Chapter one

81 6 0
                                    

Thea's Point of View

Kaba. Takot. Yan ang mga nararamdaman ko sa tuwing nagta transfer ako sa iba't ibang university dito sa Korea. Halos nalibot ko na ata ang lahat ng university dito sa Korea dahil sa paglipat namin ng bahay. At sa paglipat ding iyon nararanasan ko ang mga pambu bully ng mga classmates ko sa kin. Nasanay na naman ako eh...Wala na sa kin yun. Kasalanan ko bang ganto ako? Ganito yung  kinalakhan kong pamilya? Hindi naman diba... Siguro ito lang talaga ang kapalarang binigay sa kin ni lord. Ang mabigyan ng pangit na buhay at maiwan ng sariling ama para sa ibang babae.

"Anak handa ka na ba sa first day mo?"-Mama

Hindi na ko nagsalita at inayos ko na lang ang gamit ko at naglakad palabas ng bahay. Bago pa man ako makatuntong sa lupa,narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Mama. Hindi ko naman sya sinisisi eh. Nakakainis lang kasi...Kung bakit sa dinami dami ng tao sa mundo ako ang binigyan ng ganitong buhay. Ni kaibigan wala ako..apparently meron naman eh ang kaso nasa states sya. Si Joan. Matagal na din kaming di nagkakausap nun and sure akong nakalimutan na ko nun. Sya lang yung friend ko then nawala pa. Siguro ito na talaga kapalaran ko. Ang malasin sa buhay..

Pagdating ko sa university, nilibot ko yung mga mata ko at saka nagpatuloy sa paglalakad. Rinig ko yung mga bulungan ng tao pero dedma na sa kin yun tutal sanay na naman ako at saka ayaw ko ng away bago pa naman ako dito. Basta wag lang nila ako pipisikalan talagang matitikman nila ag galit ko. Habang hinahanap ko yung section ko bigla na lang may nasagi akong babae kaya accidentally kong naitapon sa kanya yung hawak nyang strawberry frappe. Uh~oh..gulo toh..

" Miss sorry...di ko sinasadya.."-Me

"Anong di ko sinasadya!? Tanga ka ba? Kita mo namang may tao sa likod mo tapos dadalihin mo!? Wait don't tell me bago ka dito!? Ohww..well,well,well.. hindi mo kilala ang kinakabangga mo..loser!!"-****

Narinig ko yung bawat tawanan ng mga tao sa paligid ko. Yan na naman ang simula ng kalbaryo ko..

" Ako lang naman ang Campus Queen ng University na toh..Let me introduce myself..I am Kira Lee..and lahat ng tao nire respect ako dito so respect me!!"-Kira

"Bakit ko naman ire respect ang tao na ganyang ang ugali katulad mo.."-Me

Aalis na sana ako ng bigla nya akong sinabunutan at ihilamos sa mukha ko ang nyang frappe..

" Yan ang bagay sa mga katulad mong walang modo!! Tanga!! Girls tara na!! Nakakainit ng ulo tong babaeng toh.."-Kira

Pagkaalis nung Kira,inayos ko ang sarili ko at dali daling pumunta sa cubicle. Habang nagpapalit ako ng uniform,narinig ko yung usap usapan ng mga girls sa labas ng cubicle.

"Balita ko may newbie daw na nakaaway si Kira.."-G1

" Ah oo..Thea daw pangalan nun.."-G2

"Kawawa daw yung girl...ang sabi binuhusan daw ni Kira ng frappe na hawak nya yung mukha nung Thea.."-G1

" Tss..nababagay lang sa kanya yun noh..hindi nya nirespect si Queen Kira..."-G2

Paglabas ko ng cubicle,napansin ko yung mga taong pinagtitinginan ako. Dinedma ko na lang sila at dumiretso na sa room ko. Hanggang pagdating sa room ko pinatitinginan pa din ako ng mga classmates ko dun maliban sa isang tao na abala sa paglalaro ng robix na hawak nya. Sa kanya na ko tumabi kasi halata namang wala din syang pakelam pag tumabi ako sa kanya eh..
Pero mali pala ako..

"Sa wakas may tumabi na din sa kin..Hello.."-***

Kelan ba tatahimik buhay ko!? Pinagchi chismisan na nga ako dito dadagdag pa tong makulit na toh..

" Hi.."-Me

"Bakit malungkot ka??"-***

Pati ba naman face expression ko pinoproblema nya!?

" Ah wala..."-Me

"Ahhh oo nga pala..I'm Kean..and you are??"-Kean

" Thea..Thea Kim.."-Me

"Transferre ka noh??"-Kean

Nginitian ko na lang sya at ibinaling ang tingin ko sa librong binabasa ko.

" Sa'n ka galing school?"-Kean

"Sa Busan University.."-Me

" Taga Busan ka??"-Kean

"Dati.."-Me

" Ahhhh....infairness sabi sa kin ni Mama madami daw magaganda sa Busan.."-Kean

Napatingin naman ako sa sinabi nya..
Anong ibig nyang sabihin??

"Ha??"-Me

" Totoo yung sinabi sa kin ni Mama and hindi nga sya nagbibiro.."-Kean

Inantay ko lang yung sagot nya habang nakatingin sa kanya samantalang sya nakatungo at nakatingin sa robix cube nya. Nagulat na lang ako ng bigla syang tumitig din sa kin.

"Na maraming magaganda sa Busan..at isa ka na dun.."-Kean

Nginitian ko naman sya at nag thank you na din. Nagulat ako ng bigla nyang pinisil ang pisngi ko. Yan ang ayaw ko eh..yung cheeks ko yung pinupunterya..hayyy...

" Tama na nga yan.."-Me

"Bagay sayo yung uniform ng Seoul..maganda kasi katawan mo..slim pa..hehe..cute mo pa..."-Kean

Manyakis ba tong katabi ko!? Kung ano anong iniisip..

" Hoy baka sabihin mong manyakis ako ah..hindi noh!! Nagagandahan lang talaga ako sayo.."-Kean

"Daldal mo.."-Me

" Obvious ba? Madami kasi akong naiku kwento kaya madaldal ako.."-Kean

Hindi ko na lang sya pinansin pero patuloy pa rin nya akong kinukulit. Sinusundot pa nga ako ng ballpen sa likod eh.

"Tama na pede??"-Me

Hindi naman ako nagkamali kasi tumigil din sya. Titigil din pala ang taong toh kelangan lang takutin. Hanggang sa nagstart na ang klase namin,rinig ko pa din yung pagpaparinig nang mga classmates ko sa kin at eto namang si Kean walang ginawa kundi asarin ako. Wala na ba talaga tong magawang matino sa buhay!? Kainis na ah. After ng 4 subjects,pupunta na sana ako sa canteen para mag breaktime ng biglang hinarang ako nung babaeng umaway sa kin kanina.

" Oh..nandito pala ang NEWBIE na umaway sa kin kanina and they say na classmate daw kita. What a coincidence nga naman.."-Kira

"Ayoko ng gulo.."-Me

Aalis na sana ako ng bigla nya kong hinila at tinangkang sampalin ng biglang may humarang sa kin at hinawakan ng mahigpit yung kamay ni Kira.

" A-aray...Tama na ano ba!?"-Kira

"Don't ever slap her or else..ako ang makakalaban mo.."-Kean

Parang alam ko ang boses na yun..Pagtingin ko nakita ko si..Kean..

ResetWhere stories live. Discover now