Send: 25 °

8.9K 282 19
                                    

Thalia Chou

Kararating ko lang sa room nang salubungin ako ni Mina.

"Thalia, may mga chocolates sa table mo oh," sabi nya sa akin.

Tiningnan ko agad kung totoo ang sinabi niya. Tobleron? Ferrero? Kisses? Tiningnan ko sila, baka kilala nila kung kanino galing 'yung mga chocolates. Dali-dali naman silang umiling.

"Sinong umuwing galing abroad?" Natatawa kong tanong sa kanila.

"Daming chocolates gusto nyo?" Inilahad ko sa kanila 'yung ferrero, pero nung kukuhanin na ni Denisse iniwas ko agad.

"Nays, paasa ka rin 'no?" Sarcastic na pagkaka-sabi ni Denisse.

"Hindi naman hahaha, pero hindi nga? Hindi niyo talaga nakita kung sino nag-lagay nito sa table ko?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi nga, ang kulit ah. Akin na nga 'yan daming reklamo. Hello? Chocolates na 'yan aayawan mo pa," nai-stress na sabi ni Mina.

"Oo ngaaaa! Mamigay naman diyan abaaa~," dagdag pa ni Denisse.

Sige na nga, bibigyan ko na. Marami-rami naman 'tong binigay sa akin. Mukhang galante, mamahalin 'yung mga chocolates e.

"Seriously? Isang piraso? Namigay ka pa 'no? Nakakahiya sayo," sabi ni Denisse in sarcasm tone.

Inaasar ko lang sila, mga chocolates addict din kasi e. Kanino kaya galing to? Well kung sino 'man sya... thank youuu!

-

"Tara canteen! Gutom na akooo, ginutom ako ni science eh."

Pupunta na kaming canteen, pero napansin kong kanina pa tahimik si Shane. Ano kayang nangyari?

Habang naglalakad kami papuntang canteen, sinabayan kong mag-lakad si Shane.


"Shane."

"Shane."

"Shane."

Tatlong beses ko na siyang tinawag pero parang wala siyang narinig.

"Shane!"

"Ayy, anak ka ni Sadako!" Halatang nagulat siya sa pagka-tawag ko sa kanya.

"Kanina pa kaya kita tinatawag."

"Ayy, ganun ba? Sorry di ko narinig, hehez," ngumiti sya sa akin, pero halatang pilit.

"Anong nangyari?"

"Ha? W-wala ah?"

Pagkasabi nya nu'n, pumunta na rin siya ka agad kay Denisse. Si Theo na naman siguro ini-isip niya.

Wrong Send  | j.jk & c.tyWhere stories live. Discover now