Chapter 44

6.1K 208 21
                                    

Cindy's

"Sabay ka na sa akin mag-lunch."

"No. Sa akin ka na sumabay."

"Ililibre kita."

Tumingin ng masama si Juliet kay Nikki na chill lang nakatitig sa akin, ni hindi man lang apektado sa karibal niya. "I can treat her, too."

"So?"

"So back off." Tsinupi siya ni Juliet na akala mo ay asong pinapalayas lang. Parang gusto kong ngumisi na parang gustong kiligin. Ang cute niya kasi magmaldita. "I came to her first."

Tumaas naman yung kilay ni Nikki. "Oh. Okay." Baliwalang sagot niya bago ako harapin ulit. Ngumiti siya ng ubod ng tamis. "So, sabay ka sa akin mag-lunch?"

"Hey!"

"What?"

"I told you to back off!"

"Eh, ayoko."

"Nikki!"

"Yes, Juliet?"

Tiningnan siya ng matalim ni Juliet. Feeling ko, kaunting push na lang magp-pout na siya, eh. Parang inaping bata.

Pero hindi ako natutuwa. Nas-stress ako! Nakakaloka! Kung ganito kahirap magkaroon ng maraming manliligaw, aba, saludo na ako sa mga chicks diyan sa tabi-tabi na talagang pinipilahan!

Hindi ito keri ng diyosa! Juicecolored!

Nagsimula na naman silang magtalo. Feeling ko nga, naging invisible na ako sa harap nila. Eh, kung sila na lang kaya yung magligawan, ano?

Pasimple akong naglakad paalis. Sa ganitong situation, talo ang diyosa. Kailangan ko munang umalis at baka mamaya bigla na lang nila akong pag-agawan ng literal. Mahirap na, ganda ko pa naman.

Nang makalayo ay mabilis akong naglakad-takbo. Wooo! Narinig ko pang tinawag nila yung name ko pero kiber ko sa kanila! Ha! Mukha nila! Nag-decide ako na sa labas na lang ng school maghanap ng makakainan. Baka mamaya hinahanap na ako nina Nikki sa canteen. Naku, baka sunugin ko sila ng buhay kapag nabanas ako! Huwag ako!

Sinubukan kong tawagan si Yanyan, baka sakaling samahan niya ako kumain kaso unattended! Mukhang naka-silent ang phone ng babaita! Nakaramdam yata. Madalas ko pa naman tawagan 'yon kapag free ako or tipong ganitong time.

"Cindy?"

Napahinto ako at napakunot ng noo nang makita ko kung sino yung tumawag sa akin. Kulang na lang tuluyan nang magdugtong yung kilay ko. May mga kasama rin siyang tatlong lalaki—yung isa mukhang malnourished sa pagkapayat, nasobrahan naman sa busog yung nasa gitna, at yung panghuli ay mukhang sakto lang—saktong tao.

"Cindy," Mukhang kinikilala niya pa ako. "Cindy, right?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "So, gusto mo ipaalala ko pa sa iyo yung ginawa ko?" Tanong ko na ipinapaalala yung kasadistahang ginawa ko noong nahuli ko sila ni Juliet. Parang biglang uminit yung ulo ko. Napangiwi naman siya at umiling. Sayang.

"P're," tawag sa kanya ni Chubs, "Chicks mo ba 'yan? Ganda, ah. Pero mukhang mataray."

"Oh, thanks," singit ko, "I know, maganda talaga ako." Nag-flipped ako ng hair bago umirap. "Pero hindi ako chicks niyang p're niyo. Asa siya." Tiningnan ko ng masama si Romeo. "Sawa."

Muling napangiwi ang mokong sa sinabi ko.

"Sawa?" Sabi ni malnourished guy. "As in yung ahas?"

"Hindi, snake." Pamimilosopo ko na may halong pagtataray. "Kain-kain din kasi 'pag may time." Komento ko. Gusto ko pa nga sana dugtungan kaso next time na kapag nakita ko ulit sila.

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora