Chapter 3

15K 576 26
                                    

Ito na talaga ang pinaka-worst na araw sa buong buhay ko. Baddest day...ever!

Saktong pagka-break ay tumakbo na kaagad ako palabas ng room para hanapin si Yanyan. Kailangan ko ng shield laban do'n kay Juliet na sobrang pervert. Kapag naaalala ko yung ginagawa nya sa'kin kanina ay naiiyak ako, gustung-gusto ko siyang ipa-shoot to kill! Dapat pala talaga hindi ko iniwan iyong martilyo sa bahay, eh. Pinangtakot ko lang naman kina Yan at Ate 'yon talaga kaya nang tumalikod sila ay saka ko lang iyon inalis sa bag ko. Nakakaasar!

Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Buti na lang talaga at hindi nya ako naabutan. Sana mag-disappear na lang 'yang Juliet na 'yan forever o kaya sana iba na lang ang landiin niya─huwag lang ako!

"Nasaan na ba ako?" tanong ko sa sarili. Napakamot ako sa ulo ko habang tinitingnan itong lugar na napuntahan. Ang alam ko, pupunta ako kay Yanyan. So ano 'tong napuntahan ko? Part pa rin naman 'to ng school, 'di ba? 'Di ba? Oo, part pa 'to ng school. My gas, tanong ko sagot ko.

Ayoko sana magsayang ng load, pero sige na nga, tatawagan ko na siya! Kaysa naman hindi na ako makaalis dito. Takot ko lang. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Yanyan. Ring lang ng ring. Bwisit ka, Yanyan, sagutin mo 'tong tawag ko! Unattended, peste. Sinubukan ko ulit siyang tawagan. Mga after three rings ay sumagot na rin ang bruha. Salamat!

"Hello—"

"Yanyan!" kaagad na sambit ko sa pangalan niya.

"Ang boses mo, Cindy! Ang sakit sa bangs! Bakit ba?"

"Puntahan mo ako rito." utos ko. "Naliligaw 'ata ako."

Patingin-tingin ako sa paligid. Baka mamaya may kung anong elemento na rito, nakakaloka!

"Hindi pwede, may prof pa kami rito. Nagpa-excuse nga lang ako na sagutin yung tawag, eh." sagot niya. Nakakairita naman 'tong babaeng ito.

"Basta, pumunta ka rito!" utos ko, "Sabihin mo may emergency o kaya natatae ka kaya kailangan mong mag-cr!"

"Letse ka! Anong kaeme-emergency sa'yo? At saka, duh, ang pangit ng excuse mo, ah!" sagot niya pabalik. Napapansin ko talaga na matapang lang si Yanyan kapag hindi niya ako kita, eh.

"Pumunta ka rito."

"Ayoko!" Kulit, lintik!

"Pupunta ka rito o uuwi kang butas ang ulo?" pananakot ko na. Char lang. Akala naman niya dala ko pa rin yung martilyo, eh.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Oo na. Nasan ka ba?"

Bibigay rin naman pala. Tiningnan ko ulit ang paligid ko. "May katabi akong malaking puno rito tapos may nakikita akong parang lumang fountain at saka—"

"Alam ko na." putol niya sa sinasabi ko. "Bye!" Nakarinig na lang ako ng toot na sound.

"Letse." Napairap ako. Hindi man lang ako pinatapos magsalita tapos pinatayan pa ako ng tawag. Aba, matindi! Ano na ngayon ang gagawin ko?

Wala namang kahit ano rito. Hindi naman ako mahilig maglaro ng games sa cellphone. Wala namang tao rito tapos itong punong nasa malapit sa akin, parang bahay ng kapre sa laki. Nakakatakot. Saan ba magandang pumwesto? Kung hindi lang ako matatakutin edi sana hindi ako nag-iisip ng kung ano. Kumanta kaya ako? Kaya lang baka bumagyo. Nakaka-amaze kasi ang boses ko kaya pati si mother earth nakikisabay na sa'kin. Oh, my gosh, I'm so amazing talaga! Hay, nako. Kahit takot ako rito sa puno, sige na, uupo na 'ko.

--

Dumating na rin si Yanyan saktong malapit na akong ma-deds sa kakahintay. Lumapit ako sa kanya at binatukan siya nang malakas.

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon