Chapter 28

6.7K 232 5
                                    

Cindy's

"Nasakit na ulo ko!" Naiinis na sabi ko habang pinipilit na dugtungan yung ginagawa ko sa thesis namin. Badtrip kasi, bakit may mga ganito pang kalokohan! Jusko papatayin nito lahat ng estudyante.

"Cindy, gusto mo ako nang tumapos?" Tanong ni Juliet habang nakatingin sa'kin na parang nag-aalala.

Umiling lang ako at tiningnan siya. Mas kaawa-awa pa siya sa'kin, dalawang layer na yung eyebags niya dahil kulang siya sa tulog dahil sa thesis namin. Namumutla na rin yung lips niya, mukhang dehydrated na rin. Paano, ginagawang tubig yung kape, aba malala pa siya sa adik kung uminom!

Bumuntong hininga ako. Per group naman talaga yung thesis, kaso sa kinamalas-malasan, irregular yung mga naging kasama namin, at ang mas masama pa, may mga research din silang tinatapos sa ibang subject. Kaya ito, nagse-send lang sila ng mga kailangan namin tapos yung iba na hindi na nila magawa, kami na ang umaayos.

Parang gusto ko nang huminto, buset! Kung hindi lang importante yung scholarship ko, nako, hindi ko talaga 'to tatapusin!

"Juliet, sleep ka muna. Mukha ka ng zombie." Sabi ko sa kanya habang hinihila siya patayo. Nandito kasi kami sa living room ng bahay namin, dito kami nagawa dahil kapag nakakakita ako ng kama ay natutukso akong humiga. Baka magulat na lang ako na umaga na kasi nakatulog na pala ako.

Sumimangot siya sa'kin kahit napapapikit na siya. "Pangit na ba 'ko? Hindi mo na 'ko love?"

Natawa tuloy ako hanggang sa makarating na kami sa kwarto ko. "Baliw ka talaga. Siyempre maganda ka pa rin," Hiniga ko siya sa kama at hindi naman ito kumontra. "Mas maganda lang aketch."

"Hindi mo na 'ko love?" Ngumuso siya sa'kin kaya pinisil ko yung lips niya.

"Hulaan mo," Pakanta kong sagot.

"Cindy!"

"Whut?" Tanong ko na nagfe-feeling magkaro'n ng accent.

"Cindy!"

"Ano nga?"

"Hindi mo 'ko love?"

"Hulaan mo nga." Natatawang sagot ko. Tigas talaga ng ulo ko. Inaantok na yung tao pero inaasar ko pa rin!

"Cindy naman, eh..." Nakapikit na siya at halatang antok ang boses.

"Love kita kaya matulog ka na, sige na." Hinawi ko yung buhok na nasa mukha nito and hinalikan siya sa forehead. "Ako na muna bahala. Sleep."

"Pa'no ka?"

"Okay pa 'ko. Tulog na."

Umungol siya at tumango. "I love you."

"Hm," Tumango ako at tinaas yung kumot hanggang balikat niya, medyo nilakasan ko na rin yung AC dahil mas sanay siyang malamig. "I love you too."

Hindi na siya sumagot no'n at mukhang na-knock out agad siya kaya lumabas na 'ko ng kwarto. Dumiretso muna ako sa kusina para magtimpla ulit ng kape bago dumiretso sa living room kung saan naghihintay ang mahiwagang laptop ko. Bakit mahiwaga? Kasi nasa loob niya ang bangungot ko─thesis content.

Umupo ako at sinimulan na ang pagtipa sa laptop, maya't maya rin ako kung magbasa ng mga reference sa libro na meron ako. Karamihan nang nandito ay ninakaw pa namin sa library sa mansiyon ni Juliet. Isasauli naman namin.

Chineck ko rin yung Facebook ko, nagbabakasakaling online yung mga hinayupak kong ka-group pero sa kasamaang palad...wala. Walang online. Mga loko 'yon, mukhang sinasadya nilang huwag magparamdam ngayon.

Nako, kung pwede ko lang silang pagsasapakin ngayon ginawa ko na! Hay, buti na lang may natutulong sila kahit papa'no. Naiintindihan ko naman din yung lagay nila kaso feeling ko pagkatapos nito masisiraan na 'ko ng bait!

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora