Chapter 3: Beware of what?

14.5K 272 19
                                    

Chapter 3 

**Beware of what?***

Ha ha! Ano daw yung Plan B. Mwehehe~ ako lang ang nakakaalam at yung VPR (Vi, Pink and Red) Malalaman nyo din yun.... soon. Basta isa syang...

MALUFET xD

===============================================

Sophi's POV

Malapit ng magstart yung klase namin kaya naman naglalakad na kami papunta sa department namin. Tahimik lang kami habang naglalakad, mga namomroblema.

Si Yat, naningkit na yung mata dahil sa kakaiyak

Maski ako umiyak dahil nagalit sa'min si Zailie T^T

Yung boys, tahimik din at palaging ang lalalim ng iniisip.

Si Chloe, namimilagro kasi simula nung nagalit sa'min si Zai... hindi ko na sya narinig na nag-iinarte. Madalas din syang tahimik.

Haaaay... kung alam mo lang, Zai.

Ginagawa namin to dahil kaibigan ka namin at mahal na mahal ka namin.

Tama ang sabi nila,

Ang problema ng isang kaibigan...

Problema na ng lahat.

"OMG? Sya ba yun? She changed a lot!" Napatingin ako sa babaeng nagsasalita.

Hindi ko alam kung bakit, pero automatic na sinundan ng mga mata ko kung saan sila nakatingin.

Nakatingin sila sa apat na babae. 

At kasama nila si Zai.

Ang iiksi ng skirt nila tapos naka-make up pa sila, pati si Zai. Yung isa ang red na red yung lipstick.

Yung dating mahabang buhok nya, maiksi nalang ngayon. Tapos may kulay pa yung buhok nya.

Lalo syang gumanda. Halos lahat ng lalaking nadadaanan nya, napapatingin sakanya.

Maya-maya, may dalawang lalaki na lumapit sakanila. Nagulat nalang ako ng inakbayan nung isa si Zai, pumayag naman sya at nagpatuloy na sila sa paglalakad.

How To Attract A PlayboyWhere stories live. Discover now