Chapter 12: Jealous? Respect?

10.9K 227 11
                                    

Chapter 12

**Jealous? Respect?**

A feeling of jealous and a respect... shows no other but LOVE.

 

"Fighting, bakla! Go with the flow lang." Pag-e-encourage sa'kin ni Red bago nila ko iniwan.

Dinala nila ako sa isang restaurant na hindi ko alam ang pangalan. Di ko na nagawang tignan kanina sa labas dahil hinihila nila ako papasok. Pero ganun pa man, alam kong mamahalin ang restaurant na ito dahil bawat table ay pang-VIP na kung iko-compare sa ibang restaurant na napuntahan ko na. Pink round shaped tables with U-shaped sky blue couches.

Yung uniform ng mga waitress ay parang nagko-cosplay.

Anong ginagawa ko dito? Blame VPR -.-

According to them, pupunta din daw si Clyde dito and come what may kung ano ang mangyari.

"Hi!"

Andito na pala si Clyde.

Naka-uniform pa rin sya gaya ko.

"Kanina ka pa ba? Sorry, ah? You should have ask me too early para hindi na ko pumasok sa last subject ko. But it's okay anyway. Atleast kasabay kitang kumain ngayon." Nakangiti nyang sabi at umupo sa tabi ko instead na sa tapat ko.

Wait a minute, ano daw? I should have ask him too early para hindi na nya pinasukan yung last subject nya?

Err. Kaya pala hiniram ni Pink yung phone ko kanina. Tinext siguro nila si Clyde >o<

"Di, okay lang besides kadarating ko lang din." I said, smiling back at him though I was cursing VPR deep inside me.

"Ah," sagot nya habang nakangiti at pinagmamasdan ang mukha ko.

Nakakailang >___<

"Uhm. . . ano. . . uh. . . order na tayo?" Bigla kong sabi at mabilis na hinablot mula sa table yung menu card, iniangat hanggang sa matakpan nito yung mukha ko.

"Surething," he stretched out to reach the other menu card.

Hmmm... no wonder japanese restaurant ito dahil mga japanese food ang nasa menu. Bigla ko tuloy naalala yung hapon kong bestfriend. Haha! Madala nga sya dito minsan (\*__*)

How To Attract A PlayboyWhere stories live. Discover now