Chapter 5

31 2 0
                                    

Kean's P.O.V

Halos limang araw ko na ding di nakikita si Thea na pumasok simula nung nabugbog ako nina Baro. Siguro hanggang ngayon sinisisi nya pa rin ang sarili nya dahil sa nangyari sa kin. Isa pa hindi naman talaga nya kasalanan yun eh,may kasalanan din ako. Masyado akong nagpadala sa galit ko. Nandito ako sa canteen ngayon at mag isang kumakain ng lumapit sa kin si Dean. Si Dean kaibigan ko din sya at mabait din sya kay Thea.

"Uy bakit parang hindi ko na nakikitang pumasok si Thea??"-Dean

" Yun nga din ang pinagtataka ko Dean eh..Limang araw na syang di pumapasok..tinawagan ko naman si Tita pero laging out of coverage.."-Me

"Mas mabuti na sigurong bisitahin mo na sya. Baka kung ano ng nangyari dun. Bro hindi biro ang lumiban ng 1 week..."-Dean

Ngumiti lang ako sa kanya at diniretso na ang pagkain ko.

Thea's P.O.V

Almost one week na din akong di pumapasok. Nandito lang ako sa bahay,madalas sa kwarto at nagkukulong. Para bang ayaw ko ng pumasok at mabuhay pa sa labas. Mas gusto kong dito na lang mamalagi at saka isa pa gusto ko munang lumayo kay Kean para hindi na sya mapahamak pa.

" Anak pinapatanong ng teacher mo kung papasok ka na daw sa lunes??"-Mama

Tumango na lang ako at humiga sa kama. Saka ko nilabas ang sama ng loob ko.

Kean's P.O.V

Mag-a-alas otso na ng gabi at nandito pa din ako sa may kanto malapit kina Thea. Iniisip kung pupunta ba ko o hindi. Baka kasi ayaw pa nya kong makita eh. Baka ipagtabuyan nya lang ako pag nagkataon. Pero gusto ko na lang talaga malaman ang lagay nya. Bahala na nga..

Pagdating ko kina Thea,agad naman akong pinagbuksan ng Mama nya na halata namang nagulat sa pagdating ko. Pinaupo nya muna ko at kinuha ng maiinom.

"Si Thea po??"-Me

Napalunok naman ang Mama ni Thea at saka nagsalita.

" Nasa kwarto nya..limang araw nang nagkukulong. Ni ayaw nga lumabas ng kwarto o kahit pumunta sa sala ayaw nya. Sinusubukan kong kausapin sya pero tango at iling lang ang sinasagot nya...Nagkakasakit na din sya ng dahil dun.."-Tita

"Nasa kwarto nya po ba sya ngayon??"-Me

" Oo..bakit??"-Tita

"May kelangan lang po ako sabihin.."-Me

Pinuntahan ko na agad yung kwarto ni Thea. Nagdadalawang isip pa ko kung bubuksan ko ba toh o hindi pero naglaon binuksan ko na din. Nadatnan ko si Thea na naka upo sa sahig at nakabalot ng kumot. Halos magulat sya ng nakita nya kong binuksan ang pinto.

" A-anong ginagawa mo dito??"-Thea

"Thea.."-Kean

Habang lumalapit ako sa kanya,pilit syang nagbabalot ng kumot nya na parang natatakot sya sa kin. Hanggang sa makalapit na ko sa kanya,ganun pa rin sya. Nakatingin lang ako sa kanya habang sya iniiwas ang tingin sa kin.

" Bakit hindi ka na pumapasok??"-Me

"Ano bang pakelam mo??"-Thea

Nagulat naman ako sa bigla nyang pagsagot sa kin.

" Thea..may problema ba??"-Me

Hindi ko naman namalayan na sabay ng tumulo ang mga luha namin. Dun na nagsimula ang lahat ng sakit na mararamdaman ko.

"Pwede ba Kean..wag ka na magbulag bulagan?? Ako naman yung problema mo diba?? Ng dahil sakin naging miserable ang buhay mo..Yung dating
buhay mo na maayos naging magulo ng dahil sa kin. Isa pa hindi nababagay na ako ang maging kaibigan mo eh,isa lang akong taong pinanganak na malas."-Thea

Nakita ko yung unti unting pagtulo ng luha nya sa mga mata nya. Hahawakan ko sana sya ng bigla syang lumayo.

" Wag mo kong hawakan.."-Thea

"Thea look..hindi kita problema..kahit kelan hindi kita naging problema tandaan mo yan.."-Me

" Nakapag desisiyon na ko.."-Thea

"T-thea.."-Me

" Layuan mo na muna ko..mas mabuti pa sigurong wag na muna tayo mag usap..yun lang yung paraan para hindi ka na madamay pah..wag na wag mo kong ipagtatanggol pag may umaaway sa kin..hayaan mong maranasan ko ang lahat ng sakit na naranasan mo.."-Thea

Halos madurog ang puso ng dahil sa sinabi nya. Ngayon,puro iyak na lang makikita sa mga mata namin.

"Pero Thea.."-Me

" Kung mahal mo ko at marunong kang makaintindi,makukuha mo yung nais kong sabihin. Kean kaibigan kita..at ayaw kong nadadamay ka sa mga gulong pinasok ko..kaya kung pede lang.."-Thea

"Thea hindi ko kaya.."-Me

Inalis nya yung pagkakahawak sa kamay ko at umupo sa kama nya. Ako naman nakatayo lang dito at hinhintay ang sagot nya.

" Mas mabuti pa sigurong umuwi ka na.."-Thea

"Thea naman.."-Me

" Umuwi ka na!!!!"-Thea

Bigla naman akong nagulat sa pagsigaw nya na pati sya'y nagulat din. Bigla naman pumasok si Tita na tiningnan muna ako bago ang anak nya at lumapit sya dito.

"Sige na Kean umuwi ka na.."-Tita

Pinunasan ko muna yung luha ko saka nagsalita.

" Kung yun ang gusto mo..payag ako..mauna na po ko.."-Me

Narinig ko yung paghagulgol nya sa Mama nya habang ako nakatulalang lumabas ng bahay nila. Hindi ko maiwasan umiyak habang naglalakad pauwi sa min. Sobrang sakit neto at kasalanan toh ng Baro na yun. Kung di sana sya nagpasimuno sa pambu bully kay Thea,hindi magiging ganito kagulo yung sitwasyon. Umupo muna ko sandali at nilabas ang galit ko. Pilit kong iniisip na magkakaayos pa kami ni Thea pero pilit ko ding isinalaksak sa isip ko na ipinagtabuyan na nga nya ko. Ano pa bang paliwanag ang kelangan ko?? Kainis!!! Waaaahhhh!!!! Bakit!!!! Pinagsusuntok ko na lang yung poste hanggang sa di ko namalayang dumudugo na pala ang kamao ko. Bigla ko namang nalala yung aras na ginagamot ni Thea ang sugat ko at pinagsasabihan ako pag nagawa akong mali. Ngayon,wala na. Mag isa na naman ako. Wala na yung taong nagpapahalaga sa kin ng lubos. Kung nakakaya nya kong kalimutan,pwes makakaya ko din syang kalimutan. Yun lang ang paraan para mawala yung sakit. Pagkatapos nun,dumiretso na ako ng uwi at ibinabad ang sarili ko sa alak. Malas na buhay!!!

ResetWhere stories live. Discover now