Chapter 8: Phone battery

11.8K 236 16
                                    

Chapter 8 

**Phone battery**

"Gusto kong maligo ngayong gabi." Sabi ni Aldrich kaya naman napatingin sakanya ang lahat.

Nasa isang first class restaurant kami ngayon dito sa L resort nagdi-dinner. Marami kami kaya sa may pinakamalaking table kami nakapwesto.

Kasama namin ang VPR, Clyde and his friends na blockmate pala ni Zoid and even him with Chelsea. Meron pang tatlong lalaki at apat na babae na hindi ko naman kilala. Si Aldrich ata kilala yung apat na babae kasi kinakausap sya kanina or shall I say, NILALANDI sya kanina.

Hindi ko nalang pinansin si Aldrich at nagfocus nalang sa pagkain ko. Kanina pa ko tahimik dahil kanina pa ko nagseselos sa sweetness nung lovers na kaharap ko. Tch.

Uminom ako ng juice.

"Zailie, sabay tayo."

O_____O

Muntikan ko ng mabuga yung iniinom kong juice.

"What?!" Tanong ni Clyde.

Bakit feeling ko parang may kakaiba sa tono ng boses nya?

Tumingin ako saglit kay Zoid at nakitang ang sama na naman ng tingin nya sa'kin. Bigla tuloy akong umiwas ng tingin.

Yan tayo eh! Bigla nalang nya ko sinasamaan ng tingin nang walang dahilan. Nanahimik ako dito sa isang tabi tapos... tapos... *pout*

"Bakit? Wala namang masama, ah? Ilang beses na nga namin nagawa yun nung mga bata pa kami eh." Tumingin sa'kin si Aldrich at inakbayan ako.

Ayan na naman ang akbay nya =____= "diba, Zai?" He continued, smiling wickedly.

Naramdaman kong may bumubunggo sa paa ko mula sa ilalim ng table. Inantay ko muna na makipag-usap na ulit si Aldrich kay Clyde bago ako yumuko at sinilip kung sino yung gumagawa nun.

Paa ni...

Dahan-dahan kong iniangat yung tingin ko at nalamang pag-aari ni Zoid ang paang yun.

Pinandidilatan nya ko ng mata na parang sinasabing, ipaliwanag mo sa'kin ang lahat or di sya nagsasabi ng totoo, diba? Err. Hindi ko alam.

I shot him a curious look because I really don't get what's behind that looks.

"Tara na, Zai." Tumayo si Aldrich at hinila ako.

"Hoy saan kayo pupunta?!" Tanong ni Zoid na parang naiilang pa sa tanong nya.

How To Attract A PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon