Chapter 4

30 3 0
                                    

Thea's POV

Mag isa ako ngayong naglalakad papuntang university. Nasan na kaya si Kean?? Kakasabi nya lang kagabi na sasabayan nya kong maglakad eh. Hanggang sa makarating ako sa school, ni anino ni Kean wala akong nakita. Baka naman absent?? Pero imposibleng hindi ipaalam sa kin nun eh..Para talagang may mali eh..Habang naglalakad ako papuntang room,bigla na lang nag beep ang phone ko. Pagtingin ko si Kean pala.

From:Kean

Punta ka sa may lab. Nandun ako..

Ano namang ginagawa nya sa may LAB? Imposible namang dun sya gumawa ng assignment namin eh sabi nga nya sa kin hate nya ang pagpunta dun eh. Makapunta na nga lang..

Kean's P.O.V

Nandito ako ngayon sa LAB. Nakatali. Kasalanan to ng Baro na yun eh. Pero mas okay na ako na lang ang masaktan kesa si Thea ang mahirapan.

"Ano Kean?? Gusto mo pa ba lumaban??"-Baro

Tiningnan ko lang sya ng masama. Bakit ba kasi ang init ng dugo ng lalaking toh sa kin!!??

" Ano bang gusto mo!!?"-Me

"Alam mo naman kung anong gusto ko diba??"-Baro

Lumapit sya sa kin at may binulong sakin.

" Si Thea lang naman ang gusto ko eh..Yun lang..Makakaya mo namang ibigay sa kin sya diba??"-Baro

"Wag na wag mong idadamay si Thea.."-Me

" Idadamay!? Tanga!! Nag iisip ka ba!?? Eh ikaw nga ang idinamay nya eh!! Diba dati hindi naman ganito kagulo ang buhay mo!? Pero ng dumating yang babae na yan..aminin mo..Naging miserable din ang buhay mo diba??"-Baro

Tiningnan ko lang sya ng galit ng biglang nyang kinuha ang phone ko.

"Anong gagawin mo??"-Me

Tinawanan nya lang ako.

" Nasayo ang number ni Thea diba??"-Baro

"Ibigay mo sa kin yan!"-Me

" Relax ka lang..wala naman kaming gagawing masama sa kaibigan mo eh..depende na lang kung manlaban sya..yun lang yun..itetext ko lang sya na pumunta dito sa LAB."-Baro

"Sinabi ng itigil nyo yan eh!!!"-Me

" Kinakalaban mo na ko ngayon!?"-Baro

Nagulat na lang ako ng bigla nya akong pagsapak sapakin at tadyakan. Parang umiikot yung paligid ko sa sobrang sakit ng katawan ko. Ni hindi ko nga maigalaw ang paa ko sa sobrang sakit eh. Hindi ko namalayan na nahimatay na pala ako.

"Tss..wala ka palang talab eh.."-Baro

Thea's P.O.V

Nandito na ko ngayon sa LAB ng makarinig ako ng isang malakas na sigaw. Tinukoy ko kung saan ko narinig yung sigaw hanggang sa napadpad ako sa isang lumang room na sobrang dilim. Ginamit ko yung flashlight ng phone ko pero hindi na pala kailangan. Kusa ng bumuhay yung ilaw ng room. Habang binabaybay ko ng tingin yung buong kabubuuan ng room, bigla ko na lang nakita sina Baro kasama ang mga kabarkada nya na mukhang may binubugbog. Halos manlumo ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si Kean. Puro dugo yung bibig nya tapos pasa pasa ang katawan nya. Para akong sasabog sa galit. Kasalanan ko toh eh..

" Pag nakakalas ako sa taling toh babalikan ko kayo!!"-Kean

"Kung makakakalas ka pa dyan??"-Baro

" Boss wala pa ata si Thea.."-Boy 1

"Diba sinabi ko nang wag nyong idadamay si Thea!!??"-Kean

Napaiyak na lang ako bigla sa sinabi ni Kean. Bigla na lang akong nanlumo sa kintatayuan ko..

" Tanga ka ba!!? Ilang ulit pa naming kelangan sabihin sayo na hindi nga namin kelangan idamay pa si Thea!? Diba ikaw nga ang idinamay nya!? Sng dating miserable mong buhay naging magulo ng dahil sa kanya?? Kaya kung gusto mo pang makaalis sa taling yan,ibigay mo na samin si Thea."-Baro

Tama si Baro. Kasalanan ko lahat..naging miserable ang buhay ni Kean ng dahil sa kin. Mas mabuti pa siguro na layuan ko na muna sya..Mas mabuti kung ako na lang ang makaranas ng mga pananakit na yun..Pero kelangan ko munang mapaalis sina Baro dito sa LAB para mailigtas si Kean.

"Boss nagtext si Thea..nasa park daw sya.."-Boy

" Ano pang hinhintay nyo?? Tara na.."-Baro

"Eh teka boss..pano si Kean??"-Boy

" Nag iisip ka ba?? Imposibleng makatakas sya dyan..Tara na.."-Baro

Pagkaalis nina Baro, agad kong pinuntahan si Kean. Kusa na lang tumulo ang luha ko ng nakita ko syang halos wala ng malay at umuubo na ng dugo. Kinalasan ko sya at saka iniupo sa may bangko.

"Thea.."-Kean

Nakita ko sa mukha nya ang hirap na dinanas nya kina Baro. Kinuha ko yung kamay nya at tumingin sa kanya.

" Sorry.."-Thea

Pinunasan nya yung luha ko at saka tumingin sa kin.

"Wala ka namang dapat ihingi ng sorry eh..wala kang kasalanan.."-Kean

" Hindi hindi..kasalanan ko..sana hindi na lang ako pumayag na maging protector kita..sana una palang nilayuan na kita..sana pala hindi na kita nakilala...sana.."-Thea

"Sana..ipinagtabuyan mo na lang ako at hindi naging kaibigan pa??"-Kean

Nakita ko yung pagtulo ng luha nya sa mga mata nya. Pinunasan ko yun at saka kumalas saka pagkakahawak sa kamay nya.

" Napahamak ka ng dahil sa kin..Tama si Baro..naging miserable ang buhay mo ng naging kaibigan mo ko.."-Thea

"Mali ka Thea..Matagal ng miserable ang buhay ko..katunayan nga ikaw pa ang bumago ng buhay ko eh..."-Kean

Hindi na ko nagsalita pa at inakay na sya pauwi sa bahay nila. Pagdating dun ginamot ko yung mga gamot nya at iniwan syang nagpapahinga. Hindi muna ako pumasok at dumiretso na ng uwi.

" Oh anak..bakit hindi ka pumasok??"-Mama

Dumiretso na ko sa kwarto ko at sumalampak sa kama saka ko nilabas ang sama ng loob ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Problema ko toh pero sya yung naghihirap. Ni hindi ko man lanh naisip na ganito pala ang kahihinatnan ng lahat. Mas mabuti na siguro na layuan ko muna si Kean. Yun lang ang paraan para tigilan na sya nina Baro.

Nagsuot ako ng salamin ko para hindi mahalata ni Mama ng umiyak ako at saka bumaba na ko ng kwarto ko at dumiretso sa sala. Pero mali pala ko kasi napansin din ni Mama.

"May problema ba anak??"-Mama

Ngumiti lang ako kay Mama at hindi na nga sya nagtanong pa pero halata sa kanya ang pag aalala.

" Ma.."-Me

"Ano yun nak??"-Mama

" Hindi po muna ako papasok ng 1 week..pakisabi na lang po sa teacher na may sakit po ako.."-Me

Tumango na lang si Mama at kinuha ako ng makakakain. Pagkatapos nun,dumiretso na ko sa kwarto ko at natulog. Itutulog ko na lang muna toh..kahit na alam kong imposible pa din namang mawala toh...

ResetWhere stories live. Discover now