Chapter 6

11.6K 549 76
                                    

"What? What happened?" concerned na tanong sa'kin ni  Juliet.

Nagmamadaling tumakbo siya papunta rito sa banyo para siguro i-check kung buhay pa ako o patay o whatever. At sa katangahang palad...

"Ouch!" daing niya. Hinimas niya ang pwetang napuruhan ng tiles.

Nadulas siya.

Okay. Ito ang palaging tinuturo sa'tin ng mga teacher magmula pa noong kinder—although diretso grade one na talaga ako—at iyon ay...huwag pagtawanan ang mga taong nasasaktan or yung mga may kapansanan.

Pero dahil hindi naman ako plastik at pasanta-santita epek lang iyon ng mga tao, wala akong ginawa kung hindi ang tawanan siya sa kalampahan niya, sobrang lakas ng tawa ko to the point na nag-e-echo na rito.

"Alam mo ang tawag diyan?" Tatawa-tawang tanong ko pa rin. "Karma! Karma 'yan, Juliet! Shems! Ang sakit sa tiyan!" Tawa lang ako ng tawa kahit mukha na siyang napipikon. Eh, pakialam ko ba? Siya nangunguna, eh. Ang landi kasi, ayaw ibagay sa mukha. "Ang dami kong tawa sa'yo, mga bente!"

Naiilang na napatigil ako sa pagtawa nang mapansin ko na hindi na siya nakatingin sa'kin. Nakaupo lang siya sa sahig, nakayakap sa tuhod niya habang nakayuko. Kinabahan ako nang narinig ko siyang humihikbi.

"Juliet?"

Waepek. Naririnig ko pa rin ang mahinang pag-iyak niya. Nagda-drama ba 'to o ano? Lumapit ako sa kaniya at inalug-alog siya. Sinubukan ko ring iangat ang ulo niya para makita ang mukha niya pero ang tigas! Ano bang gagawin ko rito?

Kahit nag-aalangan ako, dahan-dahan kong hinawakan ang likod niya at hinagod ito ng pataas at pababa. "Hoy, Juliet, naalala mo yung sinabi ko sa'yo noon? Sabi nang ayokong may naiyak, eh. Tahan na kasi..."

Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa'kin na parang bata. Basa ang pisngi niya ng luha. "You remembered?"

"H-ha?" So, bakit ako nadi-distract sa titig niya? Wala namang iba ro'n except sa umiiyak siya. Parang gusto kong tumakbo sa kama ko at magtalukbong ng kumot.

"That line...naaalala mo, 'di ba?" tanong niya. Napalunok ako. My gosh, nabisto ang dyosa mo! "Noong prom." Seryosong pahayag niya. Shems, mas lalong nakaka-distract! Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang magkabila kong balikat at inilapit niya ang magandang mukha niya sa mukha ko. "Naaalala mo, 'di ba, Cindy?"

"O-oo," Napabuntong-hininga ako at pinakinggan ang sariling heartbeat ko na magwala. "Oo." Nakakabobo pala kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko. Letse, mas okay pa yata kung mine na lang, eh. Kainis!

"Why didn't you tell me that you remembered me?" Nagtataka at may bahid ng lungkot na tanong niya. Hindi rin naman niya sinabi.

"Hindi ka naman nagtanong, eh. At saka, excuse me lang, hindi tayo close." Aalis na sana ako pero ayaw naman niya akong bitawan. Gusto ko sana itulak kaso baka mabagok ang ulo, makulong pa ako. "Bitaw na."

"Then, you remembered your promise...kapag nagkita tayo ulit at hindi ka pa nai-in love," Natigilan ako nang napadpad ang kamay niya sa baywang ko. "Alam mo na."

"Wait lang naman!" Awat ko dahil naloloka ako sa mga sinasabi niya. "Sabi ko 'di ba joke lang 'yon? Ang kulit mo naman, eh."

Na-guilty ako sa sinabi ko. Mukha kasing nasaktan siya sa sagot ko. Mas lalo pa akong na-guilty nang umiyak siya ulit. Juice colored! Nakapagpaiyak ako ng isang babae—well, ibang kaso iyong pagpapaiyak ko kay Yanyan, pero—kahit na! Ito yung klase ng pagpapaiyak na hindi maganda sa feeling. Naman, oh!

