Wrong send: Epilogue ²

4.7K 149 37
                                    

"Thalia, Thalia, Thalia..." lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Parang may dumaloy na kuryente sa pagitan naming dalawa.

"A-ano 'to? James?" sabi ko. Then I realized na ako na yata ang pinaka-tangang babae ang nagtatanong pa, sa mga oras na 'to. Nakita ko nalang na natatawa si James sa harap ko. Thalia! Hindi ka nagi-isip! Surprise nga 'to diba.

"Ahm, surprise?" pagkasabi niya nu'n biglang umilaw lahat ng poste na naka-patay kanina. Nagulat nalang ako nang makita kong nakapalibot ang buong tropa sa amin, at nandito rin ang family ko at family nya. Myghaaad.

"Bakit may ganito? S-samantalang kanina----"

"Shh, sorry okay? Hindi ko naman intensyong marining mo kanina 'yung kausap ko sa phone. Yah, totoo 'yung narinig mo? Ikaw si Thalia lang. Si Thalia na mahal na mahal ko. Baebe, wala akong balak pagtaksilan ka, hindi pa nga tayo lolokohin na agad kita. Walang ganu'n, hindi mangyayari 'yun. Kung iniisip mo na babae ko 'yung kausap ko kanina, well nagkakamali ka. Siya si Jam, 'yung lil. sister ko," sabi niya sabay turo sa isang babae. Kumaway siya sa akin at nag-like sign. "Sorry kung naiwan kita kanina, kasama kasi sa plano e." sabi niya sabay kamot sa batok.

Omyghad! Kapatid niya lang? Nag-selos ako sa kapatid niya? All this time akala ko,myghad. Ngayon ko lang na-realize na, lahat ng 'to ay set-up lang!

"Sa harap ng ating pamilya, at kaibigan. Magpapakilala ako. Ako si James Jeon, isang simpleng gwapong nilalang na nabubuhay sa mundo." napatawa nalang ako sa introduction niya. Hangin talaga.

"Isang gwapong nilalang na napamahal sa isang babaeng nagnga-ngalang Thalia Chou. Simula palang, crush na kita nu'n lagi kitang nakikita dahil nga kaibigan mo sina Denisse. Nagtataka ka siguro dahil ako ang hindi mo pa na-meet sa tropa nu'n. Sa bawat lakad, kasi o tambay ng tropa. Kapag mabalitaan ko na kasama ka, hindi ako sumasama. At kapag naman sasama ako, ikaw naman ang hindi makakasama. Astig no? Hindi talaga tyo pinagkikita. Gwapo ko kasi," napangiti na lamang ako sa sinabi nya... and okay? Grabe nga naman o.

"Hanggang sa dumating 'yung araw na na-wrong send ka kuno sa akin? Kuno. Hindi kasi kapani-paniwala. Biruin mo inaway mo pa talaga ako saka mo lang na-realize na wrong send ka pala. Hahaha, syempre ako tuwang-tuwa na nu'n. Kaso naging masungit ako sayo nu'n kasi akala ko simpleng tahimik na babae ka lang, pero imbis na ma-turn off ako sayo sa kakakulit mo sa akin mas natutuwa ako.

Napagkamalan pa nga kitang poser kasi akala ko nga hindi ikaw 'yung babaeng gusto ko, akala ko nagpapanggap ka lang na si Thalia. Ibang iba nga ugali mo sa chat at personal haha. Alam mo bang sobrang sya ko nung birthday ko? Nung una pumayag ako na maging kuya-kuyahan mo nu'n, pero habang tumatagal parang ang sakit. Ang sakit kasi nga hanggang kuya lang 'yung tingin mo sa akin. Umiwas ako nu'n dahil nagpapa-miss lang ako. Pero lintek! Mali pa yata yung move ko nu'n. Siguro kung ibang babae 'yun, wala na akong chance, lero hindi, ikaw kasi si Thalia. Thalia na walang katulad. Si Thalia na napakagandang nilalang sa mundo. Si Thalia na mahal ko."

"Thalia, Thalia, Thalia. Muli magpapakilala ako. Ako si James Jeon, muling magta-tanong sayo.

Nakakahiya 'mang sabihin, pero pwede ka bang maging akin?"

Napangiti ako sa mga sinabi niya. Hindi ko expected na may pa-ganito ang mangyayari sa buong araw na 'to. Masasabi ko nang sobrang saya nito.

Ngumiti ako sa kanya at sinabing, "Oo, pumapayag na akong maging sayo James Jeon," bago pa siya mag-salita uunahan ko na siya.

"Ako si Thalia Chou. Pumayag ng maging iyo James Jeon. "

Niyakap nya ako ng mahigpit.

"YESSS! GIRLFRIEND KO NA SI THALIA CHOUUUU!"






Ako naman ang magpapakilala. Ako si Thalia Chou, isang simpleng babae na na-wrong send kuno kay James Jeon.

Nung una naiinis pa ako sa kanya dahil nga ang sungit-sungit nya. Ngunit hindi ko ine-expect na magiging kami rin pala. Isa akong babaeng nagkamaling i-message ang isang lalaki, siguro kung hindi ko ginawa 'yun, hindi ko na siya mami-meet.

Hindi naman pala ng mali ay mananatiling mali hanggang dulo. Meron din palang mali, na, tama 'yung impact para sayo. Magulo ba? Ganyan din sa buhay magulo. Kailangan mo lang buksan ang isipan mo sa mga bagay bagay para maunawaan mo ang mga nangyayari.

Minsan sa buhay ng tao, kapag mali. Mali na hanggang dulo, pero dapat kapag nagkamali ka, itama mo para hindi ka magsisi dahil du'n sa maling nagawa mo.

Kung maraming problema gora lang! Push. Patuloy ang takbo ng buhay, kailangan mo lang maging matatag. Nandyan naman si God, always ka lang mag-pray sa kanya. Sure win na 'yun!

Basta lagi nating tatandaan na kapag may trials, blessings na ang kasunod. Katulad ko, sabihin nating nagka-small trial ako nung panahon na na-wrong send ako, pero after nu'n blessings, kasi nakilala ko si James.


Ako si Thalia Chou, at na- wrong send ako sa taong nag-ngangalang James Jeon




- END -




Wrong Send  | j.jk & c.tyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon