Chapter 27

6.5K 235 16
                                    

Yanyan's

"Steff?"

"Steff?"

"Uy."

"Ano!"

Napalunok ako nang naiiritang nilingon niya ako. Huhu! Ang taray ni Steff ngayon! Ano ba kasing ginawa ko?

Kanina pa kami magkasama dito sa kwarto ko. Actually kanina pang umaga pero kasi...kinakabahan ako. Hindi ko nga alam kung anong palusot yung mga pinagsasabi niya kay mama kaya hindi ako pinapasok, eh. Hindi ko rin alam kung nagtataka ba sina Cindy o hindi. Pero sure ako na walang pakielam yung babaeng 'yon.

Since kanina pa rin walang imik si Steff, nandito lang kami sa kama. Nakaupo ako at nakasandal sa headboard tapos siya ay nakahiga lang at kanina pa nakahawak sa kamay ko, pero, pero...ayaw niya talaga akong kausapin!

"Bakit ba ayaw mo akong pansinin?" Tanong ko. Hinihintay ko siyang sumagot pero wala. Nga-nga lang, ang snob niya po.

Napabuntong hininga na lang ako at tiningnan siya na nakapikit lang pero halata naman na hindi siya inaantok. Nakakunot kasi yung noo niya tapos sobrang firm ng pagkakatikom ng bibig. Nakakatakot tuloy kasi parang galit siya na ewan.

Siguro galit nga siya? Kasi baka ayaw niya na may isa pang nanliligaw sa'kin. Eh, kasi. Anong magagawa ko, ang gwapo kasi ni Renzo. Tsaka ang bait niya talaga, as in! Mabait na, matalino pa, gwapo pa. Saan ka naman doon, 'di ba? Pak na pak, yummy!

Pinagmasdan kong maigi si Steff. Itong si Steff, nanliligaw din sa'kin. Parang nakakailang na ewan pero okay lang naman sa akin, at saka isa pa hindi naman talaga kami magpinsan kahit iyon ang tingin ng ibang tao na hindi alam kung ano ba talaga ang situation. Maganda rin naman 'tong babaeng 'to, eh. Makapal ng slight yung kilay niya pero nakakadagdag ng appeal, parang ang fierce ng dating. Mahaba din ang pilik-mata niya, kainggit nga, eh. Yung sa'kin kasi kailangan pa ng extension. Cute naman! Tapos medyo brown yung kulay ng mata niya lalo na kapag tinatamaan ng liwanag ng araw, mas visible yung itim ng mata niya sa gitna. Feeling ko nga bampira siya kapag gano'n.

Bumaba ang tingin ko sa ilong niya na medyo matangos, hanggang sa lips niya. Eh, basta pouty yung dating ng labi niya hindi katulad ng kay Cindy na manipis at pinkish. Mas mapula kasi ang kay Steff. Napatingin din ako sa leeg niya at napansin ko yung tatlong nunal malapit sa jawline niya. Ang astig kasi, tatlo talaga. Tsaka sabi nila kapag may nunal daw sa leeg, habulin daw ng lalaki.

Totoo kaya 'yon? Parang kasi. Naalala ko dati noong nag-aaral pa lang sa college si Steff, may lalaking dumadalaw no'n sa bahay nila, basta parang nanliligaw yata sa kanya. Akala ko pa nga sila na no'n, eh. Pero hindi pala kasi nagulat na lang ako na tumigil na siya sa pagdalaw sa bahay pero napapansin ko na umaaligid siya malapit sa bahay nila. Oh, 'di ba. From manliligaw to pagiging stalker. Marami pang nanligaw sa kanya noon pero wala naman siyang sinagot. Pero tanda ko na nagka-boyfriend siya noong high school. Ang haba ng hair, kainis.

Ako kaya, kailan magkaka-boyfriend?

Mabait din si Steff, lalo na kapag may problema kami, nandiyan siya para tumulong. Pero may kasamaan din 'yan ng ugali lalo na kapag may topak. Halimbawa na lang kapag binibiktima niya ko ng mga kamanyakan niya.

Matalino? Oo. Matalino talaga, tamad lang siyang magturo sa amin noong highschool kami ni Cindy. Ewan ko ba kung paano niya nagagawang makasama sa top noon. In born na yata sa kanya ang matabang utak. Matalino din naman ako─sabi ng tatay ko, he-he. Kaso nanay ko lagi akong nilalait.

"Okay lang pagpantasyahan ako pero sana may kasama na ring kiss para maganda."

"Baliw!" Namumulang sagot ko. Nakatingin na pala siya sa'kin pero 'di ko napansin!

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now