Every Time #6: Grounded~~

20 3 0
                                        

~*~
“Jimin,ano na naman bang kabalastugan ang ginawa niyong pito huh?” Galit na sigaw ni Kuya sa amin.

Kasalukuyang nakaupo kami sa sofa pero silang anim ay nakayuko at ako naman naka-dikwatro at seryosong nakatingin kay kuya.

Buti wala sina Mama at Papa kundi mas lagot ako nito.

“Sumagot kayo.” Galit na sigaw nito sa amin.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at sinabat siya.

“Bakit 'pag sinabi ko ba ang rason,ano naman ang gagawin mo 'dun?” Galit kong tanong sa kaniya.

“Wag mo akong pag-salitaan ng ganyan.” Galit na sabi ni kuya.

“Tsk.” Sabi ko at umakyat na. Pinabayaan ko na lang ang mga kaibigan ko 'dun sa baba. Bahala na sila diyan kay kuya.

“Where are you going?” Tanong nito sa akin.

“Obvious ba,edi sa kwarto.” Sagot ko.

Iniwan ko na sila 'dun at pumasok ako sa kwarto. Dito mas komportable ako,walang manghihimasok at walang may magagalit sa akin.

Natulog na lang ako kahit hindi pa ako naka-half bath at nakapag-bihis ng damit pantulog.

~~°~~

“You will be grounded for the whole 3 months.” Sabi ni Kuya sa akin habang kumakain ako ng breakfast.

Tumigil ako sa pagkain at tumayo ako.

“Where are you going?” Tanong nito sa akin.

“Nawalan na ako ng gana.” Sabi ko at sinakbit ko ang bag ko sa likod ko.

“Ubusin mo ang pagkain mo,hindi pa tayo tapos.” Sabi niya.

Bumalik ako sa pagkain at kumain ulit.

“No cellphones,laptop,computer and gadgets. No cars. No bars. Pagkatapos ng klase niyo may magtu-tutor sayo. Nakita ko ang grades mo sa lahat ng subjects mo na bagsak. At dito siya sa bahay magtu-tutor. Kukuha lang ako ng tutor sa school niyo.” Sabi niya ng matapos na siyang kumain.

Pabagsak kong linagay ang kutsara't tinidor sa pinggan.

“That's unfair. At siyaka ang laki ko na para may magtu-tutor sa akin.” Sabi ko.

“Anong gusto mo? You will be not going to London to me o gagawin mo yan?” Panakot niya sa akin. Na tahimik naman ako 'dun. Ang galing talaga mang-black mail.

Pagkatapos kong kumain ay hinatid niya na ako sa school. Sabi nga niya diba no cars.

“Susunduin na lang kita mamaya pati na rin ang tutor mo,maliwanag?” Tumango lang ako sa kaniya at iniwan na niya ako dito sa loob ng school.

Mag-isa akong pumasok sa loob ng classroom. Nakita ko naman ang mga kaibigan ko na nandun sa isang sulok nag-uusap.

“Oh nandito ka na pala.” Sabi ni Jin na maraming band-aid sa mukha.

“Tsk.” Sabi ko at umupo na sa upuan.

“Sorry pala kagabi kung sinumbong namin kay kuya mo na nakipag-bugbugan kita.” Sabi ni tanda...este J-Hope.

Hindi ko lang sila pinansin at agad na dumating ang professor namin.

%LunchTime%

Iniwan ko ang mga kaibigan ko sa room dahil pupunta ako ng principals office pero nagulat na lang ako ng nandun ang babaeng kinaiinisan ko dito sa school.

“Opo,Sir.” Sabi niya at umalis na siya.

Pagkalabas niya nakasalubong ko siya pero inirapan niya lang.

Makapasok na nga.

—*—

6th Chapter End.<3

Every Time(SeulMin Fanfic)Where stories live. Discover now