Chapter 7

11.6K 551 26
                                    

O...kay? Anong next na gagawin ko? Ito na nga, kini-kiss ko na siya.

Magkadikit na yung lips namin? Check. Nakapikit na yung mata ko? Check. So, gagayahin ko yung kissing scene na napapanood ko sa drama? No way!

Dumilat ako at nakitang pikit na pikit pa rin ang mga mata niya. Kakalas na sana ako nang hapitin niya ang baywang ko palapit lalo. Mas nagkadikit ang mga labi namin at doon na niya sinimulang igalaw ang lips niya. Sinubukan ko siyang itulak kaso wala namang epek. Parang biglang naging lantang gulay itong mga braso ko.

Hindi ko na napigilang pumikit ulit at sumunod sa paraan paghalik niya. Para kasing biglang...naging matamis ang lips nya? Mas masarap pa sa chocolate. Nakakaadik. Juice colored, nagdedeliryo na 'ata ako. Hindi ko alam paanong ide-describe, basta, para bang nakakahalinang ipagpatuloy. 'Di naman ako marunong humalik pero feeling ko naging instant good kisser ako. Wala na kong pakialam kung babae man 'to. Hindi naman ako nakakaramdam ng pandidiri. Malambot pala talaga ang lips ng babae.

Mabagal ang halik sa una, hanggang sa bumilis iyon at lumalim pa. Kinagat niya ang lower lip ko at pinadaanan ng dila niya. Shit. Ano 'yon. Napahigpit ang kapit ko sa balikat niya. Para kasing nag-iiba ang pakiramdam ko. Parang...ano ba 'yon? Ah, ewan! Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Shete naman, oh.

Naghiwalay ang mga labi namin nang maramdaman kong kinakapos na ako ng hininga at gano'n din siya. Nagkatitigan kami. Namumula ang mukha niya, malamang ay ganoon din ako. Ramdam kong mainit ang pisngi ko, eh.

"Masaya ka na?" Tanong ko kay Juliet habang hinihingal na pinupunasan ang lips ko.

"Why are you wiping your lips?" Lumabi siya. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Anong meron at type na type ng tao ang mag-pout? Nakakahaba kaya 'yon ng nguso.

"Nagtanong pa ang gaga..." Napairap ako at pinanlakihan siya ng mata. "Hello! Dumikit kaya yung laway mo sa bibig ko, malamang pupunasan ko. Alam mo bang maraming germs ang nakukuha sa saliva? Eww!"

"Malinis ang saliva ko," ang walang kwenta niyang argumento. Pero sabagay, oo nga. Actually ang tamis ng lips niya pati yung—ay, letse.

"Hay, nako, ewan ko sa'yo!" sagot ko. "Nakakaasar, kung hindi ka lang umiyak, naku, paktay ka talaga sa aking babae ka."

Nagulat na lang ako nang dambahin niya ako bigla. Heto na naman po tayo, nakapatong na naman sa'kin 'tong malanding girlash na 'to—o shiboli? Whatever. Itinulak ko siya pero mabilis naman niyang hinawakan ang dalawang kamay ko. Ang matindi, hindi na ako makatayo sa kalokohan niya.

"I want more..." Nag-lip bite siya at tiningnan ako na parang masarap na pagkain. So, pinag-compare ko talaga ang sarili ko sa pagkain? My gosh, nababaliw na rin yata ako. Ang weird niyang tumitig!

"I-want-more-I-want-more ka riyan? Aba, magsawa ka naman!" Litanya ko na akala mo ginahasa ang labi ko. At, tsaka wow, ah! Anong klaseng set-up 'to? Mukha ba akong game gumawa ng live porn? Ew, nevah! "Kanina mo pa ako pinagtitripan, ah!"

"Kiss..." Napatingin ako sa lips niya at napalunok. Parang gusto ko siyang pagbigyan─which is hindi dapat!

"Letse, kiskisin mo 'yang mukha mo! Ayoko na kasi!" Ka-abnormal-an naman yung pumapasok sa kokote ko. Really, Cindy? Gusto mo siyang halikan?

Napabuntong hininga ako. Immune na nga 'ata talaga si Juliet sa sigaw ko. 'Di man lang mabasag yung eardrums o kaya matakot sa'kin. Tinitigan ko siya nang masama nang bigla na lang siyang tumawa. Akala mo wala nang bukas makahalakhak. Sirang-sira ang poise ni ate.

"Tumigil ka nga!" Baliw din 'to, eh. Kanina umiiyak tapos ngayon tawa ng tawa. Hay, Juliet!

"I'm sorry," Tumigil din naman siya. Umupo kami parehas, napakunot ang noo ko nang niyakap niya ako. "And thank you, Mine."

Tumalikod ako sa kaniya at tumayo. Ang weird kasi ng tingin niya...o ako ang weird? Eh, lagi naman siyang gano'n tumingin, eh!

"Dapat lang na mag-thank you ka." pagsusungit ko, "O, s'ya, lumayas-layas ka nga, pati paghihilamos ko naaapurnada mo."

"Maghihilamos na rin ako. My tears were already dried and it feels uncomfortable." Para siyang bata na nagpunas ng pisngi. Magandang bata na medyo manyakis. Hay!

"Bahala ka." Naghilamos na ako nang hindi siya iniintindi. Malaki na 'yan, kaya na niya ang sarili niya. Sinunod ko naman ang pagto-toothbrush. Napangiwi ako. Ew, na-realize kong nakakadiri pala yung ginawa ko kanina. Seriously, nakipaghalikan talaga ako nang hindi pa nagto-toothbrush?

Tinuyo ko ang mukha ng towel. Tumingin ako kay Juliet na kanina pa nakatunganga sa'kin. "Oh, ikaw nang gumamit ng banyo." Binato ko sa kanya yung ginamit kong towel bago lumabas. Dumiretso na akong kusina. Ano bang almusal? Kanina pa ako gutom.

Wala akong naabutang kahit anong pagkain sa lamesa. Napakunot tuloy ako ng noo. Napansin ko na may nakadikit na note sa ref kaya kinuha ko 'yon at binasa.

Cinderella! Inubos ko na yung almusal mo hehe :P Ikaw na bahala sa sarili mo, LABYU! - Ate Steff

Nakaka-touch.

Napairap ako. Grabe. Ngayon kailangan ko pang magluto. May sausage pa naman at saka itlog. 'Yon na lang. Basta makakain. Katakawan ni Ate, hindi man lang ako tinirhan.

"What are you doing?" Napalingon ako kay Juliet na kabababa lang.

"Sige tingnan natin..." Iminuwestra ko ang sarili sa kaniya. "May hawak akong kawali at may naka-ready pang hotdog at egg. Tingin mo, anong ginagawa ko? Mukha ba akong nagju-juggling?" Inirapan ko siya sa huli.

"Mine."

Hindi ko pinansin yung tawag niya. Istorbo, eh. Akala niya ba madaling magluto? Pwes, sa'kin, hindi! Kainis naman kasi si Ate. Alam nang hate ko magluto, hala sige, ubusin pa pagkain ko.

"Hoy, kumain ka na ba?"

"Not really..." Kibit-balikat na sagot niya. "Why?" 

Hindi na ako sumagot pabalik. Luto na rin naman ang pagkain kaya naglagay na ako ng plato sa mesa, naghain, pagkatapos, syempre ay lumafang na.

"Is this for me?" Titig na titig siya sa pagkaing nasa harapan. Akala mo talaga ngayon lang nakakita ng hotdog and egg sa buong buhay niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Tingin mo?"

Tumangu-tango siya na parang bata na naman. Nasimula na siyang kumain. Kakain din naman pala, ang dami pang arte. Kaso, para siyang ewan na napapahagikhik, kilig na kilig lang.

"It tastes good," puri niya.

"Oo na lang. Kumain ka lang diyan."

"Do you know why I said thank you a while ago?"

Tumingin ako sa kanya ng ilang segundo bago muling ibalik ang atensyon sa kinakain ko. "Hindi, at wala akong balak malaman."

"I said thank you because I am your first kiss."

Napaubo ako nang wala sa oras. Nabilaukan ako sa laway ko dahil sa sinabi nya. Salubong ang kilay kong tinitigan siya. Ipaalala talaga! Ramdam ko na unti-unting nag-iinit ang mukha ko. "L-letse, kumain ka na nga lang!"

"And hopefully, I want to be your second, third, fourth, until your last kiss." Abat!

Tinitigan ko siya nang masama. "Tumahimik ka!"

_____

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Where stories live. Discover now