Send: 04 °

13.6K 444 39
                                    


James Jeon

Ako nanloko? No way! Umagang-umaga may magch-chat sa akin, tapos pagbibintangan akong manloloko? Sa dinami-raming pwedeng pag-bintangan ako pa. Baliw na yata 'yung babaeng 'yun, nakaka-baliw. Umagang-umaga, nagmumura, parang hindi babae. Ang lakas ng trip, paano ako manloloko kung wala pa akong nagiging girlfriend? Ano, magic? Nakaka-badtrip.

'Yung tipong biglang may magch-chat sayo na hindi mo kilala tapos kung murahin ka tagos sa buto? Nakaka-badtrip.

"Owwwww," pati ba naman sa paglakakad.

"Hala, kuya sorry po! Hindi ko sinasadya sorry!"

Tiningnan ko lang sya at hindi na nagsalita.

Ang ganda nya talaga...

"Kuyaaa, una na po ako. Sorry ulit!"

Tumakbo na siya palayo sa akin. Sinundan ko siya ng tingin at napangiti nalang nang hindi ko namamalayan. Umiling-iling nalang ako na nakangiti. Maka-punta na nga lang sa room.

-

Thalia Chou

Nakaka-inis 'yung pesteng lalaki na 'yun! Napaka-sungit, dapat pala hindi muna ako nag-chat sa kanya, nang dahil sa kanya mukhang mali-late pa yata ako ngayon!

Pasalamat parin talaga siya nagloloko internet namin, kasi kung hindi? Hindi ko siya titigilan! Nakaka-gigil!

Lakad takbo na ang ginagawa ko ngayon dahil five minutes nalang simula na ang class namin! Napa-laki ang mata ko dahil sa aking pagmamadali may nabangga pa ako.Nakakainis naman!

"Hala, kuya sorry po! Hindi ko sinasadya sorry!"

Hindi ko na nakita ang mukha niya kasi nakahood sya eh, pero naramdam ko na nakita niya ako. Hala, kailangan ko na pala mag-madali!

"Kuyaaaa, una na po ako. Sorry ulit!"

Kung kanina lakad takbo ang ginagawa ko, ngayon tuluyan na talaga akong tumakbo. Time na kasi baka magalit pa sakin 'yung teacher ko kapag nagka-taon!

Nang malapit na ako sa room, pa-simple kong tiningnan 'yung room kung may teacher na at...

"Yesss! Di ako late!"

Naglalakad nalang ako ngayon papuntang room at iniisip si kuyang naka-hood na nakabangga ko. Sa posture ni Kuya, mukha siyang gwapo.Kaso parang lang, hindi ko pa nakikita ang mukha e.

Ano ba 'yan Thalia! Nagawa mo pa talagang isipin Kung gwapo? Shocks naman!

Kinuha ko 'yung cellphone ko at napa-titig sa convo. namin nung lalaking nanloko kay Shane. Biglang sungit ka yata? Guilting guilty, pwede namang namang umamin, tanggi pa ng tanggi. Nakaka-gigil talaga!

Nag-post ako sa facebook tapos pumasok na sa loob ng room.

Buti nalang late 'yung teacher namin!

Wrong Send  | j.jk & c.tyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon