Send: 43 °

7.8K 255 21
                                    

Thalia Chou

Nang makarating ko sa room, binati agad ako ni Shane. "Hi Thalia! Good Morning~" sabi niya at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.


"Good Morning~"


Nang mai-lapag ko naman ang bag ko sa upuan binati ko sina Denisse at Mina.


"Hi Denisse!"


"Hello," bati niya sa akin pero hindi siya naka-tingin dahil ginagawa niya yata 'yung kulang niya.


"Hello Mina~" bati ko naman sa nagsi-cellphone na si Mina.


"Thalia, tara samahan mo muna ako," sabi sa akin ni Shane.

Nagpasama sa akin si Shane pumunta sa UTMT ( Under the mango tree ) dahil magkikita raw sila ni Theo.


"Akala ko ba, magkatabi lang ang room natin sa room nila Theo? Ba't sa UTMT pa talaga? Daming knows ah," tinatamad na sabi ko sa kanya.


"Usapan na kasi namin 'yun ano ka ba! Walang basagan ng trip, tska ang ganda ka tumambay sa UTMT maaliwalas," naka-ngiting sabi niya sa akin.


Bago pa naman kami maka-akyat sa UTMT sinalubong na agad kami ni Theo.


"Hi, Shane! Tara!"


Nag-usap sila ni Shane for 10 minutes yata, habang ako nakatayo lang katabi ni Shane. Nakikilitian na nga sila, nag-aasaran. Sana pala hindi nalang ako sumama kay Shane wala naman pala akong mapapala dito.Nahinto sa pagsasalita ni Theo ng napansin nyang kasama pala ako ni Shane.


"Thalia? Hi, nandito ka pala," napatingin sa akin si Shane sa sinabi ni Theo.

Napangiwi nalang ako sa kanya. "Hehez, yaah. Kanina pa," ngumiti nalang ako ng pilit at tumingin sa isang lalaking tumatakbo pamunta sa amin.


Maputi, matangkad, matangos ang ilong, at ang gulo ng kanyang buhok, pero masasabi ko na gwapo parin sya. Tumigil sya sa tabi ni Theo at inakbayan ito.


"Ano ba'yan Theo, kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala... nakikipag-landian sa umaga, " sabi niya sabay ngumisi. Sinuntok siya ng mahina ni Theo sa braso "Wagas makapag-sabi landian ah," tinuksok naman ni Theo yung lalaki sa tagiliran.


Tumawa ito, at nabaling ang tingin nya sa akin. Nagkatinginan kami, at parang may gusto siyang sabihin na ewan. Pero infairness parang familiar siya sa akin, at ang gwapo~


Umiwas ako ng tingin, at nakita kong ngumiti naman siya. "Good Morning!" masiglang bati niya sa akin at nginitian ko lang siya bilang sagot.


"Ayy, si sadako nasa likod mo!" Napahawak agad ako sa bibig ko ng masabi ko 'yun. Sina Theo nman ay parang nagulat sa sinabi ko. At si Shane na katabi ko ay tumatawa naman.


"Hehez, sorry. Nabigla lang wala talaga si sadako. Peace~" sabi ko then nagpeace sign. Nakaka-hiya, grabe.


Sinita ko ng palihim si Shane. Paano ba naman sinundot ako sa may tiyan, eh may kiliti ako du'n. Then masyado yata akong napatitig dito sa katabi ni Theo.


"Btw, magkakilala kayo?" sabi ni Shane with matching sundot sa tagiliran ko. Napatingin nmam ako du'n sa lalaki. Ang gwapo nya talaga, bakit ganu'n?


"Hindi," napatawa naman si Theo sa sinagot ko. Bakit? Hindi ko naman talaga siya kilala eh, unless na ipa-kilala niya ako. Hehez. Napatingin ako du'n sa lalaki na tahimik lang.


Nag-paalam na sina Theo dahil may pupuntahan pa raw sila. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit lumingon pa ako sa likod at nakita kong nakatingin ulit sa akin ang lalaki at ngumiti. Dahil feeling ko ang awkward, umiwas na agad ako ng tingin at tumingin nalang sa dinadaan ko.

Bakit ganu'n? Parang may kakaiba sa akin? Feeling ko kilala ko 'yung lalaking 'yun kanina base sa mga tingin niya.


Napahawak ako sa puso ko at parang bigla ako ni-nerbyos? Hala? An'yare?


Kilala ko ba sya? Or sadyang na-pogian lang ako? Myghad, Thalia!


Aw, sayang hindi 'man lang ako pinakilala.

Wrong Send  | j.jk & c.tyWhere stories live. Discover now