Chapter 36

6.1K 198 11
                                    

Cindy's

Suminghot ako. Sinubukan kong huminga ng dahan-dahan pero sa tuwing biglang nagf-flash sa utak ko yung letseng nakita ko ay bigla akong napapahagulhol. Anak naman ng—!

Tinakpan ko ang bibig ko, baka-sakaling mabawasan ang pag-iingay ko. Letse kasi, eh. Nagsisisi tuloy ako na pumunta pa ro'n sa impyernong lugar na iyon. Langit siya dati. Ngayon hindi na!

Kinapa ko yung feelings ko. May part sa akin na galit, meron ding nasasaktan. Pero sa kabila no'n, may bumubulong pa rin sa isip ko na hingan siya ng paliwanag kung bakit gano'n ang nakita ko. Hayaan siyang magsalita at ipagtanggol ang sarili niya. Pero kapag bumabalandra yung pagmumukha ng hayop na Romeo na 'yon automatic na lumilitaw ang sungay ko. On the second thought, mas gusto ko silang pahirapan at itapon sa magkabilang bahagi ng universe.

Pero...napasinghot ulit ako. Shit naman 'tong uhog na 'to, walang pakisama. Tulo ng tulo!

Ano nang gagawin ko? May gagawin ba ako? Makikipag-break? Hahayaan siyang magpaliwanag? Hindi siya papansinin? Gaganti? Nakakainis yung ganitong wasak na wasak ang puso mo. Ang korni pero mahalaga pa ba iyon kung hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit yung nakita ko? Masasabi mo pa bang korni kung parang gusto mo na lang makalimot at isipin na hindi yung taong mahal mo ang nakita mong hinalikan ng iba. Kasi ako, kahit nakita ko na ng sarili kong mga mata, parang mas gusto ko na lang isipin na hindi si J...hindi si Juliet ang nakita ko.

Letse talaga. Nakakaletse. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi ng matino. Ni hindi ko na maalala kung paano ako napadpad sa kwarto ko.

Bumangon ako at napatingin sa salamin, ang ganda ko pa rin. Maga lang ang mata ko, mapula ang buong mukha at sagana sa luha ang pisngi. Magulo ang buhok—mahaba na pala talaga ang hair ko. Kung paputulan ko kaya? Kasi gano'n ang ginagawa ng mga brokenhearted, di ba? Hindi ko nga alam kung anong sense no'n.

Bumalik ako sa kama. Basa ang unan ko. Ilang oras na ba akong umiiyak? Ilang oras ko na bang kinakawawa yung sarili ko? Yung mata ko? Ilang beses na ba akong nagd-drama?

Nagpalit ako ng punda ng unan. Pumasok ako sa banyo at naghilamos. Tiningnan ko ang sarili ko at nagbuntong-hininga. Cindy, hindi mo kailangang mag-deny na masakit ang puso mo. Pero huwag mong kakalimutang mag-ayos. Hindi ikaw ang nanloko. Huwag kang magmukhang kawawa. Hindi maganda sa image ng lineage nating mga dyosa.

Wala sa sariling napatango ako. Pero kumawala na naman ang makukulit kong luha nang sumagi si Juliet sa isipan ko. Anak ng! Nalintikan na! Ganito ba kalakas ang tama ko sa kanya? Malamang.

Naghilamos ulit ako at lumabas na nang masigurado kong ayos na ako. Nagpalit na rin ako ng damit bago lumabas ng kwarto at dumiretso ng kusina.

Ice cream para sa nag-iisa naming 'dyosa ng kagandahan'. Sana maging okay ka na. Nasa kwarto lang kami, don't disturb ;)

With sarcasm and love,

Ate Steff and Yanyan

Ayan ang nakita kong nakasulat sa sticky note na nasa ref. Hindi ko alam kung matutuwa ako o pagsasapakin sila, eh. Pero sa huli ay napangiti na lang ako. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. At least kahit pang-asar ako sa kanila ay alam kong hindi nila ako iiwan. Mas lalong nadagdagan yung reason ko na huwag nang mag-emote. May Steff and Yanyan naman ako, eh, tsaka may ice cream!

Pagkakuha ko ng pakay ay kaagad ko itong nilantakan pero napakunot ng bongga ang noo ko dahil sa brain freeze. "Ang ulo ko!"

Nang maka-recover ay sumubo ulit ako. Sarap. Cheese flavor. Sumubo pa ulit ako. Basta, kakain ako.

--

Bagong araw na naman. May pasok na, pero ito ako. Nakahilata pa rin sa kama. Walang balak kumilos. Nakakatamad. At inaantok pa ako.

