Send: 98 °

4K 128 31
                                    


Thalia Chou


Naglalakad-lakad nalang muna ako sa Enchanted kingdom, baka makita ko rin naman sila mamaya-maya. Buti nalang nasa akin 'yung sling bag ko, kundi wala sana akong pera ngayon.

Bumili ako sa isang stall ng siomai at isang C2, nagutom ako bigla e. Nasaan na kaya sila? Tapos siJames? Bigla nalang siyang nawala. Hmm?


Umupo muna ako sa isang bench para du'n nalang ubusin 'yung pagkain ko. Ngunit may natanaw akong isang lalaki.
Hindi ako magkakamali, si James 'yung nakikita ko parang may kausap sa cellphone nya.


Pinuntahan ko siya, para sana gulatin siya... pero mukhang ako yata ang nagulat sa mga sinabi niya...


"Si Thalia? Sus, easy lang sakin 'yun."

"Si Thalia lang 'yun, kayang-kaya."

"Hahaha, oo nga. Wala 'tong tiwala sa akin oh."

"Sige na love you too..."


Bago pa siya makalingon sa akin, tumakbo na agad ako, hindi ko alam kung saan na ako dinala ng mga paa ko ngayon. Basta ang alam ko nasasaktan ako.


"Si Thalia? Sus, easy lang sakin 'yun."

"Si Thalia lang 'yun, kayang -kaya."

"Hahaha, oo nga. Wala 'tong tiwala sa akin oh."

"Sige na love you too..."


Si Thalia LANG naman pala ako sa kanya e! Peste talaga! Naniwala ako sa kanya kainis! Kung kailan naman sigurado na ako sa nararamdaman ko sa kanya... kung kailan mahal ko na siya.


A-ano 'yun? Pinaglalaruan niya lang ako! Ang dami niyang alam! May mga sweet effect pa siya, pa-ligaw ligaw. HA. HA. Ano pa ba ang ie-expect ko sa nakilala ko lang online? Sa taong nakilala ko lang sa pesteng wrong send!


Jusko! James bakit?!


Wala na! Naiiyak na ako! Ang sakit pala! Peste lang! Nasaan na sina Shane! Kailangan ko sila ngayon!


===


James Jeon


Nung nakita kong busy sa pagsi-cellphone si Thalia, kinuha ko na 'yung chance na 'yun para umalis.


Unkown calling...


Nagtago muna ako sa isang lugar na hindi ako makikita ni Thalia, at saka in-accept ang tawag.


Unkown calling...

Accept | Decline


James:
Hello?

Unknown:
James.

James:
Bakit?

Unknown:
Handa ka na ba sa mangyayari mamaya?

James:
Lagi naman akong handa.

Unknown:
Talaga lang ah. Kapag nagkataon tatawanan nalang kita sa kayabangan mo.

James:
Wala kang tiwala sa akin?

Unknown:
Wala e.

James:
Sus easy lang 'yun. Si Thalia lang naman 'yun e.

Unknown:
Thalia lang.

James:
Haha oo.

Unknown:
Talaga ba?

James:
Naman.

Unknown:
Yabang mo!

James:
Totoo naman talaga si Thalia lang 'yun, kaya madali lang 'yun. Haha.

Unknown:
Dami mong alam!

James:
Malamang nag-aaral ako!

Unknown:
Thalia, Thalia lang pala ah...

James:
Unli?

Unknown:
Hmm.. si Thalia lang 'yun. Na mahal na mahal mo!

James:
Nakuha mo! HAHAHA. Si Thalia lang 'yun, na tanging laman ng puso ko!

Unknown:
Hahaha ayun.

James:
Si Thalia lang 'yun, kaya easy lang.

Unknown:
Easy? Ba't naman?

James:
Syempre, kapag mahal mo easy lang ang lahat sayo.

James:
Eh si Thalia 'yun eh. Si Thalia na mahal na mahal ko. Na gagawin ang lahat mapasaya ko lang siya.

Unknown:
Ang mais!

Unknown:
Bilisan mo punta ka na dito!

James:
Haha, oo na. Papunta na.

Unknown:
Tiwala lang! Magiging sayo na siya! Ayieee kinikilg 'yan. Pwe!

James:
Hahaha, sige sige salamat!

Unknown:
Sige na. Love you kuya! Fighting!

James:
Sige, love you too~

In-end call ko na agad. Ang kulit talaga ni Jam! Siya 'yung little sister ko si Jamella! Nasa-korea kasi siya nag-aaral, pero nandito siya sa manila ngayon. Nung time na sinabi ko 'yung tungkol sa girlfriend ko na si Thalia.


Masyado lang talaga siyang sarcastic, walang galang. Hahaha, biro lang.

James tiwala lang! Fighting! Kung girlfriend ko na si Thalia sa isip ko, how I wish, na mapa-oo ko na siya ngayon.


Naka-ngiti akong naglakad papunta sa meeting place dito sa EK. Ang bakla, pero excited na talaga ako.

Wrong Send  | j.jk & c.tyWhere stories live. Discover now