Chapter 46

6.5K 206 0
                                    

Cindy's

Napapikit na 'ko sa sobrang antok. Karma ko na yata 'to. Nagpaka-hayahay mode kasi kami sa thesis namin kaya ngarag na ngarag ako, I mean, kaming lahat ng ka-group ko. Buti na lang nairaos namin yung defense namin kanina kahit na rush yung mga pinaggagawa namin do'n. Puro kalokohan! Hindi na ako uulit! Mahirap pala magpabaya, kaloka.

Buti na lang pasado kahit ang sarap saksakin ng mga panelist sa sobrang dami nilang tanong. OA kasi! Hahanapan at hahanapan talaga ng butas yung ginawa ninyo, eh. Walang magawa sa buhay. Tse! Hay nako, kapag ako naging prof, hah! Wala lang. Ayoko nga, 'di ko bet. Napabuntong hininga ako, nababaliw na yata ako. Defense is real pala talaga.

"Huy!"

Parang umangat yung mga lamang-loob ko nang may biglang humawak sa balikat ko. Bad trip na pinanlisikan ko si Yanyan na may dalang pagkain. Ngingiti-ngiti siya sa'kin.

"Gusto mo?"

"Bwisit ka." Napairap ako sa kanya. Buti pa siya mukhang relax na relax lang. Baliwala na umupo lang siya sa upuan sa harap ko sabay abot sa akin ng isang styro na may lamang pagkain, edi tinanggap ko. Sinong tatanggi sa grasya? Uupakan ko. "Anong ginagawa mo rito?"

"Uhh, kakain?"

Tumaas ang kilay ko. "Sapak, gusto mo?"

"Joke lang!" Depensa niya. "Wala kasing prof. Eh, nagutom ako. Tapos nakita kita," Nagkibit siya ng balikat. "Edi binilhan na rin kita. Bait ko, 'no?"

"K." Walang ganang sagot ko kaya sumimangot siya. "Thank you." Mahinang bulong ko pero sure naman akong narinig niya kasi ngiting wagas na ang bruha.

Sabay na kaming kumain. Um-order pa nga siya ng ice cream. Nawala na rin yung antok ko. Hay, sa bahay na lang siguro ako babawi ng pahinga.

"Kamusta yung defense ninyo?" Tanong niya pagkatapos ng ilang minutong paglamon. Pero sa totoo lang may laman pa rin yung bibig niya. Matakaw!

"Pasado." Maikling sagot ko. Actually, lambot na lambot ako. Wala nga ako sa mood magmaganda ngayon, eh. Hay.

"Edi congrats!" Masiglang bati niya, "Eh, yung kina Juliet?"

Natigilan ako bigla. Bigla akong nakaramdam ng pagka-miss sa babaeng 'yon. Since pare-parehas kaming busy nitong nakaraang araw para do'n sa defense, hindi na rin niya ako masyadong nagulo. Nag-ala ermitanyo kami dahil do'n. Yung balak ko ngang pagkausap kay Nikki hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagagawa. Hindi naman kasi kami nakakapag-usap ng matino sa classroom, wala na siyang ginawa kung hindi pumorma sa'kin. Eh, si akong wala sa mood, halos isaksak ko na sa kanya yung ballpen ko para lang manahimik siya.

"Hoy, Cindy! Earth to Cindy!" Agaw-pansin sa'kin ng kasama kong babaita kaya natauhan ako. Napailing na lang ako. Bangag na ako!

"Pasado rin sila." Sagot ko. Hindi ko nakita yung actual defense nila pero nakita ko yung ngiti niya pati ng mga ka-group nito paglabas nila ng pinto. Ibig sabihin success din. Iyon na yung last na nakita ko siya kasi inaya na siya ng mga kasama niya. Tapos ako, ito, solo flight kasi wala ako sa mood. Kung pwede lang na umuwi na, eh.

"Iba talaga kapag matalino!" Komento niya sabay lantak do'n sa chocolate-flavored niyang ice cream. "Oo nga pala, nakita ko na yung sinasabi nilang Nikki na sis ni fafa Romeo."

Tumaas yung kilay ko sa narinig kong kalandian sa tono ng boses niya. Magagahasa talaga 'to ni Ate Steff, eh. Buti na lang wala rito. Napaka!

"Ang ganda pala niya, 'no? Haba ng hair mo, ah! Mga diyosa humahabol sa'yo!"

"Malamang, diyosa ako, eh."

"Weh?"

"May gusto kang sabihin?" Makamandag na tanong ko pagkatutok sa kanya nung tinidor. Nag-peace sign naman siya at umiling. "Good."

