Chapter 2

16.2K 641 76
                                    

"Aray...aray, aray—aray! Cinderella!"

"Ano ba? Maka-aray ka naman parang kinakatay ka!" Sigaw ko kay Yanyan habang kinakaladkad siya paalis. Sino ba naman kasing may gustong makipagsiksikan doon para lang panoorin iyong Juliet and friends na 'yon na rumampa sa daan? Kung sila, gusto, ako naman ay hindi! I personally think na mas maganda pa ako sa tatlong iyon. Duh! Nakakaasar, ang init-init na nga tapos gumagano'n pa. Aba, matindi.

"Paanong hindi ako aaray kung makahila ka sa'kin, wagas! Kanina pa ako natitisod dito, oh. Asar ka!" reklamo niya sa'kin.

Huminto ako kaya napadiretso siya sa akin dahilan para mabunggo niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay at hinawakan ang bag ko na animo ay may kukunin. "Kinakalaban mo na ako, Yanyan?"

Ngumiti naman siya ng alanganin, mukhang na-gets na niya agad ang maitim kong balak sa kanya. "He-he. Sabi ko nga hindi, eh. Bilis, kaladkarin mo pa ako!"

Dinedma ko lang siya bago hilahin ulit. Naghiwalay lang kami nang lumaon dahil doon daw siya sa building na para daw sa mga engineering students. Eh, ako sa isang building ako, basta building din iyon, tapos ang usapan.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na, si Yanyan? Isang aspiring engineer? Parang...wow lang, ah. Ni hindi nga 'ata marunong mag-subtract 'yon. I'm taking comsci pero siya, course ng mga mababagsik ang kinuha! Ang taas lang talaga ng pangarap ng loka-lokang 'yon. Pero malay ko ba kung may tinatago pang brain cells ang babaita.

Naglakad-lakad lang ako habang hinahanap yung building. Hay, nako naman, bakit naman kasi sobrang laki ng school na 'to! Pwede namang isang buong super mahabang building na lang ang pinagawa nila tapos organized na lahat ng rooms para hindi na pahirapan maghanap o kaya sana, may taga-assist sa bawat student na papasok para walang naliligaw, hindi 'yong pagkatapos ibigay ang schedule mo, ikaw na ang bahala sa buhay mo.

"Mine!"

"Ay, mine!" napasigaw ako sa gulat. Hindi talaga magandang umiinom ng kape sa umaga, eh, nagiging magugulatin ako.

Sino ba kasi yung nasigaw na 'yon? Ang ew lang maka-mine. Anong year na, 'te! Hindi na ito jejemon era! Lalakad na sana ako nang may biglang humila at yumakap sa aking babae na hindi ko naman kilala kung sino. Nilayu-layo ko siya sa akin dahil kinikilabutan ako sa mga skin contacts na gano'n. Pero in fairness, mabango, pak!

Napatingin ako sa kanya at medyo nagulat. Sabi na, eh, naglulumandi lang 'tong si Juliet! Nagtaka naman siya sa ginawa kong pagpapalayo sa kanya at talagang kumapit pa sa braso ko. "Is there a problem, Mine?"

Nanindig ang mga balahibo ko sa tinawag niya sa akin pati do'n sa you know where ko. Tinapik ko ang braso niya palayo. "Wow, ah, kailan pa naging Mine ang pangalan ko?"

"Eh...I don't know your name yet that's why I called you mine." Napakamot siya sa ulo nya. Binigyang diin niya pa talaga yung huling word.

"Oh, my gosh." Tumingala ako at hinawakan ang magandang ilong ko. "Nosebleed!"

Napaka-ano naman ng babaeng 'to, hindi ba 'to marunong mag-Tagalog? Shems, duduguin na yata ako! Pwede bang magback-out tapos magbakasyon na lang ulit ako ng isang taon pa sa bahay? Hindi ko keri.

"Juliet name mo, tama?" Tanong ko sa kanya, naninigurado lang kahit alam ko naman na talaga.

"Yup!" hyper na sagot niya. Ang saya masyado, matutuwa na ba ako niyan? Inirapan ko siya pero mukhang wala lang sa kanya.

"Ganito, instead na tawagin mong mine lahat ng taong hindi mo kilala, gumawa ka na lang ng maganda, okay?" Iminuwestra ko ang kamay sa paraang maiintindihan niya. "O, tara, hanapin natin yung room ko para naman may pakinabang ka."

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon