Every Time #12: Closure?~~

21 2 0
                                        

~*~
“Jimin,kilala mo ba si Sowon?” Tanong ko sa kaniya at nagulat naman siya sa tanong ko. Sa kalagitnaan kasi ng pag-tutor ko sa kaniya 'yan pa ang natanong ko.

“Yeah.Why?” Naguguluhang tanong niya sa akin.

“Ah basta narinig ko lang sa ibang estudyante.” Sagot ko sa kaniyang tanong.

“Sowon. Atin atin lang toh ah.” Sabi niya at tumango naman ako.

Bumulong siya sa akin.

“Ang ate ni Sowon ang girl friend ni Kuya. Katanuyan nga pera lang ang habol nito sa kaniya. I try to say it to him pero hindi siya naniniwala sa akin.”

“Kilala mo ba ang first girl friend ni Kuya mo?” Tanong ko sa kaniya.

“Yeah. Actually nga iniyakan niya pa ito,8 yrs ago.” Sabi niya.

“Eh ano ang pangalan?” Tanong ko sa kaniya.

“Seohyun ata.” Sagot niya.

“Eh bakit mo naman natanong?” Nakataas ang isang kilay niya na tanong.

“Promise hindi mo toh,ipagsusumbong ah.” Sabi ko sa kaniya.

“Promise.” Sabi niya sa akin ng seryoso.

Nag-umpisa na akong magkwento sa kaniya. Nang matapos na bigla na lang siyang natulala.

“'Yun lang ba?” Tanong niya.

“Oo.” Sagot ko.

“Bigyan mo sila ng closure. Pero kung gusto mong malaman ni Kuya ang lahat ng katotohan,edi sabihin mo kay ate pero dapat may ebidensya.” Sabi niya at nagbasa ng libro.

“Salamat.” Nakangiti kong sabi at yinakap siya. Na-froze naman ang katawan niya. Eh kahit ako nabigla sa yinakap ko siya.

“Ah sorry.” Hingi ko nang tawad sa kaniya ng makakalas na ako sa pagkayakap niya.

“Okay lang.” Sabi niya at balik basa ng libro.

Ilang minuto ang katahimikan namin ng bigla kaming tawagin ni Kuya Xiumin na nasa kusina.

“Jimin,Seulgi magmeryenda muna kayo.” Sakto gutom na rin ako.

*tunog ng tiyan*

Teka,kaninong tiyan yun? Tiningnan ko naman itong katabi ko na nakayuko habang hawak ang tiyan niya.

Tumawa lang ako at pati siya tumawa. Pumunta na lang kami sa kusina at nakita kong naka-handa na ang meryenda namin.

Ang meryenda namin ay sandwich tapos ice cream. Mukhang masarap toh. 'Yung ice cream kasi Magnolia.

“Salamat po sa meryenda,Kuya.” Nakangiti kong sabi at nag-umpisa ng kumain. Binigyan nila ako ng ice cream ng isang malukong. Naku! Ang sarap talaga.

Pagkatapos naming kumain ay nagpasalamat ako.

Agad na akong hinatid ni Kuya pero sa kasamaang palad nasa harap ng gate si ate.

Nanlaki naman ang mga mata naming dalawa. Tiningnan ko si Kuya Xiumin at nanlaki naman ang mga mata nito.

Agad na akong lumabas. Pati na rin si Kuya Xiumin lumabas pero sa 'di kalayuang kanto may nakita akong isang kotse na familiar sa akin...

Tama! Kay Jimin iyun. Lumabas siya sa kotse na naka-hood. Hindi ko alam kung ano ang expression niya sa mukha pero parang nakangiti siya.

“Seulgi,pumasok ka muna sa loob.” Sabi sa akin ni Ate.

“Sige po.” Sabi ko at sumunod naman sa sinabi niya.

Pagkapasok ko sa bahay. Dali-dali kong linagay ang bag ko sa kwarto at agad na pumunta sa pintuan ng gate. Ang gate kasi naman is parang pintuan hindi yung balakal.

Hindi ko alam pero sa pakiramdam,hindi ,magiging maganda ang closure nilang dalawa.

—*—

12th Chapter End.<3

Every Time(SeulMin Fanfic)Where stories live. Discover now