Chapter 8

12.5K 488 32
                                    

"Wut is da meaning of dis?"

Inirapan ko si Yanyan dahil sa linya niya. Ang pangit mag-pronounce, trying hard masyado.

"Buti naman nandito ka na!" Napatingin ako do'n sa katabi niya na ngiting aso na naman. "Hoy, Ate Steff! Ang aga mo yatang umuwi?"

"Ako boss, eh." Ngumiti ang kapatid ko ng nakakaloko. Hay, nako, nagyabang na naman po siya.

"Boss mo mukha mo," iritableng sagot ko. Umismid ako. "Tulungan ninyo na lang kasi ako rito!" Utos ko sa kanila.

Nakaka-stress! Nandito pa rin kasi hanggang ngayon 'tong master ko—oo! Master na ang tawag ko sa kanya since ayaw ko raw siyang tawaging mine. Kainis, ang kapal ng fez kung maka-demand ng Juliet na 'yan. So 'yon nga, hanggang ngayon nandito pa rin si Juliet. Asa namang tatawagin ko talaga siyang master. Ang babae, hanggang ngayon, katabi ko pa rin! Tulog na tulog ang loka pero ang mga braso, hala sige, pulupot pa more sa katawan ko! Ayaw man lang bumitaw!

"Sus! Tulong daw, eh, mukhang sarap na sarap ka riyan! Try mo kayang alisin." atribidang sabi ng napaka-slow kong pinsan.

"Tanga lang, Yan? Kanina ko pa nga inaalis yung braso nitong babaeng 'to, ayaw naman! Palit na lang tayo, oh."

Halos maghugis puso ang mga mata ng malandi kong pinsan. Todo tango siya sa akin. "Sige, sige—"

"Hindi pwede!" Hindi na natapos ni Yanyan ang sasabihin niya nang parang sako ng bigas na binuhat siya ng kapatid ko.

Pinagpapalo naman ni Yanyan ang likod ni ate, 'pag nahulog siya bigla tatawanan ko talaga siya. "Steff! Ibaba mo 'ko!"

"Ibababa lang kita kapag nasa kwarto na tayo. Ako ang pupulupot diyan sa katawan mo," pahayag ni Ate. Dinugtungan niya pa iyon ng isang nakakatakot na pagtawa. Pati mukha, nakakatakot.

"C-Cccindy!"

Panay ang sigaw at tili ni Yanyan habang buhat-buhat siyang inilabas ni Ate Steff sa kwarto ko. Dinig ko pa rin ang malakas na pagtawa ng kapatid ko─tawang manyakis. Ayoko na lang ma-imagine ang mga gagawin nila. Buti nga sa pinsan kong kontrabida—teka nga lang...

"Hoy, mga impakta! Tulungan ninyo 'ko rito!" sigaw ko. Bwisit, ba't ba kasi hinayaan ko silang maglandian? Ayan. Ang galing mo, Cindy, lagi ka na lang stuck sa babaeng katabi mo.

"Ssh," ungot nitong lintang katabi ko. Medyo tumaas yung balahibo ko dahil nakatapat ang bibig niya sa leeg ko. Humigpit pa ang yakap niya sa baywang ko at mas sinubsob ang pagmumukha niya sa'kin, napahiga na tuloy kami parehas nang tuluyan. In fairness, hindi siya mabigat kahit ang tangkad niya.

Sinuklay ko ang malambot niyang buhok gamit ng daliri ko. "Hay, nako, Juliet, ang tigas ng ulo mo. Alam mo 'yon?"

"I know."

Nanlaki ang mata ko at inalis ang kamay ko sa buhok nya. "G-gising ka?"

Inabot niya ang kamay ko tapos binalik sa buhok niya. Ni hindi man lang siya nagmulat ng mata. Halatang komportable talaga sa itsura namin. "Go on, laruin mo lang yung buhok ko."

Napairap ako kahit hindi niya kita. "Ano ka, sinusuwerte?"

"I'm your Master." Giit niya bago lumabi. Lagi na lang nguso ng nguso. Hindi naman cute.

"So?" pagtataray ko.

"You should obey me, Mine. Or you want a kiss?"

"Ang kapal talaga ng mukha mo." Hindi ko maiwasang mapaismid. "Nakakaasar ka."

Sinuklay-suklay ko ang buhok niya para manahimik na siya. Pasalamat ka, Juliet, malambot 'tong buhok mo or else kakalbuhin talaga kita.

"Mine..." tawag niya. Siksikan kami sa sofa pero kibers lang...hindi ko naman mapapaalis, eh. Matigas pa bungo sa'kin, bwisit.

Juliet and Cinderella (GL) [Book I & II, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon