Every Time #9: Tutor~~

19 3 0
                                        

~*~
“Okay. The Scientific blah blah.” Turo ko sa kaniya habang nakaupo kami dito sa sofa.

“Ano?” Tanong niya habang hawak niya ang notebook niya.

Mabilis kong kinuha ang salamin ko at pinahiran ko yun ng damit ko. Pagkatapos kong pahiran 'yun ay binalik ko iyon sa mata ko.

“Nakikinig ka ba?” Sarcastic kong tanong sa kaniya.

“Siyempre oo pero 'di kita maintindihan.” Sagot niya.

Inulit ko uli ang pag-basa ko pero ganon pa rin hindi niya makuha ang tinuturo ko. Kaya sa huli kung tanong siya ng tanong pinupukpok ko sa kaniya ang bottled water ko.

“Makinig kang mabuti para malaman mo.” Sabi ko at binigyan ko siya ng seat work. Try lang natin kung malalaman niya ang sagot. Pagkatapos niyang sagutin 'yun ay agad na niyang ibinigay sa akin ang papel. Pero yung mga sagot niya mali.

“Answer it again.” Sabi ko sa kaniya at binigay uli ang papel.

“Eh sa'n ko ilalagay ang sagot?” Naguguluhan niyang tanong.

“Wala ka bang common sense?” Sabi ko at nilamukos ko ang aking mga kamay sa ulo ko.

“Eh sa'n nga? Wala ng space dito eh.” Sabi niya.

“Kumuha ka ng bagong papel.” Sabi ko at sinunod niya naman. Tumitingin lang ako sa kaniya habang sumasagot ito ng biglang mag-ring ang phone ko.

“Hello.”-ako.

(“Your ate is here,kanina lang.”)-Mom.

“What?”-masaya kong sigaw at tumalon talon pa.

Nagulat naman ang kasama ko. Tiningnan niya lang ako at balik uli sa kaniyang Pag sagot.

“Sige ma,pupunta ako sa bahay. Just wait me for 15 minutes.”-ako.

In-end ko na ang phone.

“Kuya Xiumin,pwedeng po bang ihatid mo muna ako sa bahay?” Tanong ko kay kuya Xiumin habang nagluluto ito.

“Pwede naman,bakit?” Tanong nito.

“Kasi po emergency lang.” Sagot ko.

“Tayo na.” Sabi niya at hinubad ang suot niyang apron. Kinuha niya ang susi niya sa ibabaw ng lamesa at umalis na kami.

~~

“Ano ba ang emergency 'yun?” Tanong nito sa akin habang nagda-drive siya.

“Si ate kasi kakarating lang. Teka kuya,may girl friend ka na ba...I mean karelasyon?” Tanong ko.

“Noon,mga 8 years na ang nakalipas. Pero iniwan niya lang ako. Ngayon oo,meron na.” Sagot nito.

“Mahal mo ba kuya?” Tanong ko.

“Ano bang klaseng tanong 'yan? Siyempre oo.” Sagot niya pero na-curios lang ako kasi seryoso siya kung sumagot.

“Eh paano kung bumalik yung babae..yung dati po?” Tanong ko.

“Uhmm..ewan ko.” Sagot niya. Naging malungkot ang boses nito.

After nun hindi na ako nagtanong.

Nang makarating na ako sa bahay. Nagpasalamat na ako sa kaniya.

“Kuya,salamat.” Sabi ko.

Pagpasok ko naman sa bahay nadatnan ko naman ang ate ko na nasa harap ng pintuan.

“Miss me?” Nakangiti nitong tanong sa akin.

“Ate.” Tumakbo ako papunta sa kaniya at sinalubong siya ng yakap at halik sa pisngi.

“I miss you so much.” Sabi ko at narinig ko siyang tumawa ng mahina.

“Sino ba yung naghatid sa'yo?” Tanong ni ate.

“Yung kuya ng kaklase ko na tinu-tutor ko.” Sagot ko at ngumiti.

Ngumiti rin siya sa akin at pinapasok ako sa bahay.

—*—

9th Chapter End.<3

Every Time(SeulMin Fanfic)Where stories live. Discover now