"Juliet, Juliet, tahan na. Please naman, nagi-guilty na ako, eh." pag-aalo ko sa kanya. Pinakalma ko talaga ang boses ko. Pero wala. Hala, sige, iyak pa rin! Naman-naman, eh!

"I w-want you!" Hagulgol niya. Sumigok pa ang babaita.

"Eh, kasi," Napakamot na ako sa ulo. Kung titingnan ko siguro sa salamin ang mukha ko, malamang...maganda parin. Alangang pumangit. Ang hirap i-explain sa kanya na malabo yung gusto niya dahil una, parehas kaming babae. I mean, sige, okay, hindi naman na issue iyon sa panahon ngayon. Sina Yanyan at Ate Steff nga, eh. Ang kaso, straight ako! Pangalawa, hindi ko siya kilala. Nakakaloka! "O, sige na, sige na! Tahan na kasi."

"I...I really want—" Napahikbi siya. "You!" Susme, lalo pang lumakas ang hagulhol niya. Lalo tuloy akong natataranta, eh.

"O-oo na, sige na. Hindi na 'yon joke, okay?" Tango-tangong naisambit ko. Patawarin sana ako. Mababaliw ako sa babaeng 'to! "Okay na! Kaya please lang, huwag ka nang umiyak kasi naloloka na ako sa'yo!"

"No!" Umiling siya na parang bata at suminghot. Gosh, ngayon lang ako nakakita ng pagkagandang babae na wapakels kung inuuhog na o hindi. "I k-know napipilitan ka l-lang..."

"Hindi!" Marahas akong umiling. Lalo akong nag-panic nang muli siyang pumalahaw ng iyak. "Tahan na kasi. Ayan na nga, oh, sa'yong-sa'yo na ako. Ako na nagpresinta, choosy ka pa ba?"

"R-really?" Medyo tumigil na siya sa pag-iyak kaso singhot pa rin ng singhot. Tumango na lang ako. Ano pa bang magagawa ko? Kung hindi rin ako isa't kalahating tanga, eh.

"Then, k-kiss me," Ngumuso siya. Nanlaki ang mata ko sa narinig. "Sa lips."

"Ano!" Malaki pa yata sa mata ng tarsier ang mata ko ngayon dahil sa sinabi nya. "Ayoko, Juliet!"

Umiyak na naman siya nang malakas. "I knew it! You don't want me!"

"H-hindi naman sa gano'n." Para na akong bulateng hindi mapakali rito. Okay, fine, hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero hindi ko rin naman siya gusto bilang babae! Like yung may malisya! Juice colored. Ano ba 'tong nangyayari sa buhay ko! "Eh, kasi..."

At paano ko ba sasabihin sa damulag na 'to na hindi ako marunong humalik? At saka, 'di ba parang nakakadiri? Didikit yung laway ng kahalikan mo sa'yo, eh, ang dami kayang germs no'n! Parang ang sagwa 'pag nai-imagine ko.

"Juliet naman, eh. Huwag na kasi." nakikiusap kong sabi.

Hindi na siya nakinig kasi iyak lang siya ng iyak. Kamon, Cindy, paganahin mo 'yang utak mo! Nasaan na iyang ipinagmamalaki mong brain cells? Bakit nalusaw na yata? Kuh! Mababaliw na ako rito!

"Juliet..."

"K-kiss..." Napanganga ako nang tingnan niya ako sa mata.

Hep! Ano 'to? Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ang bilis ng heartbeat ko? Nakakaasar! Nagpa-palpitate pa nga yata ako nang 'di oras. Napaismid ako. Nawalan na nga ako ng choice, ngayon naman nagpa-palpitate pa ako.

"N-naman, oh!" Walang laban na nasabi ko na lang. Hinawakan ko siya sa mukha niya at pinunasan ang mga luha nito na parang faucet sa pagtulo. "Huwag ka nang iiyak pagkatapos nito. Letse ka."

Lumapit ako at...tingin ko naman alam na niya ang mangyayari, 'di ba? Alangan namang maglaro kami rito ng tagu-taguan.

Kahit hindi ako marunong, pinagdikit ko ang mga labi naming dalawa na nagpatahimik sa kaniya nang tuluyan. Napasinghap siya at ganoon din ako. Marahang hinalikan ko siya sa labi habang unti-unti akong napapapikit.

_____

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now