"Cindy?"

Hindi ko pinansin yung kumakatok kong pinsan sa pinto. Hindi ako sumagot pero napaubo ako. Tumikhim ako at tumihaya. Ang sakit ng lalamunan ko. Sukat ba namang ubusin ko lahat ng ice cream na nakatambak sa ref. Inaway pa nga ako ni Yanyan kasi hindi man lang daw ako nagtira. Pakialam ko ba. Sa gusto kong lumamon, eh.

Dumilat ako at tumambad sa akin ay siyempre...iyong nagmamalinis na kisame. Ang bigat ng pakiramdam ko.

"Cindy, papasok pa tayo."

Nakarinig na ako ng mahinang pagkalikot sa doorknob ng pinto. Maya-maya lang ay nasa harapan ko na ang pinsan kong nakapameywang na sa akin. Pero hindi siya mukhang naaasar. Seryoso lang yung expression niya. Pumikit ako.

"Hindi ka ba papasok?"

"Hindi."

"Bakit?"

Hindi ako sumagot. Narinig ko siyang huminga ng malalim. Nagtalukbong lang ako ng kumot. Bakit sobrang lamig ngayon?

"Cindy, papasok na 'ko, ha?"

Ungol lang ang sinagot ko at pumikit na. Seconds later ay narinig ko ang pagsara ng pinto. Buti naman umalis na siya. Himala nga na hindi siya nangulit, eh.

Binaba ko ang kumot at mabilis na nasilaw. Parang masyado yatang maliwanag. Mabubulag ako nito, eh. Babangon pa sana ako para patayin yung ilaw pero kaagad akong bumagsak pahiga nang umikot ang paningin ko. Kumunot ang noo ko nang umindayog ang kama na lalong nagpatindi ng pagkahilo ko.

Kinapa ko ang leeg ko, ang noo, maging ang bandang likuran ko. Mainit. Mainit din ang pakiramdam ko sa loob pero malamig naman sa labas. mas hinapit ko ang kumot palapit sa akin. "Naman, oh. Mukhang nilalagnat pa ako."

Ako na, ako na ang pinakamasuwerte!

Ako na ngang nasaktan, ako pa ang lintik na nagkasakit. Nako naman. Kapag talaga namang inatake ka ng kamalasan, oo. Kung sabagay, kasalanan ko rin naman. Umiyak ako ng sobra, inubos yung ice cream, at halos hindi ako nakatulog kagabi.

Naambunan nga rin pala yata ako habang pauwi. Bwisit!

Nasapo ko ang noo. So ganito kapag sawi? Lahat ng misfortune ay masasalo ko ng isang bagsakan? No way.

Sinubukan kong bumangon. Kahit nahihilo ay nagawa kong lumabas ng kwarto. Nagugutom ako. Gusto kong kumain. Kailangan kong kumain. Hindi bale nang nilalagnat basta kakain ako! At manonood! Yung horror!

Isinama ko yung laptop sa pagbaba kasama na yung kumot ko. Feeling ko may snow sa sobrang lamig, eh. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng gamot. Nag-init din ako ng tubig at kumuha ng limang cup noodles.

Nang okay na ay naupo ako sa upuan at pinatong ang laptop at ang luto nang noodles sa ibabaw ng lamesa. Yakap ko ang kumot habang nagre-research ng mga horror movies na pwede kong mapanood. Ito na ang tamang panahon para harapin ang mga kinatatakutan ko sa walang kupas na slasher at horror films. Lulubusin ko na habang sinasaniban pa ako ng kaabnormalan.

Nang makahanap ng unang movie ay kaagad ko na itong inumpisahan kasabay ng paglamon ko sa instant noodles.

Hah! Walang nakakatakot sa taong brokenhearted at kasalukuyang nilalagnat!

--

Makalipas ang ilang oras na panonood at pagsaksi sa nagliliparang organs at nakakakilabot na sigaw...

Hindi ko na halos maipikit ang mata ko. Parang tumirik na yata ang mga lamang loob ko sa nakita. Feeling ko ay lalo akong nilagnat. Sumasayaw na yata lahat ng kinain ko sa loob ng aking tiyan. Lahat ay nasa panic mode at ang resulta ay ang walanghiyang paninigas ng katawan ko.

Sumulpot ang isang nakakatakot na nilalang sa harap ng screen at nakakokolokong ngumiti ito parang sinasabi sa akin na, "O, ano, kaya mo pa?"

"M-m...mama!" Nahihintakutang tawag ko sa nanay kong nasa ibang lupalop ng mundo.

Hindi na ako manonood ng horror at slasher film kahit na kailan!

_____

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon