Chapter 6

30 2 0
                                    

Thea's P.O.V

Pumasok na ko ngayon at mag isang naglalakad papunta sa school. Inaalala ko pa din yung gabi na nag away kami ni Kean. Para ako ngayong tanga na nakatulala habang naglalakad. Kahut ganun,naririnig ko pa din yung bulungan nang mga kaklase ko at ka schoolmate na syempre ako na naman ang topic. Wala namang bago eh..lagi na lang ako. Pagpasok ko ng room,nadatnan kong wala si Kean sa upuan nya pero nandun yung bag nya. Inikot ko yung mata ko pero wala talaga eh..umupo na lang ako at itinuon ang sarili ko sa libro ng biglang may kumuha nang libro ko kaya napatingin naman ako.

"Akin na yan!!"-Me

Nagulat naman ako ng hinila nya ko palabas nang room. Ramdam ko na naman yung pagtitinginan ng mga tao dito sa kin. Kaya mo toh Thea..

" Ano bang kelangan nyo??"-Me

"Wag ka ngang mayabang!! Ayaw mo naman sigurong mapahamak si Kean diba??"-Kira

Sinamaan ko sya ng tingin pero tinulak nya lang ako palayo kaya naman napaupo ako bigla. Lumapit sya sa kin at hinawakan ang damit ko.

" Alam mo..kasalanan mo din naman eh kung bakit nangyayari sayo toh eh..kung sana hindi mo na ko kinalaban nung una hindi sana mangyayari sayo yung ganito..pero yan..nagmatigas ka..nagmayabang kaya tama lang sayo yan.."-Kira

Tumayo ako at inayos ang damit ko at tumakbo palayo sa kanila. Naramdaman ko yung pagtulo ng luha ko at bulungan ng bawat estudyante na madaanan ko. Pumunta ako sa rooftop para dun ilabas ang galit ko pero hindi na ko tumuloy kasi nakita ko si Kean na nandun at nakaupo. Habang nakatayo ako dun,rinig ko yung bawat paglabas ng sama ng loob nya.

"Sabihin nyo nga sa kin?? Ganun na ba ko kasama para mawalan ng kaibigan?? Ng taong minamahal?? Ganun na ba ko ka desperado?? Hindi naman diba?? Nais ko lang naman syang maipagtanggol eh...yun lang yung motibo ko..wala na..pero para pala sa kanya wala lang yun..ibig sabihin una palang pinaglaruan nya lang ako?? Pero ang sabi nya..gusto nya lang na malagay sa tahimik ang buhay ko..pero dahil sa ginawa nya..mas lalong gumulo. Para akong tanga na umaasa na tawagan o itext man lang nya ako. Siguro nga nakalimutan na nya ako..yung isip nakakalimot pero yung puso hindi eh..Hayy..para akong tanga na nagsasalita dito mag isa..kahit anong sabihin ko,walang sasagot.."-Kean

Napaupo na lang ako sa mga sinabi nya at pinunasan ang luha ko. Inantay ko na lang syang umalis saka ako pumunta sa inuupuan nya saka umiyak.

Kean's P.O.V

Habang naglalakad ako palayo sa rooftop,may napansin akong babawng nakaupo dun sa inupuan ko kanina. Tiningnan ko nang mabuti pero hindi ko talaga makita ang mukha. Hanggang sa napansing kong nag sideview sya ng upo. Teka,anong ginagawa ni Thea dito?? Diba dapat nasa klase na sya?? Pasimple ko syang pinuntahan hanggang sa napansin kong parang umiiyak sya.

"Hindi naman ako selfish diba?? Gusto ko lang naman talaga sya mailayo sa gulo eh..pero bakit parang ang dating sa kanya pinaglaruan ko lang sya. Hindi ko naman sya pinaglaruan eh..ginawa ko lang naman talaga yung dapat. Na kahit mahal mo ang isang tao pero nalalagay sya sa alanganin,kelangan mo syang pakawalan kahit na sobrang sakit. Saka tama na din siguro na maranasan ko naman yung hirap na naranasan nya."-Thea

Napabuntong hininga na lang ako saka naglakad papalayo sa kanya.

Thea's P.O.V

Habang naglalakad ako palabas ng university,bigla na lang akong sinabunutan ni Kira. Halos maubos na ang buhok ko sa ginawa nyang yun. Ni hindi na nga ako nakalaban eh.

"Nababagay lang yan sa mga katulad mo!!"-Kira

Inayos ko na yung buhok ko at naglakad palayo sa kanya,sa kanilang lahat. Bakit ba puro ng lang kamalasan tong nangyayari sa kin!!?? Habang naglalakad ako,nakasalubong ko si Kean kasama si Dean.

" Thea ikaw pala.."-Dean

Nagkatinginan kami sandali ni Kean pero ako na lang yung umiwas ng tingin sa kanya at tumakbo palayo. Narinig ko pa yung pagsigaw ni Dean sa kin pero hindi ko na lang yun pinansin.

Kean's P.O.V

Nasaksihan ko kanina yung ginawa ni Kira kay Thea. Wala akong nagawa kundi tumingin at pagmasdan sya. Para akong poste na nakatingin lang sa kanya habang sinasaktan ni Kira. Ni hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko. Gusto ko ng sapakin si Kira pero hindi ko magawa kasi parang may pumipigil na gawin ko yun. Nakarating ako sa bahay na tulala at iniisip pa din yung pangyayari kanina. Diba dapat hindi ako naapektuhan masyado sa ginawa nya kay Thea?? Pero bakit ganun na lang yung pangamba ko na baka gawin din nila kay Thea yung ginawa nila sa kin?? Dahil ba..mahal ko na din si Thea?? Kung ganun nga..bakit parang hindi ako sigurado sa nararamdaman ko?? Hayyyssss..gulong gulo na ko!!! Gusto kong kausapin si Thea pero di ko magawa...kanina nga nung nagkatinginan kaming dalawa para akong tanga na nakatingin sa pader na kahit kelan hindi titingin sa kin. Habang nakahiga ako sa kwarto ko,bigla namang tumawag si Dean sa kin.

On the phone..Dean

"Pre sa'n ka??"-Dean

" Nasa bahay..bakit??"-Me

"Punta ka sa min..kakauwi lang ni Papa.."-Dean

" Sige..antay mo na lang ako dyan.."-Me

End call..

Agad akong nagsuot ng scarp at lumabas ng bahay ng may mapansin akong grupo ng mga taong may binubully. Hindi ko sana sila pupuntahan pero kinatok ako ng konsensya ko eh..

"Hoy itigil nyo nga yan!!"-Me

Agad naman silang nagtakbuhan palayo. Tinulungan ko yung babae na makatayo..pero nagulat na lang ako ng makita ko si Thea.

" K-kean.."-Thea

Hindi na ko umimik pa at lalakad na sana palayo ng bigla syang nagsalita.

"Salamat.."-Thea

Naglakad na ko palayo at hindi na tumingin pa sa kanya. Narinig ko naman yung malakas na paghinga nya kaya naisip kong masyado akong naging harras sa harapan nya. Ni hindi ko man lang sya nilingon or ano man. Nagdiretso na ko sa paglalakad at hindi na inisip pa ang nangyari kanina.

ResetWhere stories live. Discover now