Chapter 20: The pervert and the playboy

11.1K 204 11
                                    

Chapter 20 

** The Pervert and the Playboy**

"Zai," *poke.poke.poke*

Nagising ako dahil sa may taong tumatawag ng pangalan ko tapos sinusundot-sundot yung pisngi ko. Dumilat ako saglit tapos pumikit ulit.

"Umalis ka nga!" Pagtataboy ko sakanya habang nakapikit.

"Zai, kailangan ko ng tulong mo. Please. Buksan mo nga yang mga mata mo. Gising ka na eh."

Hindi ko nalang sya pinansin. Istorbo naman 'tong Ceejay na 'to. Kitang natutulog ako eh.

"Zai, sige na. Tulungan mo naman ako."

(-___-) zZzZzZzZzZzZz

"Pag hindi ka gumising hahalikan ko 'tong maboy ko."

(O____O)

"Edi dilat na dilat ka ngayon? Kala mo naman tototohanin ko. Tsk."

Sino ba namang hindi mapapadilat sa sinabi nya? Hahalikan daw nya si Zoid? Eww lang!

"Ano ba kasi yun? Istorbo ka, alam mo yun?" I looked at Zoid briefly. Buti pa 'to hindi nagising. Ang himbing pa rin ng tulog eh (==____==)

"Kailangan ko kasi ng tulong mo."

I stared at his face and then noticed a red mark on his right cheek.

"Ano ba yun?" Tanong ko habang hinihimas yung malambot na buhok ni Zoid.

"Ganito kasi yun. Ehem. Naglalakad ako mag-isa nang biglang may babaeng lumapit sa'kin. New transfery daw kasi sya kaya hindi pa daw nya alam ang pasikot-sikot ng university. She asked me kung pwede ko daw syang samahan papunta sa cafeteria. At dahil ako si Ceejay Fuentalez, ang lalaking ubod ng gwapo at napaka-gentleman... ehem... pumayag ako. Tapos habang naglalakad kami papunta dun, bigla syang sumigaw ng aray. Nagpanic naman ako at tinanong kung bakit. Bigla syang nagpuppy eyes at sinabing masakit daw yung leeg nya. Sabi nya sa'kin kung pwede ko daw tignan. Sinunod ko naman sya kasi gwapo nga ako tapos gentleman pa. Wala naman akong nakitang mali tapos maya-maya sumigaw na naman sya. Sabi nya sa'kin may insektong kumakagat sa loob ng blouse nya. She asked for my help kung pwede kong alisin yun kasi nandidiri daw sya sa insects. At nung titignan ko na, bigla nalang may sumabunot sa'kin ng sobrang diin. Pocha lang! Parang tatanggalin na nya yung anit ko sa pagkakasabunot."

"Si Chloe?"

Tumango-tango naman sya, "Kasalan ko bang ipanganak akong saksakan ng gwapo at the same time gentleman?"

How To Attract A PlayboyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora