ako sa noo. "Goodnight, anak."

Tumango lang ako kay tumayo na sya at pinatay yung ilaw saka lumabas ng kwarto ko.

Zoid.

Nasaan na yung sinasabi mong papakasalan mo pa ko?

Sa dami ng nangyari, dito na ba nagtatapos?

Eto na ba ang ending ng love story natin?

Hindi mo ba talagang makontento sa'kin?

***

Kahit sobrang maga ng mata ko, pumasok pa rin ako. Si Aldrich ang kasabay kong pumasok. Ang dami nyang kini-kwento tungkol sa kung anu-ano para mawala yung lungkot ko. But he didn't succeed. Sorry for that.

Nung vacant ko, naisipan kong magpahangin sa field.

Ang hirap tanggapin na wala na kami. Nung mga nakaraang araw lang, ang saya-saya namin. He even proposed to me. But now look,... haaay

Ayan na naman...

Naiiyak na naman ako.

Mabilis ko yun pinunasan bago pa tuluyang tumulo.

Nabuhayan ako ng loob nang makita ko syang dumaan. Sinundan ko sya ng tingin. Mag-isa lang sya ngayon.

How To Attract A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon