Chapter 35

6.1K 207 2
                                    

Yanyan's

"Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ni Steff pagkarating niya. "Bakit malungkot ka?"

Umiling ako at seryoso siyang tiningnan. "Nag-aalala ako."

"Sa'kin?" Biro niya kaya medyo natawa ako.

"Sira! Hindi." Napabuntong hininga ako. "Nag-aalala ako kay Cindy."

Nang narinig niya yung pangalan ni pinsan ay saka pa lang siya nagseryoso. Binaba niya yung gamit niya and tumabi sa'kin. "Bakit?"

"Hindi ko nga alam, eh." Sagot ko kaya napakunot siya ng noo. "Basta nanonood lang ako kanina sa YouTube tapos pagdating niya nakita ko siyang umiiyak."

"Bakit daw?"

"Ewan ko, tinanong ko naman siya kaso hindi niya 'ko pinansin, eh. Ayoko namang mang-usisa, baka masapak ako no'n." Sabi ko. Pinigilan ko pang huwag kilabutan nang ma-imagine ko yung pwede niyang gawing kasaditahan.

Pero mas lamang pa rin ang pag-aala ko. Hindi ako sanay na makita siyang gano'n. Actually ngayon ko lang siya nakita ulit umiyak at kilala namin ni Steff si Cindy na hindi iyakin. Yung huling beses na umiyak siya is noong nawala yung papa niya, kaya nga hindi namin siya pinag-uusapan.

Kaya sure ako na may malalim na reason kung bakit naiyak siya ngayon. Matapang si Cindy, eh. Never ko siyang nakitang gano'n, na parang mahina. Parang mas gusto ko na lang isipin na alien yung nakita ko at hindi siya. Mas katanggap-tanggap 'yon.

Napatingin ako kay Steff nang bigla niya 'kong hilahin patayo para pumunta sa kwarto ni Cindy. Napalunok tuloy ako, jusko, ayoko pa mamatay! "S-Steff, hinay-hinay lang. B-baka pagbukas natin ng pinto may lumipad na k-kutsilyo sa mukha natin."

"I don't care."

Napa-pout ako. Fine, iilag na lang ako kapag merong lumipad.

Sunud-sunod na katok ang ginawa niya sa pinto ng kwarto ni Cindy kaya para din akong tanga na hindi mapakali sa puwesto ko. Gusto ko na nga sanang tumakbo palayo kaso hawak-hawak nitong babaeng 'to ang kamay ko. Cindy, please lang, ayaw ko pang mamatay!

"Cindy! Buksan mo 'tong pinto!"

Walang sumagot. Alam ko namang naririnig niya kami. Mas lalo tuloy akong nag-aalala. Parehas na kami ng expression ni Steff.

"Cindy! Alam kong nandiyan ka," Sabi niya habang gora pa rin sa pagkatok. "Buksan mo na yung pinto. Please?"

"Ayoko!" Sigaw ni Cindy sa loob. Garalgal ang boses niya, halatang-halatang umiiyak pa rin siya.

"Cinderella!" Sigaw ni Steff pero halata mo pa rin yung concern sa boses niya. "Papasukin mo kami."

"C-Cindy pangalan ko!" Sagot no'ng isa na may kasama pang pagpiyok.

"Fine! Cindy! Now, will you please open the door?"

Hindi na muli pang sumagot si Cindy. Napabuntong hininga ako. Sabi na, eh, wala ring mangyayari. Matigas talaga ulo niya kahit sa ganitong sitwasyon. Hay nako.

Napailing na lang si Steff. Mukhang hindi 'to matatahimik kaya hinawakan ko na siya sa kamay. Takang napatingin siya sa'kin, nginitian ko siya. "Ice cream?"

Tingin ko mas kailangan ni Cindy ng time para mapag-isa. Alam ko namang slow ako minsan pero marunong pa rin ako makiramdam kahit papa'no.

Napangiti na rin siya at in-intertwine yung mga daliri namin. Naramdaman ko yung heartbeat ko. Relax ka lang, Yanyan, huwag ka muna kiligin.

"Mabuti pa nga."

Holding hands kaming naglakad palabas ng bahay. Ewan ko ba, kung kailan ko na-realize na gusto ko siya, saka naman ako nakaramdam ng something-something sugary. Katulad ngayon, parang naglilikot yung mga lamang loob ko kasi hawak ko ang kamay niya. Duh! Eh, dati ko pa naman nahahawakan kamay ni Steff. Nakakaloka lang, ang weird kasi. Mukha akong teenager.

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now