"Pero anong plan mo? Sa kanilang dalawa?" Walang halong kamalisyahang tanong niya. "Kasi, 'di ba, alam naman nating love-love mo pa rin si Juliet. Paano si Nikki?"

"Ewan ko rin," nasagot ko na lang. Hindi ko naman talaga alam yung gagawin. Ang tigas din kasi ng ulo ni Nikki, gagawin niya talaga ang gusto niya.

"Babalikan mo pa ba si Juliet? Kung ayaw mo, akin na lang." Mabilis pa kay Flash na dumukwang ako para hilahin yung buhok niya. Letse 'to! Landi-landi! "Aray!"

"Gusto mong masumbong kay Ate?"

"Joke lang, eh! Napakaselosa mo!"

Wala sa ayos na binitawan ko na siya bago umayos ng pagkakaupo. Nakanguso naman siya sa akin pero hindi naman effective yung pagpapaawa kuno niya. Nakakairita, eh. "Ilulugar mo 'yang joke mo! Letse ka."

"Sorry na. Alam mo namang loyal ako kay Steff bebe." Medyo kinikilig na sagot niya.

Kinilabutan naman ako nang marinig ko yung word na bebe sa sentence niya. Jusme, ang korni! "Hindi ko alam na loyal ka."

"Loyal ako!"

"K." Napakahabang sagot ko. Nanahimik na siya pagkatapos no'n. Busy na siya sa ice cream niya, eh.

Pero ako napapaisip na. Ano na nga bang gagawin ko? Sa kanilang dalawa? Kasi kung ako lang, babalikan at babalikan ko talaga si Juliet.

Pero bakit hindi pa ngayon?

Tingin ko kasi hindi pa ito yung right time para mag-decide para sa gano'ng bagay. Pero kung tutuusin, kung hindi kami nagka-problema, kung hindi ako nakipag-break, malamang kami pa rin. Hay. Ang gulo!

"Cindy."

"Bakit, Yan?" Napalingon ako sa kanya, saka ko lang napansin yung serious expression niya. Paminsan-minsan lang yung ganyang pagmumukha niya kaya tingin ko may sasabihin siyang importante.

"Hmm, balak na kasi namin mag-out kina Mama. Pati na rin sa Mama ninyo." Ngumiti siya ng tipid. "Gusto ko rin naman maging legal kami."

Hindi kaagad ako nakapagsalita. Ngayon ko lang na-realize na mas mabigat pa pala yung situation nila sa akin. Samantalang ang problema ko lang naman ay kung paano puputulin 'tong mahaba kong hair. "Paano kapag nagalit sila? O kaya hindi kayo natanggap? Kasi kahit hindi ko naman sabihin, alam ninyo kung ano yung sasabihin nila."

"Iyon nga, eh," Kabadong tumawa siya. Natunaw na yata yung ice cream niya, nililikot na lang niya kasi. "Medyo natatakot ako. Normal lang naman 'yon, 'di ba? Naiisip ko na nga lahat ng possibility, eh." Huminga siya ng malalim. "May maganda at saka hindi maganda."

Hinawakan ko yung kamay niya na nasa ibabaw ng lamesa. "Hayaan mo, nandito lang naman kami."

"Thank you."

Parehas na lang kaming nakangiti. Minsan lang yung ganitong heart to heart talk naming magpinsan kaya hindi muna ako maninira ng moment. Pero sana nga matanggap ng family namin yung relationship nila. Matatanda na naman 'tong pinsan ko pati si Ate, eh. Sus! Kaya nila 'yan! With matching pompoms pa!

Natigilan ako nang may magtakip bigla ng mata ko. "I missed you." Bulong ng isang familiar na boses sa tainga ko.

Mabilis na inalis ko yung kamay niya sabay irap sa kanya. "Para kang sira, Nikki, ah."

Humagikhik lang ang bruha bago naupo sa may tabi ko. Si Yanyan naman ay parang ewan lang na pinagmasdan kami.

"Hindi mo ako na-miss? Na-miss pa naman kita."

"So?" Pagsusungit ko. Minsan naiisip ko baka may tama na 'to sa utak, eh. Masyadong mahangin.

"Wala lang. Date tayo?"

"Ayoko." Mabilis na sagot ko. Then, bigla kong naalala na may kailangan pala ako sa kanya. "Kailangan nga pala natin mag-usap, hoy."

Nagningning yung mata niya. "Sasagutin mo na ako—"

"Hindi." Putol ko. "Mag-uusap tayo, maliwanag?"

"Okay!"

Tumango lang ako. Kailangan nang ipaliwanag ang dapat ipaliwanag. Pero inaantok talaga ako!

_____

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now