Chapter 22: Ants

9.1K 203 13
                                    

Chapter 22 

**Ants**

Sophi's POV

Pareho kaming nakatayo sa gilid ng hallway at pareho din kaming tahimik kaya naman nagsalita na ako.

"Sorry." Halos sabay na sabi namin.

Nagkatinginan kaming dalawa tapos sabay na tumawa.

"Sorry, baby, kasi hindi kita pinapansin. Alam ko namang wala kang kasalanan eh." Nakayuko kong sabi habang pinaglalaruan yung mga daliri ko.

"Naiintindihan ko naman kung bakit mo yun nagawa. Naiintindihan ko yung nararamdaman mo. Sorry din atsaka sa susunod mag-iingat na talaga ako."

Pag-angat ko ng ulo ko para tignan sya, nalaman ko na sobrang lapit na pala nya sa'kin. Nakayuko sya sa'kin habang nakatingala naman ako sakanya.

"Bati na tayo, baby ko?" Malambing na tanong nya.

Naman eh~ ang cute cute talaga ng boyfriend ko. Hihi!

Tumango ako na nagdahilan ng malapad nyang ngiti tapos niyakap ako.

Yat's POV

"Labs," pangungulit sa'kin nung lalaking epal na kanina pa bunto't ng buntot sa'kin.

Kalabit pa ng kalabit -..-

"Wag mo nga akong nila-labs labs dyan!" Sabi ko sakanya habang patuloy sa paglalakad hanggang sa makapasok na ko sa room namin.

"Labs, naman eh! Paano natin 'to maayos kung hindi mo ko bibigyan ng chance na makapagpaliwanag?"

Hindi ko sya pinansin hanggang sa makapunta na ko sa upuan ko atsaka umupo.

"Oo nga, Yat. Paano nyo maayos yang LQ mo kung ayaw mong pakinggan si VJ." At talagang nakisali pa yung isa sa mga lalaki kong blockmate, ha?

Kinakampihan nya si Epal kasi palibhasa close sila. Bakit may alam ba sya? Wala naman, diba?

Pumahalumbaba ako sa desk ko at maya-maya lang ay tumabi na sa'kin yung epal na parang kulugo.

"Labs,"

"........"

Hindi ko pa rin sya pinapansin as if wala akong naririnig. Nakatingin lang ako sa white board na nasa harapan.

How To Attract A PlayboyWhere stories live. Discover now